- VI

12 0 0
                                    

Ayun, di pa rin ako makapaniwala at mejo tuliling pa rin nang makauwi nako sa bahay. To naman kasing si Angel e, bakit parang nagpaparamdam na naman yata. Angel is my first love, and well, I have to admit, kahit matagal ko na ring binaon sa limot ang nakaraan, she still has this effect on me.

"Im joining your event Paul. That should be okay with you right?"

Pak! Naalala ko na naman! Bakit ba hindi ko sinabing ayaw ko syang sumali, na meron na daw akong napili, just to discourage her from joining? Bakit ba natameme nalang ako pagkatapos ng mga sinabi nyang yun?

Hay, baka subconsciously e gusto ko pa din, o meron pa ding parte sakin na, sabihin na nating nais ibalik ang kung ano man yung kahapon namin. Isang kahapon na naudlot, na hindi nagtuloy. It really didn't have a closure kasi, wala namang nagsimula.. Walang nabuo..

Goin back to the cor..

"Hello."

"Oi Pablo!" say hello to the cousin whom I deem closest to me, Peter or..

"O ngano man Dro (O bakit Dro?)" sagot ko naman, short term for Pedro.

"Nabuang na man ka oi (Nababaliw ka na ata)!" Ano ba tong pinaggagawa mong event ha?"

"Yung Make Me Fall? Wala yan, umatras nang.." at natigilan ako kasi meron nga naman palang sumali na hindi nagback-out.

"Ano? Back out lahat? Loko ka din naman kasi at parang napaka harsh ng kontrata mong yun. Tawa nga ng tawa si Bibing nung nalaman nya. Desperado na ba daw kuno ka (Desperado ka na ba daw)?"

"Di oi! Pataka ra man sad na sya (Di no! Akala nya lang yun)! Andami kayang babae sa mundo! Joke lang yung ginawa ko, at wala namang nagseryoso diba. Tingnan mo't umatras lahat. E di cancelled na yung event pag nagkataon.."

"Aw maayo noon (Ah mabuti naman). E pano pag may sumali at hindi nagback-out tapos sya ang napili mo at nahulog ka talaga sa kanya?" Pucha. Tinanong ata ni Pedro ang isang tanong na nasa isip ko sa ngayon, na hindi ko pa nasasagot.

"Hoy, naa pa ka diha? (Hoy anjan ka pa?)" tanong nya mula sa kabilang linya. Lintik, matagal din pala akong natulala at hindi nakasagot sa tanong nyang yun. Di ko namalayan.

"O oi! Naa ra koy gibuhat! (Oo naman! Me ginagawa lang!) E kung mangyari man yang sinasabi mo, e di pwede na kitang mahiraman ng pera kung sakali!" yun nalang ang naisip kong sagot.

"Di diay ko, bahala uroy ka! (Ayoko nga! Bahala ka jan!)" tumawa lang ang pinsan ko "Ay, sa Sabado me gagawin ka ba?"

"Sa gabi lang, group meeting namin sa thesis. Bakit?"

"Reformat mo naman tong mga PC ko, mukhang nagloloko e."

"Sige, puntahan kita jan sa umaga."

"Bantay bitaw ug di nasad ka muari (Lagot ka sakin pag di ka na naman pupunta)! Sige oi, matug nami ni Bibing (Sige ha, matutulog na kasi kami ni Bibing e)" paalam ni Pedro.

"Okay, give my regards to her nalang. Bye."

Now that I think of it, again, problema ko pa nga pala yung premyo sa event kung sakali. Now, if Angel would do her very best to win, I should be damned, because she's never that.. hard to fall into to begin with.. Hay, konti lang tong naiipon ko, at me thesis pa naman kami. Kung bakit ba kasi Paul!

Naglaro nalang ako ng HON para madistract ang isip ko, pero bumabalik talaga sa aking balintataw ang mukha ni Angel. Ang kanyang mga nangungusap na mata, that little smile on her lips habang sinasabi nya na..

"I'm joining your event Paul. That should be okay.."

"Putangina mo Tempest! Bat ka AFK jan!!" halos mabingi ako sa sigaw ng isa kong kakampi na halatang galit na galit, from the headset.. Ay pucha nga naman o, natameme ako habang nagkaclash sila at hindi ako nakasali. Matatalo ata kami nito dahil naubos ang mga kasama ko at ako nalang ang natirang defend, isang bagay na di ko makakayanan.

Make Me Fall.. Can You? [FIL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon