- VIII

3 0 0
                                    

Isang tango lang ang nireply sakin kay Andrea pagkabati ko sa kanya. Mukhang in shock pa rin ata sya dahil sa nangyari. Ano kaya ang nangyari at bakit nagawa ni Angel ang ganun? I mean, come on, she's a woman with the intellect and she should know that committing suicide is not the solution to her problems, whatever it may be. And of all the people I know, she's probably one of the few na less likely ang chance na magsuicide.

"Andrea? Ano ba ang nangyari?"

"Hindi ko po talaga alam. Kasi sa kwarto nya nangyari yun. May pinagtalunan sila ni Papa sa hapagkainan kanina, which is not unusual. After dinner, umakyat sya agad sa kwarto nya. Kami naman e hindi na nagulat dahil pag ganun si Ate, mag-aaral sya. Nung umakyat naman ako sa kwarto ko para may kunin, narinig kong umiiyak sya nang madaan ako sa kwarto nya. Pagkalabas ko ng room ko paglipas ng ilang minuto, napuna ko na tahimik na sa loob ng kwarto nya kaya kinatok ko sya't tinawag, trying to check if she's okay. Nang hindi sya sumagot, binuksan ko yung pinto at nakita ko nalang syang nakahiga sa kama at duguan.." emosyonal ang pagkukwento na yun ni Andrea. Hay.

"I'm so sorry to hear that.." I meant it, kahit..

"Ate is sorry Kuya Paul.. Nung dinadala na namin sya sa ospital, parang nagkamalay sya, she was crying again, at pauli-ulit nyang sinasambit na sorry Paul, sorry.."

Hindi na ako nakasagot pagkatapos ng mga sinabing yun ni Andrea. Angel is .. sorry?

"Bibili lang ako ng kape dun sa mga vendo machines sa second floor. Dalhan kita?" offer ko kay Andrea.

"Di na po Kuya. Salamat."

Hay, ba naman to. Ba't parang biglang gumulo etong buhay ko nitong mga nakaraang araw. Parang kelan lang sinasabi ko sa sarili ko na this is life nung isang araw tas ngayon.. At alam mo yun, nakakagulat pa e nagsimula ito nung Miyerkules. Ang araw na sinimulan ko yung event. The heck lang ah. I'm not superstitious, pero karma na kaya ito dahil sa kalokohan ko? Aba e wag naman sana!

Goin back to the corner..

"Hello?"

"Kue? Asan ka na?" Patay. Si Mama. At ang Kue na tawag nya sakin, which is a short and reinvented term for the word Kuya, ay bininyag sakin ng kapatid kong babae two years ago.

"Ano Ma, nasa ospital ako ngayon" sagot ko agad.

"Ospital? Bakit?"

"Kasi ano po, si Angel, me nangyari sa kanyang aksidente. Tinawagan ako ng kapatid nya kaya napapunta ako dito.."

"Angel? Sinong Angel ba yan?"

"Si Angel po, yung kaibigan ko nung high school. Yung pinakilala ko po sa inyo dati.."

"Yung muntik mo nang maging girlfriend?"

"Sa man sad ka Ma oi! (Ma naman oh!)" Lintik. Naalala pa ni Mama yun?

"O ngano man? Tinuod man sad? (O bakit? Totoo naman ah?)"

Hay. Ke Mama ko ata naman tong eidetic memory ko e.

"Lage Ma, mao lage to (Oo Ma, yun nga yun)." nag-agree nalang ako.

"So anong ginagawa mo dyan?" tanong nya na naman ulit.

"Pumunta nga ako kasi tinawagan ako ng kapatid nya diba.."

"IT ang kurso nimo, dili Nursing. Unsa may matabang nimo diha? (IT ang course mo, hindi Nursing. Ano ba maitutulong mo jan?)"

"Dumadalaw lang naman ako.. Di ba pwede yun?"

"Wala naman akong sinasabing ganun, pero wag mong kalimutan na.."

"Ma, wag na natin pag-usapan yung mga nangyari na."

"Kue, nireremind lang kita. You tend to lose your intellect kapag sumusuot ka na sa mga bagay na may kinalaman sa puso."

"Di na po ako tulad ng dati" napabuntong-hininga ako.

"Sana nga. Ugma na ka muuli (Bukas ka na uuwi?)"

"Di ko po alam. I-lock nalang ang pultahan, nagdala man ko ug yawe (I-lock mo nalang ang pinto, dala ko naman yung susi.)"

"Aw sige, balitai nalang nya ko ug unsay mahitabo (Ah sige, balitaan mo nalang ako kung ano ang mangyayari)."

"Sige Ma, ay ano nga po pala.. Yung.."

Bumangga ako, ay hindi, binangga ata ako. Tao dahil mejo malambot mula sa aking likuran. Babagsak ako, paharap, and I'm losing my balance. Parang nag-slow mo ang buong paligid. I'm bound to fall on my face, at yung bumangga pa sakin ang tumutulak sakin pabagsak. Nabitawan ko ang hawak kong phone at narinig ko nalang ang pagkahulog nito sa sahig, basag.

Oh fuck.

"Aray." yun lang ang nadaing ko because my breath was knocked out. Me kalakasan din kasi yung pagkasampa ng dibdib ko sa tiles, not to mention my face hitting the floor. Ansakit pucha.

"Nu ba yan! Mag-ingat ka naman! Di kasi tumitingin e!" Mataray at matinis ang boses. Babae. At tangina, ako pa ang di tumitingin e sya ang bumangga sakin?

"Miss.. Ako ang.. Binangga mo.." mahina kong tugon, at mejo hirap sa paghinga.

"At kasalanan ko pa ngayon!? E ikaw nga humaharang sa dinadaan ko e!"

"Ayun si Boss!"

"Senyorita! Boss!"

"Leche naman at naabutan pa ko!" nahalata ko ang pagkainis ng bumangga saken, at bigla nalang akong tinadyakan sa tagiliran "Dahil kasi sayo e!"

Aray.. Putangina..

Narinig ko ang papalayong mga hakbang ng kung sino mang babaeng yun at ang papalapit naman nung mga tumatawag sa kanyang boss.

"Nako kawawa naman to. Boss, ayos lang ba kayo?" wika nung lalake na sumigaw ng ayun si Boss.

"M-mukha ba akong okay.."

"Kuya nakakatakas na si Boss, di na natin sya maabutan!"

"Tumahimik ka nga muna Junior! Tulungan muna natin tong lalakeng to, mukhang nabangga to ni Boss e. Baka maagrabyado pa tayo pag iniwan natin dito, may CCTV pa naman ata sa ospital na to."

"Dalhin nalang natin sya Kuya tas isalvage na natin para wala nang ibang testigo.."

"Sa-salvage?" kinilabutan ako. Sino ba tong mga taong to?

"Tanga! Syempre wala tayong gagawin sa kanya! Iuupo lang natin sya ng maayos dun sa upuang yun tapos iwan natin!"

At yun nga ang ginawa nila. Mejo tulir ako't umiikot ang panginin, kaya hindi ko sila namukhaan.

"Boss, pasensya na kung kelangan ka naming iwan ha. Kelangan pa kasi naming habulin yung boss namin, yung bumangga sa inyo. Ako na po ang humihingi ng despensa, di po nya yun sinasadya" paliwanag nung tinawag na Kuya at nagmadaling umalis na yung dalawa.

Di sinasadya? Naalala ko pa yung matinis at mataray nyang boses. Isang boses na hindi ko makakalimutan. That girl, if I ever meet her again. Lintik lang ang walang ganti!

Make Me Fall.. Can You? [FIL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon