Arrg! Nag-unat ako at sinundan pa ito ng isang hikab. Alas tres ng umaga, nakatulog pala ako. Bumaba ako saglit para uminom ng tubig tapos balik ng kwarto para magcheck ng Facebook.
Teka nga, ba't parang andami atang notifications at messages? Ay oo nga pala! Yung Make Me Fall! Aba! Andami nang mga comments dun sa post at thirty messages na din ang natatanggap ko. Binasa ko ang mga comments at salamat sa Diyos e positive naman lahat.
Goin back to the corner when I first saw you~
Nag-ring ang aking phone, at napangiti ako. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganitong oras.
"Ba't ba ganitong oras talaga?" sabi ko agad pagkasagot ko.
"Alam mo naman ako, tsaka di naman problema sayo diba?" sagot naman ng malambing na boses ni Iya.
Yes, Iya. She's my text-and-call only friend. We met, or rather, started communicating nung biglang nagflood yan ng quotes na pangkonsensya daw sana sa ex-boyfriend nyang nanloko sa kanya about three months ago, na namali ng send pala at napunta sakin. Mejo weird ang aming relasyon, in a way, dahil rule namin e bawal ang magkwento ng mga bagay na pwedeng magreveal sa mga identity namin, gaya nalang ng full names for example. Ewan ko lang ha kung bakit ayaw nya kaming magkakilala pero naka-adjust na din naman ako.
"Sabagay. Tama ka Midnight Princess. And I hope you're looking more beautiful than ever tonight" napangiti ako habang sinasabi yun. Minsan kase, gaya ngayon, hinahaluan ko ng konting diskarte mga sinasabi ko at sya naman, in return, binabasag ako.
"Hay nako, lagi naman yun. Tsaka gusto mo din atang tawagin kitang Midnight Prince no para magkapares tayo? Kala mo ah" tumawa lang si Iya.
"Awts. Kung kasinggaling mo lang mandetect ang mga babae ngayon, malamang e magiging matandang binata talaga ako nito."
"Ah ganun? At parang kasalanan pa namin ng mga babae na hindi ka magkagirlfriend ah? Galingan mo kasing dumiskarte. Gasgas na yang mga istilo mo e!"
"Uy, wala naman akong sinasabing sinisisi ko kayo ah.."
Pero tama nga naman sya.. Napaisip tuloy ako kung tama din ba yung paggawa ko ng event na yun.
"Me tanong nga pala ako, tungkol dun sa event ko. Kung ano yung tingin mo that is."
"Ohh interesting. Sige do tell."
At ikinwento ko sa kanya ang mga detalye regarding Make Me Fall, and she listened without interrupting.
"Wow ha!" reaksyon nya pagkatapos kong magkwento "20k pa lang ayos na, may tickets at load pa! Pwede bang magpaligaw nalang ako sayo tas sakin mo na ibigay yung prizes?"
"Asus! Ano ka sinuswerte?" tumawa naman ako.
"Well, kung ang gusto mo lang naman pala e mapasok sa isang relationship, e tayo nalang sana diba.."
"You can't be serious. I mean, hindi nga natin mga personal details natin, tas papasok pa tayo sa isang relasyon? Hahahaha!"
Ikinagulat ko ang biglaang pagkaputol ng tawag. Dyaskeng service provider to at parang tinatiming yung pagka-cut ng tawag eh no? Inantay kong tumawag sya ulit kase di ako nagpaunlicall that time. Usapan na rin kase namin na magsalita ng pa-unli tawag every other day, and this day was her turn. Lumipas ang tatlong minuto, aba't di pa rin tumatawag ulit? Tinext ko sya ng "Hey. Ok ka lang ba jan?" at habang naghihintay sa kanyang reply, nagsimula akong itype ang mga detalye nang magiging kontrata sa Make Me Fall. Here it goes:
I, _______________, will abide by the wishes of my boyfriend Paul as I sign this contract. It would mean that I will do my very best to make him fall for me within the span of three months in our relationship. I will follow all the terms stated by Paul as part of the event and I will accept all the consequences if I will violate these terms.
If I fail to make him fall for me, I will be obliged to pay him back double of the rewards that he will be giving.
That would mean, 40,000 PHP, trip to any destination in the Philippines for 4, and 6,000 worth of load.
I sign on this date: _________
Signature of participant over printed name: ____________________
Paul's signature: ____________________
At ipapanotaryo ko pa to bukas ke uncle para maging opisyal na itong kontrata. Now na meron na, tingnan naten kung sino talaga ang pursigido.
Pagkatapos kong mareview, pinost ko agad ito sa Facebook.
Okay guys, here goes. This message is a follow-up on what I announced hours ago. All those who submitted since awhile ago, thank you so much, and consider yourself as accepted already for the screening. Before the announcement though, let me just remind everyone na meron kayong kontrata na pipirmahan once na ikaw ang napili ko, at eto ang mga detalye sa kontratang yun.
*Inserted the details of the contract*
Dun sa mga nagsend na ng kanilang mga letters, again, are considered as accepted for screening already, at dun ako pipili ng magiging girlfriend ko. If you somehow changed your mind into joining the event, feel free to send me another message telling me that you are backing out para ma-erase ko kayo sa listahan. I will not erase your name unless you sent me a message that you are backing out.
Again, deadline for submission is on Monday next week, and the announcement of the lucky one will be on Wednesday next week.
Thank you and Good Morning!
Yun na. Mejo alinlangan kasi ako dun sa premyo at pati na rin dun sa event, kaya siguro ganun kabigat ang consequence kung sakali. Ewan ko ba't bakit parang meron akong nararamdamang hindi maganda dahil sa kalokohan kong to, and the worse part is that my intuition is seldom wrong, which sucks. Tumingin ako sa phone ko't mukhang di pa rin nagrereply si Iya. Sinubukan ko syang tawagan pero cannot be reached. Ano na kaya ang nangyari dun?

BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?