"Ave, pabili naman ako ng kape,"
Iyon ang narinig kaagad ng dalaga nang makababa sya sa kusina nila.
"Whut??" Ave reacted.
"Aba. Umeenglis ka na ngayon, anak? Oh sige. Le speak english.... I said, buy me a coffee."
"Ma naman. Kakagising ko palang eh." Alibi ni Ave tyaka pa humikab.
"Whether you like it or not. You'll buy me some coffee... "
"Ma nama----"
"Nakasalalay sa pagbili mo ng kape ang dagdag allowance mo, sweety." Pagpaparinig ng Nanay ni Ave habang busyhan na sa sink nila.
Napatigil naman bigla ang dalaga. "Sabi ko nga, Ma .bibili na. Saglit lang..." Sabay takbo nya sa CR nila para maghilamos. Nakakita naman sya ng polbo doon kaya naisipan nyang mag-polbo. Nagsuklay pa nga eh. Nanibago tuloy ang Nanay nya pagkabalik nito sa kusina. Dati rati kase ay hindi naman nya gawaing Magpolbo.
"Anak, may kras ka na ba?"
Kung kumakain lang si Ave malamang at nabulunan na sya dahil sa sinabi ni Nanay nya.
"P-po? Ma, naman. Aanhin ko naman yang kras kras na yan." Ani Ave.
Tiningnan lang naman sya ng mapang-asar ng Mama nya. "E bakit parang nagpapaganda ka, nak?"
"Si Mama talaga... Kung anu ano nalang napapansin. Kahit hindi naman na po ako magpaganda e maganda na ako." Bahagyang natawa si Ave bago ilahad ang kamay. "Yung pambili ng kape amina, Ma."
Pagkatapos ibigay ng Nanay nya ang pera at gumayak na ang dalaga tyaka Naglakad patungong kantina.
"Pabili!" Sigaw ni Ave nang makarating na sa tindahan nila Caleb.
Napaayos naman sya ng tayo nang makitang paparating na ang binata.
Nagkatinginan muna ang dalawa bago nagsimula ang negosasyon.
"Ano?" Firm na tanong ni Caleb.
Bigla, nagpaulit ulit naman sa utak ng dalaga ang sinabi ng taong kaharap nya noong isang araw.
'This is for my girlfriend... Tss..:
'This is for my girlfriend... Tss.'
'This is for my girlfriend... Tss.'
"Sheet! Stop!" She murmured and shook her head.
Nakatingin lang naman sakanya si Caleb with his oh-so-poker face.
"A-ano... Pabiling kape. Yung nescaffe 3 in 1. Tatlo." Utal na sabi ni Ave. Nagtataka lang talaga sya kung bakit sya nauutal.
Pagkakuha ni Ave ng kape ay sakto namang pagdating ni Conny.
"Kuya Calvs, pabili nga ako ng bumbilya... Yung malinaw... Yung tipong makikita na ng Crush ko yung halaga ko. Eksdi!" Hyper na sabi ni Conny.
As usual ay nakapoker face lang ang binata sakanya tyaka pa ito nagcross arms.
"Nakalimutan mo nanaman bang uminom ng gamot, Conny?" Simpleng tanong ni Caleb.
"Hehe... Eto seryoso na ako kuya Caleb. Pabili ng sibuyas."
Nagtaas muna ng kilay ang binata, "ilan?"
"Kahit ilan... Basta yung sibuyas na hindi ako papaiyakin." Banat ni Conny.
Natawa nalang si Ave sa isip isip nya dahil mukhang sasabog na si Caleb sa galit dahil sa mga banat ng pinsan nito.
"Kelan ka ba bibili ng matino dito, conny?" Pagsusungit ng binata.
"Hehe... " ipinukol naman ng bata ang paningin kay Ave. "Luh? Nanibago ata ako sayo, Ate Ave, ah." Aniya.
"Huh?" Confuse namang sabi ng dalaga.
"Himala. Hindi ka hyper ngayon tyaka parang-----
"KONEEE! YUNG TUYOOO!"
naputol si Conny sa sinasabi nang bigla nalamang marinig ang sigaw ng nanay nya sa bahay nila na katapat lang ng tindahan nila Caleb.
"Halla. Pabili daw ng Tuyo, kuya." Tarantang sabi ng batang babae tyaka ibinigay ang benteng dala kay Caleb.
Imbes na tuyo ay daing naman ang iniabot ng binata.
"Kuya ang sabi ko Tuyo... Tuyo na pala ang daing ngayon?" Natatawang sabi ng bata.
"Bakit basa ba yang daing? Tuyo naman, ah." Pamemelosopo naman ni Caleb. "Wala kaming tuyo. Yan nalang. Sya ding isda, eh. Baka gusto mong palitan ko ng dilis?"
"Ge. Ito na nga. Babay. Gora na aketch!" Paalam ni Conny tyaka na nagmadaling pumasok sa bahay nila.
"Ehem. Magkano tong kape?" Ave suddenly spoke.
"21." Tipid namang sagot ni Caleb.
Pagkatapos mabayaran ng dalaga ang kape ay umalis na din ang dalaga.
Sinundan naman into ng tingin ni Caleb. Kanina pa kase sya nawe-weirdohan sa dalaga.
"Anyare dun?" Tanong nya pa sa sarili.