Kabanata 12

44 4 1
                                    

"Mga ulupong kayo! Napakalalaki nyong tao kung anu-anong iniisip nyo! Mga malisyoso!"

Tig-iisang batok ang nakuha ng tatlong lalaki galing kay Ave nang sabihin ng mga ito na gumagawa sya ng milagro kasama si Caleb.

"Owwtch!--- Malay ba namin kung ano ba talagang ginagawa nyo!" Anas ni Jonas.

"Tyaka, lalaki kaya kami. Natural lang na isipin namin yun." Sunod namang sabi ni Jonard.

"E bakit nga kase kayo magkasama nung Caleb na yon? Tapos may pa-on my on my top pa syang nalalaman tapos ikaw naman pa-aray aray ka pa." Jojo spoke.

"Ganito nga kasi yun... Sabay kaming nag-jogging papuntang bukid tap-----" hindi paman tapos si Ave sa sinasabi ay sumabat na agad si Jojo.

"Sa bukid nyo yun ginawa? Whut!?--- Aray!"

Mahinang sinikmuraan ng dalaga si Jojo.

"Cactus ka! Mapapaslang talaga kita ng wala sa oras.." Asik ni Ave, tyaka na ipinagpatuloy ang pagkukwento. "So, ayun nga, nung nasa bukid na kami bigla akong natapilok."

The three guy gasped their mouth. "Ano!? Natapilok ka?!"

"Ay hindi.Nabaril. kasasabi ko nga lang diba?" Pambabara ng dalaga sa tatlo.

"Buti hindi ka namatay?"

"Pero sana namatay ka na lang!" 

Pinasadahan nya lang ng deadly stare ang tatlong ulupong.

"Joke!"

"Dali na, tuloy mo na."

Nag-cross arms muna si Ave bago nagsalita uli. "Hirap nakong makalakad nung i-try kong maglakad uli. Tapos nag-offer si Caleb ng piggy back ride... E dahil no choice ako edi pumasan nako sakanya.."

Sabay namang tumango tango iyong tatlo.

"E bakit ka umaaray?" Tanong ni Jojo.

"Yung Caleb na yun, eh... Tumakbo daw ba bigla? Edi nagalaw na yung paa kong natapilok."

Pagkatapos ng pagpapalinawagan session ng apat ay bumaba na sila sa rooftop at tumungo sa cafeteria para kumain na ng lunch.

"Grabe yung tilapia nila, oh. Nagdiet. Nagmukha tuloy galunggong. Sheet." Pagrereklamo ni Jojo nang makaupo sila sa bakanteng mesa na nakapwesto sa dulo.

"Ssh. Marinig ka ng mga tindera, Par." Natatawang Saway sakanya ni Jonard. 

"Yaan nyo nang ma-ban dito yan." Ani Jonas na nag-umpisa ng lumamon.

"Parang may kulang, mga Par." Bigla ay sabi ni Ave. 

"Ano naman?"

"Panulak... Nakalimutan nating bumili. Jonas, bili ka ngang coke... Yung pepsi."

Kamuntik ng mabilaukan si Jonas nang marinig ang sinabi ni Ave.

"Tanga lang Ave? May coke bang Pepsi?" Patawa tawa nyang sabi na sinabayan pa naman ng dalawa.

"Para nagpapatawa lang, eh." Palusot naman ng Dalaga. "Pero dali na, bili ka na."

"Bakit ako pang inuutusan mo e kumakain na ako?" Reklamo naman ni Jonas.

"Yun na nga eh, nakain ka na. Ibig sabihin nun kahit papano may laman na yang tyan mo. May lakas ka na. E kami? Wala pang Kain." Ave stated.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Jojo na sinundan din ni Jonard.

Napakamot Malang sa batik si Jonas. "Mga tamad talaga oh. Sige na, sige na. Pero wag muna kayong kakain hanggat wala pa ako, ah?"

"Oo na. Deal."

Pabili'ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon