Chapter 3

22 5 4
                                    

Chapter 3: Warmth and Safety

"Mama, payagan mo na kami please?", pangungulit ni Mark pagkauwi namin.

"At sinong may sabing hindi ko kayo papayagan?", napatingin kami sa kanya.

"Talaga po?!", napasigaw kami sa tuwa ng tumango si Mama.

"Yes! Thank you ma!", sabay naming sabi at sabay din namin hinalikan ang pisngi niya.

Tatawa-tawa si mama habang hinahalikan namin siya ng paulit-ulit. Ang bait talaga ni mama kahit kelan.

"Oh, oh, oh, tama na yan, baka lumiit ang pisngi ko at tuluyan akong pumangit." Saway samin ni mama.

Napatawa kami ni Mark at lumayo sa kanya.

"Sus! Si mama talaga. Kahit maging tuldok pa mukha mo, maganda ka pa rin." Si Mark.

Kinurot ng pabiro ni mama ang pisngi ni Mark at iiling-iling na sabi. "Naku, ikaw Mark ha, binobola mo na naman ako."

Binatukan ko ang loko. "Kahit ano pa po ang hitsura mo, Mama, maganda ka pa rin." I smiled at her.

"Oh, siya, tama na yan. Tapusin niyo na ang pagkain niyo at matulog na kayo, ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan."

"Opo!"

Kinabukasan ay maaga akong nagising.

"Oh, 'yan lang ba ang dadalhin ninyo?" Si Mama.

"Opo. Sagot na raw po ng school ang mga susuotin namin kaya isang maleta lang daw ang dalhin." Tugon ko.

Nagpaalam na kami ni Mark kay mama at pumunta na ng school.

Pagkapasok sa room ay agad silang napatingin sa akin. Yumuko ako at umupo sa pwesto ko. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa gitna ng pader. Malapit ng dumating ang Homeroom teacher namin.

I rested my chin on my palm at tumingin sa unahan. Alam kong may assignment pa kami sa science. Kinematics Equation. Pero hindi ko na ginawa sa bahay dahil balak kong sa field trip na lang namin tatapusin.

"Pasensya na, late na naman ako." Nagmamadaling nilapag ng guro ang mga gamit sa lamesa.

Kumunot ang noo ko. Ayan na naman ang mukhang pagod na hitsura nila. Anong klaseng meeting ba ang ginagawa ng mga teachers at ganyan kagusot ang kanilang damit?

"Please make two straight lines. Nasa baba na ang bus na sasakyan ninyo."

Naghiyawan ang mga kaklase ko at dali-daling naki-grupo sa kani-kanilang mga kaibigan habang papalabas ng classroom dala-dala ang mga maleta. Nanatili akong naupo dahil Una, ayaw kong makipagsiksikan. Pangalawa, abala ako sa paninitig sa Homeroom teacher namin.

Hinihingal ito at parang tumakbo ng pagkalayo-layo. Napakibit-balikat ako. Ang layo nga pala ng Faculty sa building namin. Bumuntong hininga ako at hinila na ang maleta. Nang makalabas ay pumila ako sa pinakalikod. Nasa unahan kasi sina Meghan at ang mga kaibigan niya.

"Kailan nga ulit ang balik natin?" Tanong ng kaklase ko.

"July 26, girl. Ang tagal pa. Tsaka 'wag natin 'yan pagusapan."

"Bakit?"

"Bad omen."

Napatango-tango ang kaibigan sa narinig. Bad omen?

"Diretso agad sa Parking Lot, everyone." Mabilis na naglakad ang teacher namin patungong hagdanan.

Agad na sumunod ang grupo ni Meghan. And just like that, umusad na ang aming linya hanggang makarating sa parking lot. There were 10 buses parked vertically. Yung ibang sections ay kanina pa pala nakatayo sa likod ng kani-kanilang bus.

Only Vengeance: The Girl You'd Never Wish To Be With [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon