Imperfection

58 0 0
                                    

"Shy! Paminta daw sa table 2!" Sigaw ni Manang Irene mula sa counter.

Tumigil ako sa pagpupunas ng table. "Ito na po!" Agad akong nagpunta sa kusina at kinuha ang paminta.

Matapos kong maibigay iyon sa customer ay tinapos ko nang punasan ang mga bakanteng lamesa.

Napabuntong hininga ako bago nagtuloy-tuloy sa kusina at hugasan ang mga pinagkainan. Ito ang buhay ko. Kayod para kumita. Ni hindi na nga ako nakakapagpahinga para lang may makuhaan ako ng pangkain ko sa araw-araw.

Mag-isa na lang ako sa buhay. Pagkatapos ng trahedyang iyon ay tuluyan na akong nawalan ng pamilya. Pero kahit na mag-isa ko na lang binubuhay ang sarili ko eh mahirap parin. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita ko dito sa karinderya. Minsan sakto lang pero minsan din, kulang.

Nakakapagod ang araw na ito sa akin. Marami kasing customer kumpara sa mga nagdaang araw. Araw-araw naman akong pagod. Katawan at isip. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa pinipilit na mabuhay. Wala na rin naman akong pamilya, at hindi ko rin alam kung mag-aasawa pa ako sa hirap ng buhay.

Ayokong maranasan ng mga anak ko ang nararanasan ko ngayon.

Alas diyes na nagsara ang karinderya. Hinintay pa kasi namin si Manang Irene na matapos magbilang ng kita. May katandaan na rin kasi sya kaya bawal iwanan mag-isa.

Dumiretso na ako sa storage room nang pwede nang umuwi. Gusto ko nang mahiga, nananakit na ang likod ko.

"Uwi ka na, Shy?" Tanong sa akin ni Shiela, kaibigan ko.

Tumango ako at kinuha ang bag ko sa sahig. "Gabing gabi na nga eh. Sasabay ka ba?"

Tumawa sya. "Baliw ka ba. Magkaiba kaya tayo ng dinadaanan."

Napailing ako habang sapo ang noo. "Oo nga pala. Pagod na kasi ako eh. Hindi ko naalala."

Hinintay ko muna syang matapos na mag-ayos at saka kami lumabas ng karinderya.

"Sayang, naghanda kasi si Ambo para sa anniversary namin ngayon. Pero kung pagod ka na talaga, okay lang. At saka malayo pa pala ang bahay mo kung pupunta ka pa samin." Nagkibit balikat sya.

Napangiti ako habang pinapanood sya na magkwento tungkol sa buhay may asawa nya. Halatang sobrang saya nya sa buhay nya ngayon.

"Pasensya ka na talaga. Next time na lang. May trabaho pa ko bukas eh."

Nangunot ang noo nya. "Linggo bukas ah."

Oo nga pala. Hindi ko pa pala nakukwento sa kanya. "Nag-apply ako sa may Atlas. Tuwing linggo lang naman. Alam mo na, pandagdag kita."

"'Wag mong masyadong pinapagod ang sarili mo. Kapag nagkasakit ka, mas mahal kaya ang gamot!" Aniya.

Naghiwalay na kami ng dadaanan. Sya ay sumakay na ng jeep samantalang ako ay naglakad na papunta sa pilahan ng tricycle.

Kipkip ko ang bag ko sa gilid. Malamig ang gabi. Wala na ring katao-tao sa daan kaya mag-isa lang akong naglalakad.

Ngayon pa lang ako nakauwi ng ganitong sobrang gabi na. Buti na lang at hindi masyadong malayo ang paradahan ng tricycle.

"Huwag kang sisigaw." Nanlamig ang buong katawan ko.

Naramdaman ko ang isang matulis na bagay sa tagiliran ko. Hindi ako makakilos at hindi ko alam ang gagawin. Nilukob ako ng takot na matagal ko nang hindi naramdaman pagkatapos ng maraming taon.

Nanubig ang gilid ng mata ko at pinilit na nag-isip ng dapat na gawin pero parang tumigil ang paggana ng utak ko.

Natatakot ako.

"Ibigay mo sakin ang bag mo kung ayaw mong masaktan." Pambabanta nya sa akin.

