^Mayka Kate
****
Chapter 14 — The Rules
Jazzella's Point Of View
Tapos na ang lunch time ngayong araw kaya bumalik na kami sa classroom.
"Kung ganon, si Jazz na lang pala ang walang boyfriend sa atin?" pagpaparinig ni Mayka. Kumunot naman ang noo ko.
Nakwento na niya sa amin ang tungkol doon sa kakilala niyang Jayzee na jowa na pala niya. Isang linggo na siyang may boyfriend pero hindi man lang niya sinabi sa amin.
"Oo nga. Maganda pa naman sana." sang-ayon naman ni Kelly.
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanilang dalawa. "Oh? Ikamamatay ko ba kung wala akong syota?" taas-kilay kong tanong sa kanila.
"Eto naman oh, ang sungit. Meron ka noh?" asar ni Mayka at pinulupot ang braso niya sa akin.
"Ewan ko sa inyo." Umiling nalang ako habang nakangiti. Ang kulit talaga ng babaeng to. Ang daming energy. Bakit hindi niya inubos yun nung mataba pa siya? Edi sana matagal na siyang payat sa kaka-burn ng fats niya.
Mula sa glass door ng classroom namin, nakita kong walang tao sa loob. Saan nagpunta ang mga yun? Walang bang klase? Bakit di kami na-inform?
Pumasok ako pati sila Mayka at Kelly. Wala rin ang mga gamit nila. Wala nga sigurong klase.
Napatingin ako sa white board at nakitang may nakasulat doon.
'SA GYMNASIUM DAW TAYO DUMIRETSO, MGA UGOK!'
Ang galing ng nagsulat niyan. Edi siya na matalino. Malay ko ba na sa gym pala didiretso. Alam ko? Ha? Alam ko? Bwisit. Natawagan pang ugok.
Tinignan ko si Kelly at Mayka sa likod ko. "Huy mga ugok. Sa gymnasium daw kayo didiretso." tawag ko sa kanila. Tinignan naman nila ako ng masama.
"Kung maka-ugok to, ikaw kaya ang nagdala sa amin dito." pikon na sabi ni Kelly.
Edi ako nalang, ayaw nila eh.
Dumiretso kami sa gymnasium pagkatapos naming mag-ayos pero hindi kami nakaligtas sa paningin ng terror namin na prefect of discipline.
Ayun, pinagalitan tuloy kami. Kay gaganda daw naming bata pero masyadong tamad. Na-late lang, tamad na? Ewan ko talaga sa mga matatanda ngayon.
Papasok na kami sa gate ng gymnasium nang may sumitsit.
"Pst," Kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa entrance. Ay mali, ako na lang pala. Nauna na kasing maglakad yung dalawa.
Lumingin ako doon sa sumitsit sa akin. Nandoon ang kuya ni Mayka na si Mico, nakaupo sa gilid. Suot na naman niya ang earpiece niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi naman malayo sa kanya, hindi rin malapit. Sakto lang. Magpapahinga muna ako dito.