^Jayzee
****
Chapter 18 — She's Not Dense
Jazzella's Point Of View
It's Monday again. Ugh.
"Hi Jazz!" Tinignan ko ang lumapit na si Mico na may dalang case ng guitar sa balikat niya. Kumunot ang noo ko. Naalala ko yung nakita ko sa music room noon. Gusto ko tuloyng pakinggan ang boses niyang kumakanta. "Kamusta?"
Malaki na ang ngiti niya kahit umaga pa. Tumango lang ako at mabilis na naglakad para iwan siya pero binilisan niya rin ang paglalakad niya at sinabayan ako. Bwisit. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla niya akong pinapansin. Ganyan ba talaga siya normally?
Nagtinginan ang mga nadadaanan naming estudyante sa amin, nagtataka kung bakit kami magkasama. Ito ang unang beses na nakita nila ulit kami pagkatapos inanunsyo na kasali kami sa hinahangaan nilang club, at ito rin ang unang beses nila kaming makita ni Mico na magkasama.
"How's your day?" Well, it's already fvcked up, thanks to you. He's been acting fishy ever since the photoshoot.
Humarap ako sa kanya at tinignan siya diretso sa maganda niyang matang kulay gray. Imbes na singhalan ko siya, I looked at him, amused. "Nagco-contact lens ka?"
He chuckled at kinamot ang batok niya na parang nahihiya. "Malabo kasi ang mata ko." Sagot niya na may ngisi.
"Pero may color?"
Tinitigan ko ng mabuti ang mata niya at lumapit para makita ng maayos. Nailang siya sa ginawa ko kaya lumayo siya ng konti at ngumiti na parang kinakabahan.
"A-Ah... Wala. Ganyan talaga ang mata ko." Imbes na sumagot siya ng maayos, tinalikuran niya ako at dali-daling umalis. Ano ba ang problema niya? Napaka-bipolar.
"Jazz!" Lumingon ako sa papalapit na babaeng tumawag sa akin. Si Kelly.
Tinaasan ko siya ng kilay? "Oh? Nasaan ang jowa mong tuko?" tanong ko. Inirapan niya ako at sabay kaming naglakad papunta sa room.
"Iniwan ko. Nakakasura na ang mukha."
Tumawa ako. "Oo nga, halos araw-araw na kayong magkasama eh."
"Kelliah!"
"Urgh..." Umirap si Kelly sa kawalan at hinatak ako para maglakad ng mabilis. Muntik pa akong madapa, buti at na-keri ko ang sarili ko.
"Uy, hintayin mo nga ako." reklamo niya nang malapit na siya sa amin.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hoy Hanz. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ng kaibigan ko?" tanong ko. Tumawa siya ng mahina kaya lumabas ang dimples niyang malalim.
"Hindi naman. Bakit?"
"Ang sabi niya kasi nasusura na siya sa mukha m—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.