Friday. 2 Days Later.
"Opo Nay, kelangan po kasi namin ng ganung material para sa thesis namin kung sakali" kausap ko ngayon ang librarian ng school namin, at Nanay ang tawag namin sa kanya because she was like a mother to everyone.
"Ganun ba? Sige ipapahanap ko nalang sa student assistant sa stock room natin ang tinutukoy mo. Kaso bukas mo pa yun makukuha dahil kailangan pang i-process yun bago mo mahiram" sagot ng librarian.
"Hindi po problema yun Nay, di naman po kami nagmama.."
Goin back to the corner where I first saw you, gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move~
Umalingawngaw ang ringing tone ng phone ko sa buong library, at dahil hindi naman talaga ganun kalaki ang area, lingunan ang lahat ng nandun sa direksyon ko.
Got some words on cardboard, got your picture in my hand~
"Na-naku po! Sorry Nay, nakalimutan kong I-silent to kanina!" mabilis kong paghingi ng paumanhin ke Nanay sabay karipas ng takbo papalabas. Lintik naman talaga o, mapapagalitan pa ata ako nito e!
Saying if you see this girl, can you tell her where I am~
"Hello?" sagot ko nang hindi tinitingnan kung sino yung tumatawag sakin, at di ko rin maitago ang pagkayamot sa boses ko.
"P-Paul?" mejo nag-aalinlangan yung boses na sumagot "Is this a good time..? Pasen-sensya na kung,.. nakakaistorbo man ako.."
Oh shit.
"Angel?" di ako makapaniwala sa kausap ko ngayon.
"Y-yeah" si Angel nga, and knowing from how she sounds right now, parang pinipigilan nya ang kanyang sarili na maiyak.
"So.. Napatawag ka? Mejo nakakagulat lang kasi.. You alright?"
"Pwede ba tayo magkita mamaya?"
Magkikita kami? Tinawagan nya ako para magkita kami?
"Meet up? What do you mean?" mas lalo akong di makapaniwala sa mga sinasabi nyang ito ngayon.
"Yes.. Okay lang ba? Wa-wala na kasi akong.. pwedeng makausap.. O malapitan.."
Damn it. Kay tagal din nyang.. di nagparamdam tapos gusto nya na agad magkita kami?
"Okay.. Saan?" yun lang ang nasagot ko. Bahala na to.
--
4PM later that day..
Mabilis akong bumaba ng jeep at patakbong tinawid ang highway. Napasarap kasi ang laro ko ng HON (Heroes of Newerth. GMG (Google mo gago :p) if di mo alam) sa suki kong shop na me kalayuan din sa school kaya eto't malelate na ata ako sa huli kong klase that day, di na dapat ako papasok pero me exam daw eh. Hay lintik di pa ako nakapag-aral amp. Papasok na sana ako ng gate nang mapansin kong may sumalubong saken na babae, na para bang hinihintay nya ang pagdating ko.
"Excuse me, pero ikaw si Paul, tama ba ako?" tanong nya nang mapalapit na ako.
At sino naman to? Ilalabas ko pa lang ang ID ko ah? Pano nya ako nakilala? Suot nyang uniform ay sa university na katapat lang din ng school namin. Me pagka chinita, nakalugay ang kanyang mejo kulot na brown hair which hung three inches below her shoulder, five six ang height, maputi, may hinaharap. Oh damn. Maganda sya. Hindi pala maganda lang, napakaganda. Yung mga tipo ng babae na makikita mo lang sa mga super sosyal na mga event, sa mga club. At heto ngayon, kaharap ko ang isa sa mga babaeng yun, at parang ako ang hinahanap?
"Um, ako ba ang tinutukoy mo Miss?" nagpakainosente daw ako, pero ang totoo, di ko maitago ang aking kaba, at tuwa na rin siguro.
"Yes, I think? So that means ikaw nga si Paul?"
Napatango nalang ako't natulala, at yung fact na malelate na nga ako eh nakalimutan ko bigla.
"So, gusto ko sana sumali dun sa event na ginawa mo."
Event? Teka, anong event?"
"Make Me Fall, if I'm not mistaken?" dagdag pa nya.
At ayun, naalala ko..
"Ahh! Okay okay! So, nabasa mo na ba ang lahat ng details regarding the event?" di ko mapigilang magtanong, kasi yung mga nagsubmit na, after reading the contract, e umatras lahat. At wala nang iba pang nagsubmit since then.
"Yes I did! I've read all the details, at heto nga pala yung message. Sinulat ko nalang para personal na ideliver sayo. Magkalapit lang naman pala kasi yung school natin."
Awts naman, nakakatouch ah. Nag-effort pa talaga sya!
"Ganun ba? Sige salamat. Antay mo nalang ang announcement next week okay?"
"Sure!" at ngumiti sya. God. Killer! "I'm Aleli by the way, but you may call me Lei."
We shook hands, and hers were warm and soft. Kumpwedelanghindibumitaw!!!!
"It's a pleasure meeting you Lei" sagot ko nalang. Nakakatulala mga ganitong klaseng babae eh. Could you blame me?
Putragis! Kung sya lang ang magsusubmit nito, eh wala talaga akong choice.. At pag nagkaganun man, kelangan ko na ata talaga maghanap ng papremyo, kasi baka di ako umabot ng isang linggo sa kanya!
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?