Meanwhile *****I just did it! I can't help! Just forgive me for what I did. I'll never do it again. I promise. Just don't kill them. I'll do anything just don't hurt them. I beg you. Please.
You're really tough enough! Then kill for me! You've fail for me once. I won't let you do it this time. If not, goodbye for all of your love ones. You're strong and brave outside but quietly coward inside, aren't you?
I can't lose them. I just can't. I'll do what you want madame. Don't betray me. I love them.
It's good for you. You're angelic enough to pity friends. Okay. I won't betray you. Unless you kill for me.
Who do you want?
Let me guess, I can't think. Maybe, Jimin's blood is tasty?
What?! Hell no! He's not part of this! I love him! So others! Please! I can't do that.
Okay. Tiffany may do.
No!!!
Fine! This is the last! If you don't want to do it, then I'll kill your love ones. I want you to kill Suho. The rest may follow.
Okay. Deal. ••••
Xiumin's POV
Hindi ko na alam ang nangyayari. Wala akong magawa kundi ang matakot. Ayokong magparamdam na naman siya sakin. Nakakabaliw na. Matagal niya na akong ginugulo. Ano bang kailangan niya sakin? Bakit ba niya ako tinatakot? Patay ka na hindi ba? Patay ka na! Hindi ka pwedeng mabuhay pa. Naluluha ako ngayon. Hindi ko alam kung maitatago ko pa ito. Ayokong isipin ng mga kagrupo ko na nababaliw na ako. Maybe just a little concern, okay na para sakin yun. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko habang nagsusulat sa blue notebook ko ng anumang bagay. Sort of diary. Napansin na ako ni Suho hyung noon. Ayoko nang mangyari ulit pa yun. Baka malaman niya kung ano pa ang sikreto ko. Baka magalit lang sila sakin. Nananahimik lang ako pero sa totoo lang, nakokonsensya na ako. Paulit ulit na lang na bumabalik sa utak ko ang mga nangyari. Nakakapagod na.
"Xiumin? Bakit ka umiiyak?" pagtatanong sakin ni Suho hyung na nilapitan ako at inakbayan sa balikat para tahanin ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa niya ngayon. Tumango na lang ako sa tanong niya. "No you're not okay. I can feel it" tugon niya. Bakit ba ang kulit niya?
"Gusto ko munang mapag-isa. Iwanan mo muna ako, pwede? Please. Have some sense of privacy" nirolyohan ko siya ng mata at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Gusto ko lang talagang maging mapag-isa at sana maintindihan niya.
"Galit ka ba sakin, Xiumin?" nagtataka niyang tanong. Tinitigan ko siya nang matulis at sinamaan siya ng tingin. Talaga bang ganyan katigas ang ulo mo Suho?
"Nagagalit ako sayo dahil di mo ako nilulubayan! Iwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya. Umalis siya at inintindi na lang ako. Ahy. Napakabuti niyang tao para sigawan ko siya ng ganun. Ang sama ko talaga. Teka, kailan pa ba ako naging mabuti? Sa ginawa ko palang, matatawag na akong isang manloloko at manlilihim.
Humiga ako sa sarili kong kama at pinapakinggan ang kakaibang tunog na naririnig ko sa kwarto ng SNSD na katabi lang ng room namin. Hayun parin talaga. Ayaw niya akong tigilan. Sumisigaw siya at humihingi ng tulong. Lubayan mo ako. Nagulat ako nang biglang pumasok na hinihingal si Baekhyun at Chanyeol na kagagaling lang sa labas. Hindi ko alam pero, mukhang may nangyari na namang masama. Sa mukha palang nila na dinaanan ng unos, ano pa ba ang maaring konklusyon?
"GUYS! TULUNGAN NIYO KAMI!!! MAY NAKITA KAMING BANGKAY SA ROOFTOP!!! KATAWAN NINA RICA AT CHIP!" sabay nilang anunsyo sa aming mga natira sa loob ng dorm. Kumulot na naman ang mukha ko. May patay na naman? Bakit ba NIYA kami iniisa-isa? Bakit? Napakasama niyang tao.
"Ano???!" sabay sabay naming bulalas at reaksyon. (=゚Д゚=). Magsasalita ba ako? Magsasalita ba ako na SIYA ang pumapatay dito sa loob ng SMEnt? Kung sasabihin ko kasi, baka ako lang ang pagkamalan. Dahil wala akong ebidensya. Walang wala.
Kumaripas kaming lahat ng takbo papunta sa rooftop ng dorm building at nadatnan ang ibang member ng ibang grupo na sari-sari ang reaksyon. Tsh. Kabilang siya sa narito? Ang galing niyang umarte na para bang nag-aalala sa kalagayan namin . Pero mala-dimonyo naman ang budhi niya. Sa bangkay nina Rica at Chip, basag ang mga ulo nila. Nahiwalay pa ang mga utak. Eew. Marahas na naman ang pagpatay. Paano niya nagagawang pumatay na di namin nalalaman? Paano? Nakatitig ako ngayon sa hugis ng mukha niya. Isang mukha na plastik kung umasta. Bistado ka na. Di mo na kailangang magpanggap na inosente dahil patutunayan kong ikaw ang pumapatay.
"Guys, may pair of triangle black earring pieces na naman kaming nakita! Oh my gosh! Kihyun! Sinasadya ba talaga ng killer na yun ang pag-iwan ng earring piece sa crime scene?" pagtatalak ni Jessica na umaaktong parang isang detective. Well done. Matalino siya.
"Isa lang ang panigurado kong sagot. Sa bagay palang na yan, nililito tayo ng suspek. Ano ba kasi ang motibo ng suspek na yun para pumatay na lang siya na parang wala lang ang pagdanak ng dugo ng karamihang tao para sa kanya?" paglutang ng imahe ni Kihyun. Motibo ba? Tsh. Ako dapat ang tanungin niyo. Pero di maaari. Ako ang mamamatay kapag sinabi kong SIYA ang Bwisit na mamamatay taong walang ibang ginawa kundi ang magpadanak ng dugo.
Teka lang, lahat ba ng artists at employees ay nandito sa rooftop? Mukhang may kulang sa amin. May kulang talaga pero di ko alam kung sino. Ano ba yan? Psh. Bakit naman ako magbibigay ng atensyon sa wala rito kung nasa harap ko ang mismong killer? Guess who? Ok. Guess. Para sakin kasi, siya lang ang di namin matanggihan.
"Teka, hindi ba't marami ang nag-away nang magkaroon ng mga love triangles? Hindi kaya't isang dahilan yun para maging motibo dito sa scene?" muling punto ni Kihyun na ang tanging kinakausap ay si Jessica. Buti hindi nagseselos si Tiffany sa kanya? Ahy. Bakit nga naman magseselos si Tiffany, kung kahit ngayon, nakatingin siya kay Taehyung? Wag kayong magduda kung bakit marami akong alam. Sadyang chismoso lang ako. Nasa inyo yan kung sinasabi niyong sinungaling ako.
"Oo tama! Saka lang naman nagkaroon ng pagpatay nang mag-umpisa ang away tungkol sa relationship! Unang namatay si Jungdim at sumunod na ang iba. Tsh. Pero di dapat tayo lumaktaw sa mga pangyayari kung di talaga natin alam ang kabuuan ng istorya" sambit niya. Halos sa kanila na nga lang kami nakikinig eh. Halos sa kanila lang talaga. Nagsama silang dalawang matalino.
"Ayoko na munang mag imbestiga. I'll never interrupt the hidden findings. Lalabas din naman ang katotohanan. Sisingaw din yan" nakangising sambit sa kanya ni Jessica. Bakit ba nawiwirdohan ako sa kanilang dalawa?
Bakit kaya di makapagsalita ang killer sa harapan ko? Nag-iisip na naman ba siya ng plano para isunod ang iba? Tapos ano ang gagawin niya? Sasabihin niyang accidents happen at susunod lang din kami sa kanya? Nice try Mr. Lee SooMan. But that doesn't work coz I know the works of your dirty hand. Ang saya ba? Masaya bang pumatay? Subukan niyang may idamay sa ExO members ko. Ako mismo ang papatay sa kanya. I'll give some time. I don't know your next move. I assure you, mababayaran din ang kasamaan mo.
********
Do you really think, si Manager Lee Sooman ang killer? Ano sa tingin niyo? Kung oo, ipaliwanag. And the same to explain if no.
Naguguluhan ba kayo? Sorry ah. Napapaisip tuloy kayo. Pero mas okay ang ganyan. Nakakapagpatalino. Keep up the reading! Kamsahamnida!
BINABASA MO ANG
ALBUM: KILLER SONG (Exo, BTS, Got7,BigBang, 2NE1, Girls Generation)
Fanfiction"WHEN MUSIC STARTS, GO FIND YOUR WAY OUT OF DEATH. AS MUSIC ENDS, READY YOURSELF FOR A BLOODY TURN" One promise.... One Album.... And One song.... Death comes what may. "WALANG MASASAKTAN KUNG WALANG MAKAKARINIG WALANG MAMAMATAY KUNG WALANG NAPA...