Jayzee the fucboi.
****
Chapter 45 — Peter Pan, Tinkerbell, and Wendy
Jazzella's Point Of View
Sinabi ko kay Mico, Zavier at Aeril ang plano ko.
Nandito kami sa loob ng isang maliit na kwarto na nasa likod ng stage dito sa function hall. Para itong nagsisilbing resting room ng nagce-celebrate dito. Ng mga debutantes, brides, birthday celebrators, etc.
Mabuti na lang talaga at pumayag sila. Nakakainis kasi yung Hanz na yun, dinadamay kami sa mga problema niya.
"Sino ang magbibigay ng papel?" tanong ni Aeril. Kanina pa to nagpapansin sa akin. Mukha namang manyakis, may pa kindat-kindat pa siyang nalalaman.
Mukhang may tama ang mga kaibigan ni Mico. Una si Hanz, tapos ito. Hahay. Mabuti na lang at gwapo.
"Maglagay nalang tayo sa kada-table. Tapos ihuhulog nila sa parang dropbox para anonymous talaga." Suggestion ni Zavier.
"Paano kung hindi niyo alam ang chords?" tanong ko. Nagkibit ng balikat si Mico habang nagdekwarto at nilagay sa likod ng ulo ang dalawang kamay.
Tinuro niya si Zavier at Aeril. "They can manage." Ngumisi siya. Si Zavier kasi ang tutugtog sa bass guitar habang hawak ni Aeril ang acoustic guitar ni Mico. Si Ryce ay sa beatbox. Si Mico ay kakanta lang.
"Marunong ka bang mag-adlib, Jazz?" tanong ni Ryce. Nasa sandalan siya ng sofa nakaupo habang yung tatlo ay nasa sofa mismo. Ako naman ay nasa monobloc.
Nagkibit rin ako ng balikat. "I can manage." Gaya ko sa sinabi ni Mico. Nakita ko siyang ngumisi at natatawang umiling.
"Ayos ka lang ba talaga jan sa suot mo?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. Ano naman ang problema sa suot ko?
Naka black ako na two piece. Two piece talaga. Walang tshirt at shorts. Lace lang na cream cardigan na huhubarin ko naman mamaya kapag maliligo na.
Magmamayabang ako ngayon kasi maraming tao. Hindi na ako nahihiya kasi maganda naman talaga ang katawan ko. Malaki ang aking hinaharap, maliit ang bewang, at hindi maitim ang singit ko.
Kung nahihiya ako noon, pwes hindi na ngayon.
Nagulat nga si Mico nang makita ako kanina pagkatapos ay pinilit niya akong magpalit pero hindi ako pumayag.
'Ano bang pakialam mo?'
Iyon ang tinanong ko sa kanya kaya tumigil na siya sa pangungulit. Siya nga nakabalandra ang katawan, pati yung tatlo niyang kaibigan at ang iba naming kasama, tapos ako hindi?
"Oo nga, ang kulit." Umirap ako sa kawalan. Nagkatinginan yung dalawang kaibigan niya.
"Kailan ka pa naging makulit, Mico?" Aeril asked, amused. Hindi siya pinansin ni Mico at nag-iwas lang ng tingin.