Mabait naman pala si Ace pag hindi sinusumpong. Pagkatapos nya akong ibili ng phone, yes, it's indeed a Samsung Galaxy S3 e kumain pa kami sa Tokyo Tokyo. Libre nya. I should be impressed with this girl.
"Magtaxi ka nalang pauwi. Mukhang di kita mahahatid kasi pinapauwi na ako ni Daddy" sabi nya sakin pagkarating namin sa parking lot.
"Hindi ako magtataxi. Malayo yung bahay namin dito. Magjejeep ako."
"Jeep? Me hawak kang phone na mas mahal pa kesa sa buhay mo tapos dun ka sasakay? Pano pag naholdap ka?"
"Di yan. Wag kang masyadong negative. Tsaka nasa Cebu tayo, hindi Manila. Hindi ganun kadelikado dito, at maipagpamisa mo ang instance na nagkakaroon ng holdapan sa mga pampublikong sasakyan" ang rason ko naman.
"Mag-taxi ka nga! Walang assurance na hindi mangyayari ang ganun!"
"Ayoko nga. Mahal!"
"Sabi na eh. Wala kang perang pantaxi no?"
"Meron akong pera, pero hindi pantaxi yun" pagkakaila ko pa. Ang totoo, sakto nalang ang pera ko pandalawang sakay ng jeep pauwi, kaya pag kinulang ng kahit na piso e baka mag 123 nalang ako neto. Naubos na kasi nung kumain kami ni Iya kanina at wala na akong pambaon sa susunod na dalawang araw. Gastos talaga ang mga babae kahit kelan. Anong gastusin kaya ang pwede kong maimbento para makahingi ako ng pera ke Mama bukas?
"Magkakaila ka pa eh. Eto oh" at inabot nya saken ang isang kulay asul na papel na may tatlong taong nakaguhit. Isanlibong piso. Pucha pantaxi ko to?!
"H-hindi ko matatanggap yan" sana ipagpilitan nyang ibigay sakin. Pilitin mo akong tanggapin yan!
"Sigurado ka?"
Hindi ako nakasagot. Nakakahiya din naman kase. Pinalitan na nya phone ko, nilibre pa ng hapunan tapos pati ba naman pamasahe? Tsk, gusto ko pa sanang kapalan pa ang mukha ko nang mas konti pa.
"Kunin mo na" at inilagay nya naman sa kamay ko at nahawakan ko pa tuloy ang kamay nya. Malamig, pero hindi na parang yelo o kamay ng patay ang hinahawakan mo. Nakakaginhawa, yun ang tamang term, at malambot pa. Ayokong bitawan, kumpwede lang.
"Y-yung kamay ko" tahimik nyang tugon at bumitaw naman ako.
"P-pasensya na. Tsaka di ka na sana nag-abala pa kase." Nakakailang, lintek. Mejo matagal din ata kaming nagkahawak kamay e.
"Hoy! It's not what you think! Utang yan na babayaran mo ok?" nagtaray na naman sya. Mukhang bumalik na sa dating katinuan, o kabaliwan, ewan ko ba sa babaeng to.
"Oo naman? Babayaran ko eto no? Bukas na bukas din kung gusto mo!" nasagot ko lang. Amp naman, kala ko ma-aarbor ko na e.
"And here's my number. Call me as soon as you get home" me inabot sya saken na kapirasong papel.
09068837--- (Note: This is her real number. You'd have to guess what are those three missing numbers though. Good luck.XD)
"Ok ok sige. Ay ano nga pala, pano pag tinanong ka ng Daddy mo tungkol satin?"
"Ako na bahala dun."
-------
Minsan lang ako sumasakay ng taxi, at kadalasan, ang mga pagkakataong yun e hindi ako ang nagbabayad ng pamasahe. Ang mahal kaya? Oo pwede mong sabihin saken na kuripot ako, pero para saken, gusto ko lang maging praktikal. Kung iisipin mo, ang mababayad ko mula sa mall papunta sa amin e pantatlong araw na baon ko na. Pero ngayon e dahil me pera namang binigay saken, lulubos-lubusin ko na tong pagkakataon na to.
"San tayo Boss?" tanong ng tsuper.
"Sa ----" sagot ko naman at kinandong ko ang karton ng aking bagong phone. At dahil excited nga akong gamitin yun, binuksan ko ito't tiningnan ang laman.
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?