Mag-aalas tres na din ng umaga nang makauwi ako, at kahit anong pilit ko sa sarili kong matulog, e kay hirap gawin. Ahay, kayong mga babae kayo, magpatulog naman kayo amp!
Lunes na pala. Mamayang gabi, deadline na ng entries at two days later, ang big announcement. Si Angel o si Lei? Hay lintik, ang hirap pala ng buhay ng mga babae no? Yung tipong, marami silang manliligaw, tapos gusto nila pareho yung mga manliligaw nila, at kelangan nilang pumili. No wonder mahirap basahin ang mga babae, kung ganito din pala kahirap ang mga kelangan nilang haraping mga desisyon, di maiiwasang matuliling siguro sila ano?
Well, pareho ko silang gusto. Manhid siguro ako, tange o masyadong presko kung sasabihin kong hindi. Angel is, well you know the story.. Si Aleli naman.. She is.. interesting.. And there's that curiousity, isang trait ko na kapag napukaw eh, hindi ako tumitigil not until the need to for me to satisfy it is quenched. For that beautiful girl to get so interested in me, so she says, is something.. Mapupukaw talaga yung curiousity mo syempre, dahil yun ay isang bagay na napakadalang na mangyari, like a goddess coming down from the skies to check oone mortal guy out.
Kinuha ko yung sulat ni Lei, binasa ulit, tapos sinapak ang sarili ko. Masakit. Inisip ko yung imahe nya, how she looked like while waiting for me from across the street, nung lumapit sya't nagtanong kung ako nga ba si ako, how pretty.. no.. beautiful she is. The way she smiled. At sinapak ko ulit ang sarili ko. Ramdam ko yung sakit sa pisngi ko pero hindi pa rin nawawala yung sulat ni Lei na hawak ko, pati na rin yung imahe nya sa aking isipan. Siguro naman, hindi na panaginip to. Me kalakasan din kaya yung pagsapak ko sa sarili ko.
Buti nalang at dalawa lang sila no, dahil ganito palang e ang hirap na. Pero pano kaya pag nadagdagan pa sila no?
Be careful of what you wish for, you just might get it.
Naalala ko yung kanta ni Eminem, at natawa nalang ako. Well, I guess with the harsh contract as my insurance, siguro naman wala nang mga babaeng maglalakas ng loob na sumali..
"JANPOOLLLLL!! UNSA NA MANG ORASA!! WA KAY KLASE?!! ALAS DOSE NA BAYAA!!! (Anong oras na!! Wala kang pasok!!? Alas Dose na!!)" Yes. Nagiging JanPol ang tawag saken kapag galit yung tumatawag, ewan ko ba kung bakit pero yun ang napansin ko. And this morning, si Mama ang galit na tumatawag na yun.
Alas nwebe na pala ng umaga. Di ko na naman namalayang nakatulog pala ako. Twelve pa yung pasok ko ah. Hay nako, bakit ba ang mga nanay kapag nanggigising e inaadvance yung oras?
Humihikab pa ako habang bumababa ng hagdan. Gusto ko pa sanang matulog ulit, dahil nga sa mag-uumaga na din akong nakatulog at dahil na rin sa galit si Mama, isang bagay na iniiwasan ko. Aba, kung iisipin mo, papagalitan ka agad pagkagising mo? Ampanget namang panimula ng araw yun diba? Kung di lang ako gutom e..
"Oh mabuti naman at nagising na si Amo. Nakahanda na ang agahan nyo Sir, aakyat na sana ako sa taas para gisingin kayo. Wag mong sabihin saken na wala na naman kayong pasok ha?" heto na't nagsisimula na si Mama sa kanyang litanya.
"Good morning din Ma. Twelve pa ang klase ko, at alas tres na din po ako nakauwi kanina.." sabi ko nalang.
"Kumusta naman si Angel, Kue?" aba andito pa pala ang kapatid ko. Ang unica hija ng pamilya, at ang nagbinyag sakin ng Kue. Ang maganda at mabait (Binayaran po ako ng kapatid ko para ilagay ang description na yan.) na si Desiree, o mas kilala bilang Sirae.
"Wa diay kay klase run Day? (Wala ka palang pasok ngayon Day?)" tanong ko sa kapatid ko. Day is the shortened version for the Cebuano word Inday, which really means little girl, hindi yung tawag sa mga babaeng househelp na galing sa Visayas at Mindanao, na naging recipe na ng maraming mga jokes.
