- IV

12 0 0
                                    

Napakasarap talaga mahiga pagkatapos pagdaanan ang isang nakakapagod na araw na tinapos sa isang masarap na hapunan. This. Is. Life. Walang assignments, malayo pa ang Midterms, at walang problema sa thesis. Ang saraaaaaaaap! Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Kakatamad mag online, makatulog na nga lang. Gigising nalang ako mamaya para basahin yung librong nahiram ko sa library kanina.

Napapikit na ako at tuluyan na sanang matutulog nang biglang..

Going back to the corner~

Punyemas! Matutulog na sana e!

"He-hello?" inaantok kong sagot.

"Paul? Na-nasaan ka?"

Mother of God! Oo nga pala! Magkikita nga pala kami dapat ni Angel!

"Hala!" napabangon agad ako mula sa pagkakahiga "Gosh! I'm sorry Gel! Nakalimutan ko talaga! Anjan ka pa rin ba? Pupuntahan na kita jan!"

"No.. I-it's okay.. Wag.."

"No! Pupunta na talaga ako jan okay!? Wait for me!" nagmamadali kong sagot sabay hagibis palabas ng kwarto.

Damn! Kung kelan di dapat makalimot oh! Untik na ako madapa't mahulog habang pababa ako ng hagdanan at napansin ito ng aking pinsan.

"Oh! Dahan-dahan lang uy! Ba't ba nagmamadali ka?"

"May pupuntahan lang akong importante Ate. Ano, pakisabi nalang din kay Mama ha? Tsaka ano, wag mo na din i-lock yung pinto pag matutulog ka na't di pa ako nakakauwi!" paliwanag ko sabay alis.

Lumipas ang limang minuto, sampu, labinlima! Putragis! Kung kelan ka naman nagmamadali saka naman nag-usad pagong tong jeep (Napansin nyo rin ba yun?)! Ang swerte ko nga naman talaga oh! Twenty-five minutes na ang dumaan at isang block nalang ata bago pa ang park na kung saan kami magkikita ni Angel. At dahil sa ayokong lumipas pa ang kung ilang taon bago ko marating ang park e bumaba nalang ako't tinakbo ang natitirang distansya. Grabe, humihingal na agad ako nang makapasok na ako sa park kahit di pa ganun kalayo yun. Kelangan ko na talaga mag-diet tsk. I looked around and saw where she was, at lumapit ako..

Sa totoo lang, parang kahapon lang ang halos dalawang taon na din nung huli kaming nagkita. Wala syang masyadong pinagbago, apart from her height siguro na halos humabol na sakin na five feet eight inches. The same long, straight, black hair. Her liquid, brown eyes that seemed to tell you what she feels even if she doesn't open her small mouth. At marunong na syang manamit ng pambabae ngayon, wearing a light blue, ruffled, sleeveless blouse, pencil skirt and sneakers. Seems like it it was just yesterday indeed.

"Pasensya na ha, dahil sa natagalan ako at dahil sa nakalimutan ko din na magkikita nga pala tayo ngayon.." medyo kapos pa rin ako sa hininga.

"O..okay lang.. Wag mo na isipin yun.." she has grown soft-spoken, at naupo kami sa malapit na bench.

"So what is it that you want to talk about?" tanong ko agad, with that hint of anxiety and of course, yung kaba na di ko maipaliwanag sa boses ko. Hindi ko naisip na ganito pa rin pala ang epekto nya sakin after all the years, at pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Pwede bang lumapit ka pa?"

Napalunok ako. Naman oh!

"Umm.. Kelangan ba talaga?"

Napatingin ako sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata. It was that familiar gentle look on her face.. Dapat nakalimutan ko na kung ano man itong.. Ah leche talaga..

"So-sorry.." yun nalang.. at lumapit na ako, at magkadikit na talaga kami..

"I missed you.." sabi nya naman, sabay sandal ng kanyang ulo sa aking balikat.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Make Me Fall.. Can You? [FIL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon