- XIII

7 0 0
                                    

Buhay pa ako. Buhay pa!

Idinilat ko ang aking mata.

"So, do you agree to my proposal?" ang tono nyang yun ay nagpapahiwatig na hindi ako dapat humindi.

"Sa alin ba?" nagpakaignorante naman ako dahil hindi ko din alam kung ano ang isasagot.

"That you'd be my fiance, at babayaran kita."

"Miss, teka nga muna. Masyado kang mabilis e. Itong mga ganitong bagay ay kailangang pag-isipan, at usually, kelangan ng maraming taon at mahabang proseso."

"And what do you mean by that?"

"Gaya nalang ng, dapat muna nating kilalanin ang isa't isa, tapos saka tayo magtuloy sa isang relasyon.. Depende yun kung gaano katagal, bago maging komportable tayong dalawa tsaka.."

"What!?" tumaas ulit ang tinig nya kaya hindi na ako nakatuloy sa dapat ko pa sanang sasabihin. Nakakagulat, lintek. Ano ba naman tong babaeng to, parang paputok. Bigla-bigla na lang sumasabog e!

"Bakit? Ganun naman ata talaga diba?"

"Sino bang may sabi na magiging ganyan ang estado natin?" tumawa naman sya. Oh dear. Nakatakas ata talaga tong babaeng to sa isang mental hospital, tapos nangarnap ng isang mamahaling sasakyan, kinidnap ako tapos ngayon e gagawin nya daw akong fiance nya? Hala. Sa totoo lang, sayang yung ganda nya kung baliw sya. Chikas na chikas naman kasi talaga e.

"At bakit nakatingin ka sakin na para bang ako e isang baliw?" dagdag pa nya. At nagtataray na naman sya. Tama ata talaga ang hinala ko.

"Wa-wala!" pagkakaila ko naman sabay usog ng konti pa papalapit sa pinto at dahan-dahan kong iginala ang kamay ko papunta sa door hinge para buksan na ang pinto at..

"Nakalock ang pinto, at hindi ka makakalabas dito hangga't di ka pumapayag" nawika nya. You've got to be kidding me.

"ANO. BANG. PROBLEMA. MO!?" nafufrustrate na ako.

"Marami. At isa ka na dun. Kaya eto't gusto kong bigyan ito ng solusyon."

"At pano naman ako naging problema!? Hoy Miss, baka nakakalimutan mo, ikaw ang may atraso sakin, at hanggan ngayon e parang may plano ka pang dagdagan yun!"

"Pwede bang tigilan mo ako sa kaka-Miss mo sakin ha?! Ayoko ng tinatawag ako ng ganun!"

"E anong gusto mong itawag ko sayo? Baliw? Bruha? Malas?"

"Ace. Ay nga pala, nakalimutan kong itanong ang pangalan ng fiance ko. Ano nga ba yun?"

"Paul. At hindi mo ako fiance."

"I'll pay you ten million pesos."

"Sigurado ka?" napalingon ako sa kanya. Humaygad. Kay laking pera.

"AHAHAHAHAHAHA!" tumawa sya. Halakhak demonyita. Ay putangina ano to.

"Bakit ka tumatawa!?"

"Ewww! Feelingero ka naman! Mukha mo babayaran ko ng ganun kalaking halaga? Maghahanap nalang ako ng mas gwapo pa siguro no?"

Sapul ako, kasi nga di naman ako kagwapuhan. Pero kingina, itong babaeng tong talaga, inuubos nya ang mahaba kong pasensya e.

"Kung di ka lang babae sinuntok na kita e" pabulong kong himutok.

"Ganun? At sa tingin mo e kaya mo naman?" mukhang narinig pa ata nya. Palaban pa ata ah.

"Hindi. Kasi nga babae ka diba. Unless lalaki ka dati tapos.." at dun ako natawa. Onga no. Kung naging lalake siguro to, ano kaya naging..

Make Me Fall.. Can You? [FIL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon