Neil Villaverde
****
Chapter 44 — Friendship
Hanz's Point Of View
Nakatitig lang ako kay Kelliah na nakaupo sa sofa at busy sa kanyang phone habang katabi si Jazz. Kanina pa ako ganito.
Tumititig ako sa kanya pero hindi man lang siya tumitingin sa gawi ko. Kahit nagpapansin na ako ay nanatili lang walang emosyon ang kanyang mukha.
Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko sa kanya kagabi pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka ayaw na niyang makipagbalikan sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa ko.
Ang selfish ko.
Nakipaghiwalay ako kasi wala siyang tiwala sa akin. Hindi ko naisip na unfair sa part niya. Nakipagusap ako sa ex ko without her knowledge and that is considered cheating kahit na hindi niya naman talaga ginustong makipagrelasyon sa akin.
Ako ang nagtaksil. Ang bobo ko.
Kanina pa ako naglalakad ng walang destinasyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mag-unwind. Nakakastress. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.
Dalawang oras na akong palakad lakad sa tapat ng dagat kaya umupo muna ako sa buhangin. Kinuha ko yung coral na nasa tabi ko at tinapon ng pagalit sa dagat. Padabog akong humiga dahil sa inis.
Bullsht!
Hindi ko alam kung kanino magagalit. Kay Kelliah ba dahil hindi niya man lang ako pinakinggan at kaagad nagalit sa akin?
O di kaya ay kay Cheska? Siya yung nagpumilit na kausapin ako at siya ang dahilan kung bakit ayaw ni Kelliah sa akin kahit noon pa.
Ginulo ko ang buhok ko at sinabunutan ang sarili kaya napasukan ako ng buhangin sa mata. Argh! Nakakainis! Bakit walang magandang nangyari sa akin ngayong araw?
Umupo ako at kinusot ang mata. Bumuntong hininga ako.
Dapat sa sarili ako magalit. Bakit ba naman kasi ako pumayag na kausapin si Cheska kung alam kong tutol si Kelly sa ideyang yun?
Ang hirap kapag gwapo. Hindi pinapaniwalaan.
Hindi naman kasi ako yung inaakala niyang fvckboy. Kahit ganito ang itsura ko, loyal ako. Wala sa isip ko ang mangaliwa.
Ghad, ayoko na. Ang sarap bumigti. Ang daming problema sa buhay.
Hindi ako makakatulog nito eh. Kelly naman.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at in-open ang gallery. May folder ako na puno ng pictures niya kaya inisa-isa kong binuksan ang mga yun.