^Mayka Kate
****
Chapter 7 — Nagbago na ang Lahat
Kelliah's Point Of View
"Baby, are you sure you're going to be alright there?" tanong ulit ni mommy sakin habang hinimas-himas ang pisngi ko. Ilang beses na niya akong tinanong nun ngayong araw? Hindi ko na mabilang.
Nandito na kami sa airport. Hinatid pa nila kami mommy at daddy, pati ang nag-iisa kong kapatid ay nandito rin.
4:30 na pala at alas singko ang flight namin. Medyo kinakabahan na nga ako.
Tsk, sino bang niloloko ko? Kinakabahan na ako ng bonggang-bongga. Hindi naman ito ang first time kong makasakay ng airplane, first time kong sumakay ng airplane without my parents or family.
Whenever I go on a trip, I'm always with my kuya. Pero ngayon, wala siya. Di siya makakasama.
"Yes, Mom. I'll even call you every night." paninigurado ko sa kanya.
"That won't do. Remember, there's 12-hour difference between Philippines and Canada." Paalala ni daddy.
"But when you call during breakfast at 7 am..." Nagbilang muna ako gamit ang kamay ko. "You can reach me at 7 pm. Siguro, tapos na kami sa mga gagawin namin sa mga oras na yan."
"Well, we'll try." Daddy shrugged.
Habang nag-uusap kaming tatlo, kausap ni Mayka ang kuya at ang kanilang bunso through phone. Nakita kong lumapit si kuya Neil kay Ella at hinigit ito papunta sa lugar na wala kami. Does this have something to do with what happened last night?
Jazzella's Point Of View
"Ella, can we talk?" Nagulat ako nang biglang lumapit ang kanina ko pang iniiwasan na si Neil. Mula sa kotse ay umiiwas akong mahagip ang mga mata niya. Ayokong maulit ang nangyari kagabi. Baka iiyak pa ako ng wala sa oras.
"Huh?" Di pa nag-process lahat ng nangyari ay hinigit niya ako bigla.
"I won't take no for an answer." wika niya habang hinila ako sa kung saan man niya gustong pumunta. Eh ako naman itong si tanga, nagpahigit naman.
Pumunta kami sa likod ng cafeteria dito sa airport. Walang tao dito. Kami lang. Tumigil siya at binitawan niya ang kamay ko. He was one step farther than me, his back facing me.
Ano ba naman iyan, dadalhin niya ako dito pero tatalikuran naman? Nagbibiruan yata kami ngayon.
"Hoy, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko at tinulak-tulak ko siya ng marahan pero di parin siya humarap. "Oy, ano nga sabi?" I pushed him harder, enough to let him know that I am still here.