"Wala. Unya pang hapon. Naunsa naman si Angel uy, ngano man to siya? (Mamayang hapon pa. Ano na ang nangyari kay Angel at bakit ganun ang ginawa nya?)"
"Nako ewan ko lang, baka masyadong maraming problema. Di ko nga din akalain e. Ok na naman sya pero mejo maraming dugo nga lang ang nawala sa kanya.."
"Nya nag-estorya mo Kue? Unsa may inyong gi-estoryahan? (Tapos, nag-usap ba kayo Kue? Ano ba yung pinag-usapan nyo?)" si Mama naman ang nag-interview saken.
"Amp naman, ano ba to, The Buzz? Ba't ba andami nyong tanong ngayon?" reklamo ko naman sabay kagat sa isang pandesal na pinalamanan ng itlog.
"Kaw naman Kue, interesado lang kami. Ano ba yan ha? Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig? Yiieee!" tukso pa ni Sirae.
"Nako ha tigilan nyo nga ako. Kumain nalang tayo!"
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig? Natatawa ako habang naiisip ang ganung bagay. Masyadong keso, and the idea seems so ridiculous..
--
Teka... Ba't parang may tumitingin ata saken? Malakas ang pakiramdam ko pa naman sa mga bagay na ganito.. Hmm.. Dahan-dahan kong inobserbahan ang mga taong kasabay ko ngayon sa jeep. Hindi naman punuan. Isang lalakeng high school student na nakasumbrero na nakatingin sa ibang direksyon. Isang matandang babae na kalong ang isang sanggol, apo nya siguro. Kaharap ko naman e isang babae, nakasuot ng aviators (Isang uri ng sunglasses ho ito. GMG pag hindi alam okay?) at earphones, maputi't mejo kulot ang nakalugay nyang buhok. Sa may malapit sa driver naman e isang babaeng nursing student na nagrereview ng kanyang notes. BABAGSAK KA SA EXAM! BWAHAHAHA! (Syempre sa isipan ko lang to no. Sapakin ako nung babae kung sinigaw ko to sa kanya. Bisyo ko lang talaga minsan na gumawa ng mga scenarios sa mga taong nakikita ko lalo na pag mahaba at masyadong boring ang byahe.) Mga katabi ko naman e puro lalake, nakajacket, headphones, call center agents siguro na nagtatrabaho sa IT Park (GMG).
Siguro guni-guni ko lang yun. Masyado din kasi akong paranoid minsan. Hurr.
Kinapa ko ang aking bulsa para icheck ang phone ko sana for the time, at natigilan ako. Onga pala, sira na pala yung phone ko dahil sa kung sino mang lintik na babaeng yun na bumangga sakin. Nakasimangot ako habang nirerecall ko ang mga detalye. Leche talaga!
At napansin ko naman na may sumungaw na ngiti sa labi ng babaeng kaharap ko. Aba't eto kaya yung nararamdaman ko kaninang tumitingin saken. Makilatis nga..
Five six ata.. Matangkad ah.. Yun nga, kulot yung buhok.. That lips, in a way, you'd want to kiss it every minute, every second if you can. Umm, mejo kulang sa future pero well proportioned sya ah. She's carrying herself with that grace and elegance without trying hard, na para bang natural na sa kanya yun. She is attractive.
And her rating is..
"Excuse me, but are you staring at me?" malambing ang boses nya, pamilyar, at parang ako ang tinatawag nya. Hala, nahuli ako.
"Uh, err. No of course not" tumingin ako sa ibang direksyon. Lintikkkkkkkkk! Magaling pa sya mandetect!
At kinabahan tuloy ako. Nakakahiya naman to amp. Napansin kong tinitingnan na din ako ng mga kasama ko sa jeep. Amp, ano ba to. I took a side glance at her and then, she smiled. LINTIK HULI NA NAMAN!?
Ayoko nang tumingin sa kanya. Bahala na.
Minutes later, pumara na ako nang matapat na ang jeep sa school at nagmadaling bumaba. Tumingin muna ako sa kaliwa para tingnan kung me sasakyan pa't nang makitang wala e nagsimula na akong tumawid.
"Paul..?"
Napalingon naman ako.
Si girl na nasa jeepney?
"Err.." nakangiti sya saken, at ako naman e nablangko ang isip. Was she that enchanting or what, na pati sikat ng araw e di ko na maramdaman kahit tanghaliang tapat. Yes, no joke.
"It's me.. Iya.."
BINABASA MO ANG
Make Me Fall.. Can You? [FIL]
RomanceNothing much. A guy, some girls, a game. The game? Make him fall. Can they?