- IX

7 0 0
                                    

Pinulot ko ang mga nagkahiwa-hiwalay na piraso ng aking pinakamamahal na Nokia 1616 nang dahan-dahan. Medyo masakit pa din kasi ang dibdib ko't tagiliran, na tinadyakan ng kung sino mang demonyitang babaeng yun. Nakakalungkot. Problema na nga sa premyo, mawawalan pa ako ng cellphone. Lord, kung pinagbabayad nyo na ako sa lahat ng kasalanan ko, lalong-lalo na dahil sa paggawa ko ng isang kalokohang event, baka naman po e sapat nang kabayaran tong mga nangyayaring kamalasan saken ngayon?

"Kuya Paul? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod ang naging tanong ni Andrea nang makabalik nako sa waiting area sa Emergency Room. Napansin ata ni Andrea ang me kabagalan at paika-ika ko pang paglakad.

"Oo ayos lang ako.. Natapilok lang dun sa may stairs, mejo masakit yung paa kaya mejo hirap maglakad" rason ko nalang.

"Si Ate nga po pala, nilipat na sa isang private room. Hinintay lang po kita dito para masamahan kita papunta dun. Di ko kasi kayo macontact e."

"Ganun ba? Sige salamat. At pasensya na rin ah, naiwan ko yung phone ko dahil sa pagmamadali e. Di ko nacharge."

Nasalubong namin ang Mama nina Angel at Andrea, si Tita Marjorie na papalabas ng kwarto na kelangan daw umuwi ng bahay para kumuha ng mga gamit.

"Ikaw na muna ang bahala sa Ate mo Andrea okay?" bilin ni Tita at binaling sakin ang tingin nya "Paul, pasensya na sa abala.."

"Opo Ma.." sagot ni Andrea.

"Ayos lang po yun Tita.. Ingat po kayo.." sabi ko naman.

Pumasok na kami sa kwarto at nadatnan naman namin si Angel na nakaupo't nakatingin sa labas ng bintana, for her room has this view of the city. Naka-on ang TV pero parang di nya ito pansin. Ewan ko ba pero parang, di nya ata kami pansin na pumasok sa kwarto, or maybe she's pretending not to notice us.

"Ate.. Kumusta ka na?"

"Leave me alone.." there was authority on her voice, it sounded sad, yet still commanding. She's still a queen.

"Pe-pero Ate, sabi ni Mama.." dagdag pa ni Andrea.

"Aling parte ba ng iwan nyo akong mag-isa ang hindi mo maintindihan?" tumingin sya sa aming dalawa. Gusto kong matawa. Yun yung tinuro ko sa kanyang murder stare dati.

"Opo Ate.. Pasensya na.." me takot na sa boses ng kapatid ni Angel.

"I'll stay here Andrea. I'll handle this okay?" pabulong ko namang sabi sa kanya bago sya nagmadaling umalis.

Umupo ako sa upuang nasa tabi ng kama nya, at napansin kong nanlilisik pa rin ang mga mata nya habang nakatingin sakin. If only eyes could kill.

"Alam mo, that stare will not work on me. I taught you that remember?"

"Why are you still here?"

"Bakit ba?"

"Hindi ka ba nakakaintindi or what?"

"I just want to make sure that you won't do anything stupid, like another attempted suicide for example."

"What do you care?"

"Angel, I wouldn't be here if I don't.. care.. Okay?"

"Paul, gusto kong mapag-isa."

"Sorry, but no. Be mad at me, get angry or even hate me if you want, but I'll stay here."

Ayun, at natahimik sya, at ako naman e nanuod nalang ng TV. National Geographic. Hmm, gusto ko naman ang palabas. So..

"Don't you hate me.." sabi nya pagkalipas ng ilang minuto.

"Hate you? For what?" tanong ko naman.

"For everything.. For what has happened before.."

"Angel.."

Make Me Fall.. Can You? [FIL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon