Chapter 7: Kidnapped
Kinagabihan ng araw na iyon, pumunta nga si Meghan sa kwarto ko kasama ang mga kaibigan niya. Nakaramdam ako ng kaba at napasulyap sa pintuan ng kwarto.
"Meghan, baka mahuli tayo—"
"Shut up, loser! Soundproof ang walls ng bawat mga kwarto kaya walang makakarinig sa atin!" Inis na putol ni Britney sa akin. "Tabi nga!"
Napaatras ako nang itulak niya. She went near my bedside table then turned around to face us.
"Ito ba 'yon, Meghan?" Turo niya sa tali ng mala-kurtina kong kulambo.
"Oo, 'yan nga 'yon."
Naitikom ko ang bibig nang tumalim ang mga titig ni Britney. "Susi..." sabay lahad ng kamay niya.
'Di naman ako tanga para hindi maintindihan ang gusto nilang mangyari. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago dahan-dahang lumapit sa kanya para ibigay ang susi. She then pulled the rope. A rumbling sound echoed through the corners of my room.
Hinawi niya ang kurtina ng higaan ko na natatakpan ang nakabukas na pintuan ng sikretong lagusan. Britney turned on the flashlight of her phone and went inside. Bago pa man ako makapagsalita ay tinulak na ako ni Monica para sundan ang kaibigan.
Lahat kami ay pumasok sa loob. Hanggang sa maabutan namin si Britney na nakatayo sa harap ng nagliliwanag na exit. Gulat man sa nakikita ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa kwarto nina Viktor.
I wanted to ask Britney on how she managed to open a dead-end wall, but I knew better. She only talks to people who are in the same league as their socialite group.
"Ano? Nahanap niyo ba?" Bossy na usisa ni Britney.
"Tss. Kami pa."
Napaiwas ako ng tingin sa mga kasamahan ni Viktor sa kwarto. Iba ang sinasabi ng mga mata nila nung magawi ang atensyon sa akin. Biglang tumawa ng makahulugan ang isa sa kanila.
"Oh, oh, oh, hindi porket pinakita namin sa inyo ang video niya ay ibig sabihin non hahayaan na namin kayong bastusin ang ibang babae..." biglang harang ni Monica sa pagitan namin ng mga lalake. "We bully her, but we're not that cheap."
"Tsk." Asik ng lalakeng naka-blue bathrobe.
"Bilisan niyo na! Kapag ako nainip id-delete ko ang video!" Banta ni Monica.
"Ito na, ito na!"
Nanatiling nakayuko ang ulo ko kaya 'di ko alam kung ano ang mga nangyayare. Basta ang sunod kong narinig ay may bumukas na pinto. Tinulak ako ni Monica patungo doon nang maunang pumasok si Britney. Yung dalawang lalakeng roommates ni Viktor ay nakatayo sa magkabilang gilid ng sikretong lagusan.
"Siguraduhin niyo lang na magbabantay kayo dahil kung hindi, alam niyo na kung ano ang mangyayare." Banta ni Beatrice sa dalawa bago sumunod kay Britney.
"Lakad!" Sigaw sa akin ni Monica.
Pumikit ako ng mariin. Masama ang kutob ko sa susunod na mangyayare, pero wala akong magawa para pigilan sila. Papasok na sana ako sa sikretong lagusan nang bumukas ang pintuan ng kwarto. Walang nakagalaw sa aming lahat nang papalit-palit ang tingin nina Viktor at JC sa akin at sa mga kasama ko.
"Anong nangyayari dito?" Si JC ang nagbasag sa katahimikan.
Nagulat ang lahat nung mabilis ang lakad niya patungo sa amin at hablutin ako palayo kina Monica.
"What the heck are you doing, JC?!" Galit na sigaw ni Meghan.
Nalilito man sa inaasta niya ngayon ay hinayaan ko siyang itago ako sa likod niya. "Kayo? Anong ginagawa ninyo? Gabing-gabi na, bakit nandito kayo sa kwarto ng mga lalake? And what the heck is that door? Lalabas kayo?!"
BINABASA MO ANG
Only Vengeance: The Girl You'd Never Wish To Be With [On-Hold]
ParanormalOnly vengeance could ease the pain Remi Crimson Paige is feeling. And only blood can satisfy her thirst for justice. *** In an agricultural terrain of the Philippines, an unknown town lies hidden within. A girl with a bad reputation wants revenge wh...