19: KISS ME SLOWLY

10.1K 235 53
                                    


^Markhel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Markhel

****

Chapter 19 — Kiss Me Slowly

Mayka Kate's Point Of View

"Jazz, samahan mo ako." Sabi ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Saan?"

"Basta." Hinila ko siya nang tapos na ako sa pagliligpit ng gamit.

Lumabas kami and again, all eyes on us. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa direksyon namin, as if manghang-mangha sila sa nakikita.

Kaming dalawa lang ang magkasama. Si Kelly umalis na dahil may malaking problema. Magfa-family dinner daw ang mga Villaverde at kailangan pang isama ang jowa ng magkapatid. Sinabi na niya sa amin ang nangyari noong sabado. Ang dinner, ang kambal at ang girlfriend nila, ang parents ni Hanz, pati rin yung hinalikan daw siya.

Nagkakamabutihan na pala ang dalawang yun.

Nang makarating kami sa harap ng gymnasium, tumigil siya sa paglalakad.

"Anong gagawin natin dito?"

"Wala. Manonood lang tayo ng practice nila." Pagkibit balikat ko at hinila ulit siya pero hindi siya nagpatinag.

She narrowed her eyes as she looked at me with suspicion. I gulped. Buking pala kaagad ako?

"A-Ano?"

Nagtagbo ang kilay niya pero kalaunan ay nagkibit balikat siya. I sighed in relief, akala ko tatanggihan niya ako. Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa bleachers na malapit sa ring.

May naglalaro ng basketball at sa tingin ko ay ito ang Underdogs. Naka-sulat kasi sa dark blue jersey nila.

I saw familiar faces. Si Neil ang una kong nakita. Nagdr-dribble siya at nag-aim ng three points and, unfortunately, hindi ito na-shoot. Tinignan ko si Jazz para makita ang reaksyon niya. It's straight and it hardly shows any emotion.

She's really hard to read these days. Hindi ko alam kung dahil ba to nung welcome party, o nung nag-usap sila ni Neil. Hindi niya sinabi sa amin ang pinag-usapan nila kaya hindi nalang kami nagtanong. Pinabayaan namin siya, baka ayaw niya talagang ikwento yon.

Bukod sa pagbabatian, hindi ko sila kailanman nakitang magkausap. Hindi sila nagpapansinan at halatang iniiwasan nila ang isa't-isa. It's pretty obvious that their last conversation didn't go well.

I still remember the time when he followed us inside the bar pagkatapos ng party. Sinundan niya si Jazz sa dance floor at pinagsusuntok ang mga lalaking lumalapit sa kanya. At least he's still protecting her.

My train of thoughts was cut abruptly nang marinig ko ang cheer ng mga babaeng nasa kabilang bleachers. Hindi lang pala kami ang nandito.

Nakuha ng kalaban ng team ni Neil, base sa color ng jersey nilang white naman with a hint of blue, ang bola at nagsimulang tumakbo papunta sa kabilang ring. Pinasa niya ang bola sa ka-team niyang si Markhel na nakapwesto sa three-point range at shinoot ito.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon