Chapter 1.0

45 9 4
                                    

Chapter 1: Angela Montreal; A year ago

Habol ko ang aking hininga habang tumatakbo. Late na naman ako ngayong umaga.

Lakad. Takbo. Iwas. Hinto. Lakad. Takbo.

Halos liparin ko na ang buong paligid makarating lang sa classroom namin.

3 minutes na lang late na ako, sabi ng relo ko. Ba't ko nga ba tinitingnan ang oras? Hindi naman ako nito matutulungan para hindi ma-late. It would just pressure me much more rather than help me be calm as I run for my record's life.

Hinihingal akong nakahawak sa railings ng hagdanan bilang suporta, huminto muna ako saglit para magpahinga. Oh my gosh, third floor na ako. Makakaabot pa ako, makakaabot ako. Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang pagtakbo patungong classroom. Kaunting lampas pa ng rooms, makakarating na ako sa room ko.

Pagbukas ko ng pintuan, lahat sila napatingin sa akin. Tumingin ako sa harapan and thank goodness wala pa si ma'am. Dali-dali akong pumunta sa aking upuan, hinihingal akong umupo at sinimulang pakalmahin ang aking puso at paghinga.

Nagtaka ako kung bakit hindi ino-on ng mga kaklase ko ang air conditioner, ngunit nang mapatingin ako sa grupo ni JC na nagtatawanan ay saka ko lamang naalala. May mga ginawa pala silang kalokohan kaya hindi kami pinayagang gumamit ng air-con.

Inis man sa kanila ay wala na akong magagawa, sino ba naman ako para magpakita ng iritasyon? Isa lang naman akong hamak na scholar.

Dismayado akong napatingin sa electric fan na nakatutok sa grupo nina JC at Meghan. Tag-iisang desk at chair ang bawat estudyante sa isang section. Nakaupo si Meghan sa kanyang maliit na mesa habang si JC ay walang ganang nakaupo sa tapat nito.

Nag-isang linya ang aking mga labi at hindi na sila pinansin. Gusto kong magpahangin kahit saglit lang pero alam ko naman na hindi nila ako papayagang makihati.

Huminga ako ng malalim bago hinarap ang bintana. Salamat kay God dahil bahagyang nap-preskuhan ang katawan ko sa mahinang ihip ng hangin.

"Ang tagal ata ni ma'am Deocareza dumating? Lagpas 10 minutes na oh," dinig kong sabi ni Monica.

"For sure wala 'yon," komento ni Felicity.

"If so," I heard Meghan giggled bago ako nakaramdam ng pagbato ng crumpled paper sa ulo ko.

Napabuntong hininga ako. Akala ko makakaligtas ako ngayon. Walang araw siguro na hindi palalagpasin ni Meghan ang kanyang paningin sa akin, ah?

Nilingon ko ang mataray niyang mukha. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang tinatanong kung ano pa ang hinihintay ko at hindi pa lumalapit sa kanya?

Kahit na pagod pa rin ay dahan-dahan akong tumayo, bahagya akong yumuko bago mabagal na naglakad patungo sa kanya.

"Bilisan mo nga!", sabay tulak sa akin ni Britney.

Tumili si Meghan nang muntik na kaming mag-umpugan. Mabilis siyang tumayo at agad umiwas dahilan para tumama ang noo ko sa sandalan ng upuan. Napapikit ako ng mariin at napasinghap sa sakit na dumaloy sa ulo ko. Bahagya akong nahilo dahil sa impact. Dahan-dahan akong napaayos ng tayo.

Tulad ng dati, imbes na tulungan ay tinawanan lamang nila akong lahat. Kita ko sa gilid ng aking mata na tahimik lang na nanonood si JC sa nangyayare.

Nakakahiya.

"My gosh! You're such a loser," maarteng pahayag ni Meghan bago humagikhik at mahigpit na hinablot ang buhok ko.

Napapikit ako at napaatras. Kamuntik na akong matumba nang bitiwan niya pero mabuti na lang ay napaupo ako sa maliit na mesa ni Britney. Di ko pa nadidilat ang mga mata ay may ibinato na sa akin si Meghan.

Only Vengeance: The Girl You'd Never Wish To Be With [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon