Chapter 33
Jazzella's Point Of View
Madilim na nang napagdesisyonan ng huling grupo ng estudyanteng umalis sa gym. Ang Underdogs, ang coach nila, si teacher Kazzi, at kami nalang ang naiwan dito sa loob. Nagpapahinga pa ang ilan sa kanila habang yung coach nilang si sir Rikky ay may kausap sa phone niya, ang mga staff siguro na naghandle ng event kanina.
Hanz and Kelly are talking step lower than me, Mayka was playing with her phone, and the others are talking to one another. Ang napansin ko ay ang tahimik na Suzy, na nasa tabi ng tahimik na Neil. Mula nung natapos ang game kanina ay hindi na ulit siya nagsalita o nakipag-usap sa amin. Suzy, being the good girlfriend, never left his side.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. He was playing unusually aggressive, like he's going to explode if he won't play hard. Hindi siya ganun maglaro noon. Maybe time changed him. The last time I saw him play was when we were still in a relationship.
Nag-iwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Hindi ko alam kung nahuli niya ba akong nakatitig o hindi, pero hindi siya nagreact. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa nag-uusap na magjowang nasa ibaba ko.
"Lagot ka talaga sa club adviser niyo, hindi ka nagtrabaho ngayon." Sabi ni Kelly habang abala sa cellphone niya. He just smirked and leaned his arms at the bleacher step behind her.
"Wala kaming club adviser. Nagleave siya dahil buntis." He said playfully. Pinasadahan niya lang siya ng tingin.
"So dapat nga kumilos ka eh dahil walang nagbabantay sa inyo."
"Ako ang acting adviser dahil ako ang president. Of course a man should lead his team." He said while brushing her hair. Napapansin kong nagkakamabutihan na ang dalawang to ah, kahit madalas silang nagbabarahan.
"Man mo mukha mo. Bakla ka kaya wag mong tawaging lalaki ang sarili mo."
Umalis mula sa pagkakasandal si Hanz at tinignan si Kelly na parang nainsulto sa sinabi niya. "Aba! Ang kapal ng mukha mo ha? Bakla? Ako?—"
"Mas makapal ang mukha mo!" usal niya. "Ikaw lang naman ang naglakas loob na syota-in ako nang hindi man lang humingi ng permiso." Tiwala talaga ako sa lalaking to, siya lang may tapang na inisin ang masungit na Kelly.
"Edi sila ang bakla dahil nahihiya silang ligawan ka!" medyo lumalakas na ang boses nila kaya nagtinginan na ang iba sa kanila. Mga skandalosa talaga.
"Jerk, hindi ka nanligaw kaya wag kang hambog."
Hindi sumagot si Hanz nang biglang nagring ang cellphone niya. Kinuha niya yun mula sa bulsa at tinignan kung sino ang tumawag. Dahil nasa likod niya ako ay aksidenteng nasulyapan ko ang pangalan nun.
Kumunot ang noo ko nang nagpaalam siya kay Kelly na sasagutin niya muna ang tawag dahil importante tsaka lumabas ng gym.
Importante? Importante ang taong yun? Paanong naging importante eh—?
"CR lang ako." Paalam ko rink ay Kelly at Mayka tsaka umalis nang hindi hinintay ang sagot nila.
Nang makalabas ako mula sa gym ay kaagad kong hinanap si Hanz. Madilim na sa entrance ng left wing kaya dalawa lang ang pwede niyang puntahan; ang lobby at ang right wing.
Inuna kong silipin ang right wing, at may nakita akong bulto ng tao doon, mag-isa. Hinintay ko siya habang naglalakad siya palapit sa akin pero nang makita ko siya ng maayos ay hindi iyon pigura ng isang lalaki.
Aalis na sana ako kasi hindi naman siya ang hinahanap ko, pero nang maaninag ko ang mukha ay natigil ako.
It can't be...