14 Visitor

19 6 5
                                    

JESSICA'S POV

November 3 ngayon at hindi parin nagkikibuan si Sunny at Taeyeon dahil sa nangyari kahapon. I wonder kung sino ang nagbunyag na may relationship si Sunny at Chanyeol. Umagang umaga, nagising ako dahil sa pagtangis ni Taeyeon na nanggagaling mismo sa sala. Lumingon ako sa relo ko at 5:36 am na ng umaga. Umupo ako sa tabi niya at inalam ang dahilan ng kanyang luha.

"Yeonnie, why? Is there something wrong?" mahinahon kong tanong habang niyayakap siya.

"Naisip ko lang kasi yung sinabi sakin ni Sunny kahapon. *sob* Jessy, nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad" pagtangis niya sa balikat ko. Hinagod ko ang likuran niya para tahanin.

"Don't worry Yeonnie, alam kong mapapatawad karin niya. Tiwala lang" sabi ko.

"Alam mo ba, hindi ako nakatulog sa kaiisip sa kanya. Gusto kong makitang tumawa si Sunny pero galit ang mukha niya" sambit niya na nakayakap parin sakin.

"What??! Then matulog ka na! Kaya naman pala ang haggard mo! Go! Sleep. Just think. Truth will always show" sabi ko.

Tumango siya at bumalik sa kanyang kwarto. Lumabas ako ng dorm na nakapantulog at medyo lumiliwanag narin ang paligid. Dumeretso ako sa Sm building at umakyat sa second floor para makapag kape. Nadatnan ko dun si Secretary Britney na kumukuha ng mainit na tubig. Lumapit ako sa kanya. "JEOEUN ACHIM IMNIDA" sabi ko na ang ibig sabihin ay good morning. Gayun din siya na binati ako. Kumuha ako ng tasa at pinindot ang coffee maker na naglabas ng mochaccino flavor na kape.

"Ang aga mo yata" sabi niya na nagtitimpla ng sarili niyang pampainit.

"Hmm! Si Taeyeon kasi eh. Naririnig kong umiiyak kanina kaya nagising ako" sambit ko sabay niyaya si Secretary Britney sa isang table. Umupo kaming dalawa at nagkwentuhan habang humihigop ng kape.

"So, how's Sunny?" biglaan niyang tanong.

"Well, nagalit siya kay Taeyeon dahil baka siya daw yung nagbigay kay Manager ng revelation letter tungkol sa kanilang dalawa ni Chanyeol" sabi ko sabay higop ng kape.

"Mmp. Pareho pala si Sunny at Chanyeol. Galit din si Yeol kay Manager dahil napaka bitter daw niya" bulalas niya

Napataas ako ng kilay at ibinaba ang tasang hawak ko.

"Teka, sino bang nagsabi sayo?" tanong ko.

"Tsh. Nagsumbong kasi si Xiumin na nagkakagulo sa dorm nila. Kaya hayun, nalaman ko ang nangyari. Naramdaman ko nga kay Chanyeol na mahal na mahal niya talaga si Sunny dahil iniyakan pa at muntik magpakamatay dahil sa muriatic acid na muntik nang inumin. Buti na lang at napigilan ni Suho ang binabalak niya kung hinde, naku! Hindi magkanda ugaga ang mga fans niya at sigurado akong iiyak sila" mahaba niyang paliwanag.

"Oww. Grabe pala" sambit ko.

Natahimik kami at sineryoso ang pag inom ng kape na lumalamig na. Walang anumang sandali ay tumunog ang cellphone ni Secretary Britney.

"Yeoboseyo"

"Oh-ah. Ne"

"Today??"

"Ohh I forgot!"

"Yes! I'm with her"

"Ok I'll tell her right away"

"You too! Jalgayo!"

Call ended******

"Sino yung kausap mo?" tanong ko.

"Ahh. Si Krystal. Yung best friend mo. Bibisitahin ka daw niya kasama si Sulli at Luna. Eh kaso di makakapunta si Victoria at Amber. At 7:00 ng umaga ka daw nila bibisitahin" sambit niya.

ALBUM: KILLER SONG (Exo, BTS, Got7,BigBang, 2NE1, Girls Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon