23 Start Up Kills

34 6 3
                                    


TAE SOYU'S POV
= Kung bakit pa kasi kailangan naming hanapin si Marga. Hindi ba pwedeng, hintayin na lang siyang bumalik? Nakakainis na. Halos lahat na kami naghahanap at nag aalala para sa kanya.

Take note : NAG AALALA

Biruin niyo yun? Nag aalala kami ngayon baka kung ano na naman ang pwedeng mangyari.

Take note 'AGAIN' : killing event

Eh sino ba naman kasing hudas at baliw ang pwedeng gumawa ng isang karumal dumal na bagay. Iba na talaga ang panahon ngayon. Masyadong delikado. Masyadong baliw. Hawak ko ang phone sa paglalakad at paglilibot sa Sm building. Nakakatakot pa naman. Dito paman din nangyari ang mga naturang pagpatay.

Magkakasama kaming pumasok nina Yesha, Seungri, Seohyun, Kihyun, Tiffany, at iba pa sa Sm building. Nasa 3rd floor hallway ako ngayon at wala akong nakikitang tao. Masyadong tahimik. Bawat hakbang ko, umaalingawngaw ang tunog ng sapatos ko.

"Marga! You here?" sigaw ko na bumalik lang sakin.

You here!

Here!

Here!

Aish. Minsan nakakatakot din pala ang echo. May iba't ibang rooms dito sa 3rd floor. Mayroong tatlong kwarto na magkabilaan. Di ko alam kung saan ako papasok. Isa pa, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin dito. Also, patay-sindi narin ang ilaw. Argh. Mas lalo tuloy akong natatakot. Pagbukas ko ng pinto ng isang kwarto, kinapa ko ang switch ng ilaw saka nagliwanag ang paligid.

"Is it a stock room or what?" sabi ko sa sarili ko. Paano ba naman. Ang gulo ng loob. Parang dinalaw ng bagyo. Nagkalat lahat ng papel, madumi at maalikabok ang sahig. Pinatay ko ang ilaw saka isinara ang pinto.

Pumasok naman ako sa pangalawang kwarto. Bukas na dati ang ilaw at wala naman akong nakitang Marga run. Lalagyan yata rito ng mga files saka awards. Andami kasing nakasabit na pictures. Lumabas na ako sa pinto. 4 years na akong nagtratrabaho dito sa Sm bilang make up artist pero kahit apat na taon na ako rito, di ko parin alam ang laman ng bawat kwarto. Astig no?

Sa pangatlo kong pagpasok, nagulat ako dahil di pa nalalagyan kahit na isang gamit ang loob ng kwarto. Wala na namang tao kaya't lumabas na ako. Patuloy parin ang pag patay-sindi ng ilaw kaya't binilisan ko na lang makapunta sa kabilang hilera ng mga kwarto.

In my surprise for the 4th room, puro pintura ang narito. Wala akong nakita sa loob kaya't lumabas na lang akong muli. Pagpasok ko sa panlima, madilim na kwarto ang bumungad sakin. Kinakapa ko ang switch pero di ko mahanap. Kaya't binuksan ko na lang ang flashlight ng phone ko para ilawan ang pader. Nakita ko narin ang switch sa pinakadulong parte ng pinto. Nang lumiwanag ang paligid, nagulat ako dahil ang kwartong pinasukan ko ay puno ng nakasabit na chainsaws. Inikot ko ang tingin ko.

"May chainsaw facility pala rito. Ngayon ko lang din nalaman" bulong ko sa sarili ko.

Napansin kong tumunog ang pinto at nagsara. Lumingon ako atsaka nagkaroon na ako ng kasama.

"Ahy salamat may kasama narin ako! Nakakatakot pala rito! Buti na lang at nandiyan ka. Si Marga nakita mo? " sambit ko sa kanya.

"Ah, siya ba? Di pa eh" nakangisi niyang sagot.

Binalik ko ang focus ko sa mga chainsaws. Saka naman narinig ko ang pagpitik ng switch at nawalan ng ilaw. "What the-" di ko na naituloy ang sasabihin ko pagkat binusalan na lang ako bigla. Binusalan niya ako gamit ang kamay niya.

ALBUM: KILLER SONG (Exo, BTS, Got7,BigBang, 2NE1, Girls Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon