^Neil
****
Chapter 6 — Hearts Are Broken
Kelly's Point Of View
"Mommy, please!" pagmamakaawa ko kay mommy habang nakaupo siya sa pang-isahan na upuan. Tumabi ako sa kanya at umupo sa sandalan.
"Please understand, Kelly." aniya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.
Kanina pa ako nagmamakaawa sa kanya. I've been pleading her all night para makapunta lang sa ibang bansa. Kanina pa ako please ng please dito, siya naman, no ng no. Don't they care about me anymore?
Humarap ako kay Daddy para sa kanya naman ako magmakaawa.
"Please let me go to Canada, Dad." wika ko at maamong tumingin kay papa na kanina pa tahimik. Nagpapa-under kasi siya kay mommy. Tsk.
"I told you baby, kay mommy ka magpaalam." Iyan na naman siya. Kay mommy dito, kay mommy ganyan. Wala ba siyang karapatan para gumawa ng desisyon para sa akin? Si mommy lang ba ang magulang ko dito?
Humarap ulit ako kay mommy. I gave her a look that can surely make her agree, but she didn't nudge. Nag-iwas lang siya ng tingin. "Mom, please..." Tumabi ulit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Kelly kung aalis ka, what about us?" tanong niya sabay turo kay papa at kay kuya. Kanina pa siya nakikinig at nanonood sa aming tatlo pero hindi man lang niya ako tinutulunga. Maybe because ayaw niyang umalis ako. "And you're still a minor. Who knows what will happen to you. Walang magbabantay sayo doon. Isang beses ka lang nakapunta doon."
Kahit na! Alam niya kung ano ang pinagdaanan ko sa paaralang iyon. Intindihin niya naman ako.
Tahimik lang din na nanonood si Mayka na katabi ni kuya at katabi naman ni Mayka si Ella na kahit dito ay nakayuko pa rin. Nagtatago pa rin mula sa kapatid ko.
"Mom, alam mo namang hindi ko kayo papabayaan. Tsaka, haler? Ano pang silbi ng Skype? Cellphone? Facebook? Mom, just please let me go." pagmamakaawa ko ulit. Di ko titigilan si Mommy hangga't di siya papayag. Alam ko namang di niya ako matitiis eh.
"That, of course, is obvious. But you're staying here, young lady." sabi niya at tinuro-turo pa ako pero pagkaraan ng ilang segundo ay umiwas siya ng tingin.
This is getting nowhere.
Yumuko ako at nagbuntong-hininga. Maamo akong tumingin sa kanya as I slowly loosen my grip on her hands. Napatingin naman siya sakin ulit.
"Hindi ba kayo nag-aalala sa akin?" mahinhin kong sagot at tumingin kay daddy, sunod ay kay mommy. Nagulat siya sa sinabi ko kaya she lifted her right hand up and caressed my cheek. Tinignan ko lang siya na parang siya ang pinakawalanag-awang tao na nakilala ko.