25 Little By Little

33 6 3
                                    


JESSICA'S POV

Hindi ko na alam ang nangyayari sa Entertainment na to. Mukhang iniisa-isa na kami. As for now, narito ako ngayon sa pool katabi ng garden malapit sa Main building ng SM. Binababad ko ang paa ko sa tubig at nang makapagrelax naman ako. Panandalian kasing tumigil ang snow. Gabi na at December na bukas. Nanonood lang ako kung paano kumislap ang mga butuin. Is it really the end? Kumusta na kaya ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Sana okay lang sila. Sana joke lang ang pangyayaring to. Napakatahimik ng paligid. Paghinga ko lang ang tangi kong naririnig. Di ko akalaing may kasama pa ako sa lagay na alas nuebe ng gabi. Nakitabi siya sakin. What now? Di pa ba siya nakuntento sa sinabi ko sa kanya noon?

"At bakit ka nandito?" naiinis kong sabi dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Delikado na kapag pumatak ang gabi. Baka kung mapaano ka pa. Concern parin naman ako sayo" sambit niya saka ngumiti sakin.

"Ayoko munang makipag-away sayo. Gusto ko lang ngayon ng makakausap. Kaya sige kakausapin kita ngayon ng maayos" sabi kong ngumiti rin sa kanya.

"Nalulungkot ka ba?" tanong niyang nakatingin sa butuin sa kaitaastaasan. Di ko maipagkakailang ganun ang nararamdaman ko kaya't tumango ako. "Jessica, di ka ba nagtataka?" natigil ako sa sinabi niya. "Ayoko sanang magbintang. Pero, sa tingin ko" mas lalo akong naging interesado sa sasabihin niya. "Sa tingin ko, may kinalaman dito si Manager. Di lang ako sigurado." sambit niya. Kumunot ang noo ko.

"Si Manager? How could you say so?" nagtataka kong tanong sa kanya. Imposible kasi ang sinasabi niya.

"Isipin mo ah, ayaw niya tayong paalisin sa lugar na to. May mga nagpupumilit na umalis pero di niya pinayagan kahit alam niyang delikado ang buhay natin dito. Sa tingin ko, parang iba pa ang kinikilos niya. Lagi siyang wala tuwing may nagaganap na pagpatay. Naiisip ko nga, plano ba yun?" sabi niya sakin na nakapagbukas ng ideya sa utak ko. Hindi nga? Si Manager? How come? May punto si Jimin.

"Pero di sapat yun para magbintang ka" panunuloy ko. He smirked.

"Alam mo, parang di rin naman kayang gawin ni manager ang pumatay. Well, tayo pa ang tumutulong sa kanya para mapalago ang SM. Kaya't malabo rin na siya" pananaliwas ni Jimin. May punto na naman siya. Bakit ba marami siyang alam? "Hindi ba't sabi mo, malungkot ka?" muli niyang imik sakin. Tumango ako. "Gusto mo bang lumangoy ngayon?" pagyayaya niya sakin. Lumusong siya sa tubig at inilahad ang kamay niya. I'm not sure for this. "Swim in!" sambit niya. Inilapag ko ang phone ko sa damuhan saka lumusong na ako at masyadong malamig. Natatawa pa si Jimin dahil sa itsura ko. Tinitigan ko siya ng matalim.

"Aahon na ako! Masyadong malamig! Ayoko na! Can we please get inside the dorm building? Please?" pagrekwesta ko sa kanya.

"Wala ka pang minuto dito sa tubig, aahon ka na! Grabe ka naman! Samahan mo muna ako" nagtatampo pa ang mukha niya. Bakit ganun? Bakit napakagaan na naman ng loob ko sa kanya kabila ng nangyari sa aming dalawa?

"Aalis na ako" umahon ako para iwasan ang muling pagbabalik ng nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko nang masaktan pa. Ayoko na. Kinuha ko na ang phone ko. Umahon rin siya at sinabayan na ako sa pag-alis. "Hindi mo naman ako kailangang sundan eh. Kung gusto mo, lumangoy ka dun" pamimilit ko sa kanya.

"Hindi na. Nilalamig narin ako!" sagot niya na mukha ngang nilalamig.

Nagsabay na kaming sumakay sa elevator papunta sa 3rd floor ng dorm building. Habang siya naman, sa 12th floor. Naghiwalay na kami ng landas at papasok narin ako sa dorm room nang tumunog ang phone ko. Tumatawag sakin si Krystal. My bestfriend.

ALBUM: KILLER SONG (Exo, BTS, Got7,BigBang, 2NE1, Girls Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon