At umiyak lang sya ng umiyak, at pinabayaan ko nalang. Ganito talaga sya, katulad ko lang, minsan lang din kung umiyak, pero kung iiyak man e babaha ang lugar na iniiyakan, or kalahating araw bago tumahan, either which comes first. Exaggerated lang ata pero parang ganun din kasi kalubha, in a way. Mejo basa na nga ang damit ko sa may balikat at di pa naman ako nakapagdala ng panyo dahil sa pagmamadali.
"Iniwan nya ako Paul. Pagkatapos kong gawin ang lahat.."
And then I understood. Heh. Parang gusto kong matawa ng malakas dahil sa aking narinig. Pano ba naman kasi, ito't ito lang din ang nangyari sakin dati, iniwan pagkatapos gawin ang lahat. Siguro ganun nga ang nangyari. Ang kaibahan nga lang e, mag-isa lang akong nagdusa nun, at..
--
Seven years ago..
"Mission accomplished!" masaya wika ni Angel pagkatapos naming maligpit ang mga upuan na ginamit sa katatapos lang na Math and Science Month Culmination, na kung saan, bilang president at vice president ng MathSci Club, kaming dalawa ang naging over-all organizers.
"Haha, onga eh. Buti nalang at walang nangyaring aberya" nangiti ako habang pinagmamasdan syang pinapapag ang kanyang skirt. Ewan ko ba, pero hindi ko pa rin akalain na maging ganito kami kaclose ng sinasabi ng lahat na Queen of the Sophomores, to the point na ituring nya pa akong bestfriend. And, it's no surprise, na tulad ng karamihan sa mga kalalakihan sa campus e mahuhulog din ako sa spell nya. Oo, corny, pero totoo. Ganda pa lang, pang beauty queen na, and yes she has the height and build for it too. Her eyes that seem to speak even though her small mouth was shut. May kaya sa buhay, pero hindi maarte, most of the time kung hindi nakauniform e nakikita ko syang naka T-Shirt lang, tapos cargo shorts at tsinelas or sneakers. Matalino, kaya halos lahat ng bagay ay napag-uusapan o di kaya'y napagtatalunan namin. Completely packaged, so sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya diba?
"Anong wala? Ano yung muntik nang sumabog dun sa Chem Lab kanina?" tanong nya pa na natatawa.
"E naagapan ko naman yun. Sabi naman kasi dun sa instructions e wag i-shake yung test tube, e ginawa pa rin.."
"Sus! Di pa rin rason yun! Kung binantayan mo ba naman yung mga exhibits e."
"E ikaw nga binabantayan ko nun diba, dahil nagparada na naman yung mga pumuporma sayo, naging exhibit ka na nga din e."
Nagtawanan nalang kami at sinapak nya naman ako ng marahan sa balikat.
"Buti nga andun ka e. Gwapo ng bodyguard ko tuloy" kinindatan nya naman ako't ayun e nag-init ang aking pisngi. Swerte't madilim na kaya hindi pansin.
"Asus, binola mo pa ako. Teka, me natitirang funds pa ba jan? Bili tayo ng ice cream!" sinegway ko ang usapan.
"Anong funds? Kurakot tong presidenteng to oo!" saway nya naman.
"Hindi kaya. Me pondo tayo para sa snacks natin diba? Eh hindi nga tayo nagsnacks kanina so pwede natin gamitin yun ngayon diba? So it's legal!"
Ice cream, Cookies and Cream for me, Double Dutch for her. Nakaupo kami sa isa sa mga upuan sa lugar na tinatawag sa lugar namin na "Pantalan". Cebuano term yun na ang ibig sabihin ay daungan o harbor, kasi dati nga naman syang daungan ng mga barko way back my elementary days pero sinarado yun for reasons I don't know. Ilang beses na din atang pinagplanuhan na buksan ito ulit pero gang ngayon eh hindi pa rin nangyayari. At dahil sa wala na ngang barkong dumadaong dito, naging tambayan na ito, 24/7 pa nga kung minsan except kung masama ang panahon. Umaga, tanghali at gabi me tao dito, pero pinakamaraming pumupunta pag gabi kasi mahangin, at madilim. Nilagyan na ito ng mga ilaw dati pero for some mysterious reasons e nasisira ito, o di kaya e binabasag ng sadya ang mga ilaw ng mga di din matukoy kung sino. The town officials gave up on that matter in the end, kaya laging madilim sa pantalan. At dahil nga madilim, eh di na nakakagulat kung maraming nagdedate dito, at di na mabilang siguro kung ilang instances na ng mga yakapan o halikan ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?