Si Iya. Ang dating katext at kausap ko lang sa phone ay andito na ngayon sa aking harapan. And believe me, she wasn't just some girl that you would see down the street, she was down-right attractive. Very.
"No way" was my only, and yes it does seem stupid, reply.
"Kaninang umaga pa kita dapat tinatawagan, pero hindi kita macontact.."
At ako naman itong tumango nalang, kasi nga nashock pa din ako. Sino ba naman kasi ang mag-aakala.
"And pwede bang sumilong tayo? Ang init kasi.."
--
Sampung fries ang binili ko, at inipon kong yung lahat sa tray. At sya naman ay tumawa't..
"Paul, kaya ba nating ubusin yang lahat?"
"Mukha kasing marami tayong pag-uusapan e"
"Tama ka ata sa bagay na yan. Mejo nag-aalinlangan nga ako kung saan ako magsisimula."
Pero hindi talaga yun yung rason kaya sampung fries ang binili ko.
Wala akong pera.
Nyeta naman, kung burger lang ang bibilhin ko, e maraming burger kelangan bilhin kasi nga matagal kaming mag-uusap. Dyahe naman kung maubos na yung kakainin namin tas di pa kami tapos. Mapagkakamalan pa akong barat. Barat naman talaga ako talaga, pero panget naman ng impression ang ganun. Hahaha. Oh wait, I'm ranting, I'm ranting.. Ganito ako pag kinakabahan e.. Bakit nga kaya..
"Paul?"
"Ha-ah?" ako'y napakurap.
"Do you really stare at people like this often?"
"Nope, pero except siguro pag mga magagandang babae.."
"Nakakaconscious kaya, ano ba.."
"You should be.."
"Bakit naman?" dahan-dahan nyang kinagat ang isang stick ng fries.
"You are that.. beautiful you know" at sinabayan ko ng kindat.
Tumawa lang si Iya. Ngumiti din ang singkit nyang mata. Okayganda.
"Ilang araw ba tayo hindi nagkausap?" tanong nya.
"Madaling-araw ata ng Saturday. Nung tumawag ako tas di mo ata nasagot ng maayos?"
"Oh. That." tumigil muna sya saglit, na para bang iniisip ang kung ano ang sasabihin "Tama. Saturday nga."
"Bakit?" napainom ako ng Coke.
"Kasi.. Ano, naisip ko lang, last week eh parang.. corny ng mga banat mo tapos ngayon, aba nag-improve na."
"Eh hindi naman banat yung sinasabi ko ah."
"Ganun? Anong ibig mong sabihin dun?"
"Err.. Sinasabi ko lang kung ano yung nakikita ko?"
And there was that smile again, and her eyes smiled along, and it was something, that you wouldn't mind looking at all day.
Napangiti nalang ako, and I recalled those times when she was at her worst. At first, medyo awkward kasi nga di ko pa sya ganun kakilala tapos nagrarant nang nagrarant sya saken, nang tungkol sa nangyari sa kanya, pero hindi yun nagtagal. Hindi mo din kasi mapigilang malungkot para sa kanya. I've always been a sucker for damsels in distress. Naalala ko yung nickname ko sa kanya. Iyaken. Parang name lang din nya ano? Hahahaha. Iyak nalang kasi sya ng iyak, hagulgol to the max! At yun na ang tinutudyo ko sa kanya.
Tapos ngayon, heto, alam nyo yung masaya kayo para sa isang tao kasi nakikita nyo silang masaya? Ganito yun. Nakakagaan ng loob ang makita syang nakangiti. Bagay na bagay sa kanya. At kung sino man yung lalaking yun na nanloko sa kanya, it's his loss. Tinapon nya ang isang babae, na hindi mo mahahanap sa kung saan-saan lang. Isang babae na dapat iniingatan at inaalagaan.
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?