^Mico
Chapter 30
Mico's Point Of View
"Ah, pagod na ako!" reklamo ng kasama ko habang naglalakad kaming dalawa sa corridor papuntang cafeteria.
"Ang sakit ng likod ko." I groaned, massaging my shoulders.
Tapos na ang morning training namin at binigyan kami ni coach ng oras para kumain ng tanghalian. Our schedule is hectic since bukas na ang finals ng district tournament para sa basketball. Maaga kaming lahat kanina para mag-jogging sa open field. We ran for, like, 50 laps para ma-pump ang body namin. After that was our heavy warm ups. My body is sore and aching from the nonstop training, I need food to boost my energy.
"Ooh," Markhel scoffed as I stretched my arms backwards. Sinundot niya ang braso ko. "Malaman ang braso ah?"
Ngumiwi ako at pabirong winakli ang kamay niya. "Ano ba, para kang bakla." Reklamo ko. Tumawa lang siya at tumingin ulit sa daan.
"Ooh," he jeered again when we both saw a familiar figure of a girl walking alone. He nudged at me and grinned sheepishly. "Dumaan si lablab ah?"
Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang makita ko siya. Totoo bang nawawala ang pagod kapag nakikita mo ang crush mo?
Sinapak ko si Markhel sa dibdib nang maramdaman ko ang mapanutya niyang tingin. "Ouch! My boobs." reklamo niya at hinawakan ang parteng natamaan ko.
Natatawang umiling ako at tumawa ng mahina. "Gago." Ani ko at naunang maglakad para habulin si Jazzella na pumasok sa cafeteria.
Nasaan si Mayka at Kelly? Bakit iniwan nila ng mag-isa si Jazz? Mukha kasi siyang loner, pinagtitinginan pa siya ng mga estudyante.
Tumigil ako sa harap ng canteen nang may naalala ako. Inamoy ko ang jersey ko kung mabaho ba. I sniffed my armpit for any odor, at umismid ako nang mapagtantong amoy pawis pala ako.
"Khel, may putok ba ako?" tanong ko sa kanya nang tumigil rin siya sa tabi ko. Sinubukan niyang amuyin ang armpit ko tsaka siya ngumiwi.
"Hindi naman mabaho ang kilikili mo, pero amoy asim ka." He answered truthfully. Panic rose in my body at dali-dali akong naglakad pabalik sa dinaanan ko. Kaagad akong hinawakan ni Markhel sa pulso. "Oh, saan ka pupunta?"
"Magsha-shower lang ako sandali." Paalam ko at tumalikod ulit nang hinigit na naman niya ako.
Iritado siyang tumingin sa akin. "Gutom na ako, Mic. Tara na nga." He said. Aba, nagrereklamo ba siya sa akin? Ako ang nasa first rank diba?
Nag-aalilangan ako kung dapat na ba akong pumasok o hindi. Maaamoy niya ako, turn off yun. Kung maliligo pa ako, baka hindi ko na siya maabutan. I'm so torn! Gusto ng mga babae yung mga lalaking mabango, lalo na si Jazzella. Maarte pa naman yun. "Okay lang ba?" I asked, worried.
Markhel threw me a look of disapproval and pushed me inside the cafeteria. "Okay lang. Tao ka pa rin naman, nangangamoy din."
Wala na akong naggawa nang pumasok kaming dalawa. Pinagtitinginan kaagad kami ng mga tao kaya tinakpan ko ng towel ang kalahating parte ng mukha ko para matago iyon. Natawa si Markhel sa akin at mahina akong binatukan. "Ngayon ka pa nahiya?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh sorry, hindi ko naman kasi inexpect na magkikita kami na ganito ang kalagayan ko." I sneered. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang pamilyar niyang bulto. Nakita ko siyang nakaupo ng mag-isa malapit sa gilid habang busy sa phone niya.
Nakatitig lang ako sa kanya nang tinulak ako ni Markhel ng mahina papunta sa counter. "Mabuti pa't umorder na tayo para masamahan natin siya."
Tumango ako sa sinabi niya. "Sige, sige."