"HOY! BABAE!" di ako maaring magkamali sa tinatawag ko, dahil sya lang ang nakita kong babae na di pa nakakalayo pagkalabas ko.
Aba't di pa ako pinapansin? Binilisan ko pa ang paglakad ko at..
"HOY! TUMIGIL KA!" nakakahabol nako sa kanya, pero napahinto ako nang bigla syang humarap saken.
Kulot. Mahaba, at kulot ang buhok nya sa dulo. Parang dinrowing ang kilay, at ang mata nya e me pagka chinita, pero mukhang naglaho na ata dahil naiinis pa rin sya. Heart or oval shaped face, and those lips, to die for. Maputi't halatang makinis. Thirty-six, twenty-six, at sa tantsa ko nung nakita ko syang nakatalikod pa, thirty-seven.
"At sino ka naman? Kung makasigaw ka kala mo kung sino ka ah!? Inutusan ka ba ng lintik na manager na yun na habulin ako!? Naghahanap ka ng sakit ng katawan!?" sinigawan nya din ako. SYA NGA YUN!
"Aba aba at nakalimutan mo na agad ano? Pagkatapos mo akong ma-hit and run kagabi't nagkainjury ako? Nasira pa dahil dun ang cellphone ko!?" galit din ako. Aba, baka akala nya masisindak nya ako.
"Hit and run? Excuse me, I've never been involved in any accidents.. No wait, scratch that.. I should say, kung binangga man kita, e malamang patay ka na ngayon! AND I WAS SOBER LAST NIGHT! Kaya tanda ko pa kung me nabangga o binangga man ako kagabi!"
"Anong wala? Binangga mo ako dun sa ospital kagabi! Nasira ang cellphone ko dahil nabitawan ko! Dinaganan mo pa ako! Di mo na tinulungan, at bilang thank you, tinadyakan mo pa ako't iniwan!"
"Ah! Ikaw pala yung engot kagabi na humaharang-harang sa dinadaanan ko!?"
"Aba't ako pa yung engot?! E sino ba yung hindi tumitingin sa dinadaanan nya ha!?"
"Hoy! Ang daan e hindi para sa isang tao lang! Kung ikaw naglalakad dun para kang rumarampang model ng Victoria's Secret! At kung makaarte ka ngayon, parang kung sino kang na-injury parang wala naman!"
"Aba aba! Hoy, oo nga't naglalakad ako habang me kausap sa telepono, pero at least tumitingin ako sa dinaraanan ko ano!"
"So!? Hindi pa din maalis yung katotohanan na ikaw yung harang sa daan, at muntik na akong mabalian ng buto dahil sa pagkakabagsak ko!"
"E pano ka magkaka-injury nun e ako yung dinaganan mo!? Ginawa mo akong mattress!"
"Bagay lang sayo! Ang taba mo kaya!?"
"Boss! Boss!" narinig ko nalang na may mga pamilyar din na boses na sumisigaw, at mga yabag na rin na papalapit.
"Lintik naman oh! Malas ka talaga e!" galit nyang himutok tas bigla nalang ngumiti sya't hinawakan ang kamay ko. Nang mahigpit. At hindi ako makapalag. Hala?
"Oh? Ano yun Oshi? Junior?" binaling nya ang atensyon nya sa dalawang lalakeng bagong dating.
"Boss! Pinapahanap kasi kayo ni Boss, ng daddy nyo" humahangos yung tinawag nyang Junior.
"At ano na naman ang kailangan nya?"
"Yung ano nyo daw po kasi Boss, blind date nyo, naghihintay na dun sa restaurant" si Oshi naman ang sumagot. Tama! Di ako pwedeng magkamali! Itong dalawang to nga ang mga tumulong saken kagabi!
"Babe, eto na naman sila oh.. Kinukulit ako" naging malambing bigla ang boses nya't sinandal ang ulo nya sa balikat ko. Nge? Ako ba yung tinutukoy nya?
"Haaaa?" humina bigla ang process of information sa utak ko.
"Sino sya Boss?" nagtanong si Junior.
"Boyfriend ko. Bakit?"
"ANONG BOYFRIEND!?" naibulalas ko sabay bitaw sa kamay nya.
Nagkatinginan naman sina Oshi at Junior at ako naman e bigla nyang niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?