Nagdasal ako na sana ay may dumaan o rumondang tanod. O kahit may dumaang sasakyan pero wala. Tanging ako lang at ang holdaper ang tao roon.

"Kinis mo ah.." Nanigas ako sa kinatatayuan ako. Ito na ba ang katapusan ko? Sa ganitong paraan na ba ako mamamatay?

Hindi na ako nakapalag nang hatakin nya ako sa isang makipot at madilim na daan. Tinulak nya ako sa pader at napadaing ako nang maramdamang kumiskis ang braso ko. Para akong napipi at hindi ko maigalaw ang dila ko.

Bumalik ang mga alalang matagal ko nang binaon sa limot. Ang takot ko na pinilit kong tinago. "W-wag po.."

Wala na ulit magliligtas sa akin. Ito na talaga ang katapusan ko.

Napapikit ako nang mariin at naramdaman kong naglandas ang nga luha ko sa pisngi. Pinadausdos nya ang kamay nya sa balikat ko at napadaing ako.

"W-wag.. Ayoko.." Iyon lang ang tanging nasabi ko at hinintay ko nang hawakan nya ako pero ilang segundo na ang nakakalipas pero wala na ulit humawak sa akin.

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. In-expect kong ang rapist ang makikita ko pero isang matangkad na lalaki ang tumambad sa akin.

Taas baba ang dibdib nya at sa harapan nya ang nakahandusay na lalaking sinubukan akong gawan ng masama.

Hindi ko na kinaya ang sobrang takot at napahagulgol na ako. Ngayon ko binuhos ang mga emosyong naghalo na at kanina ko pa pinipigilan.

"Shit."

Dinaluhan ako ng matangkad na lalaki. Hinaplos nya ang pisngi ko. Ang init ng palad nya. Nung nagdikit ang balat namin, pakiramdam ko ligtas na ako. Pakiramdam ko wala nang susubok na manakit sa akin.

Pinapatahan nya ako pero hindi parin ako matigil sa pag-iyak. Sobrang natakot ako kanina.

Kinulong nya ang mukha ko gamit ang palad nya at hinuli ng malalim nyang mga mata ang mata ko. Hilam ako sa luha pero nahalata ko parin ang perpekto nyang mukha. Sino ba talaga ang lalaking ito?

"You're safe now. You're safe with me." Aniya pagkatapos ay pinangko ako.

Hindi ko alintana kung estranghero sya. Basta ang alam ko lang ay ligtas ako sa tabi nya. At naniniwala ako sa sinabi nya. Kahit na ngayon ko pa lang sya nakilala ay pakiramdam ko ligtas ako.

Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin hanggang sa naramdaman ko ang likod ko na lumapat sa isang malambot sa upuan. Nasa loob ako ng isang kotse. Tumayo lang sya sa gilid ko habang nakabukas ang pinto at naglabas ng cellphone nya.

"I want the arse to rot in hell. Yes. Do what you must do." Aniya habang nakatingin nang matiim sa akin.

Nailang naman ako kaya yumuko na lang ako. Iyon lang ang sinabi nya at binaba na nya ang telepono. Hindi parin sya umaalis sa gilid ko. Okay lang naman sa akin pero tigilan lang nya panininitig.

Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang haplusin nya ang braso ko. Magkahalong hapdi at kiliti ang naramdaman ko.

"May gasgas ka." Sabi nya sa isang matigas na tinig.

Inagaw ko ang braso ko at nag-iwas ng tingin. Ayoko munang salubungin ang mga mata nya. "Okay lang. Hindi naman masakit." Pagsisinungaling ko.

Nakahinga na ako nang maluwag nang isara nya ang pinto. Umikot sya at umupo na sa driver's seat. Inabot nya sa akin ang bag ko at kaagad ko naman iyong tinanggap.

"Salamat."

Natahimik kami nang ilang segundo. Pero pinutol ko ito nang hindi ko na kinaya.

"Salamat sa pagligtas sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa utang na loob na ito. Sobrang thank you talaga." Puno ng sinseridad kong sabi sa kanya.

"What's my name, Shy?" Lumingon sya sa akin habang nakasandal sa upuan.

Napatameme ako sa tanong nya. Dapat ko ba syang sagutin ng 'hindi ko alam o hulaan ko na lang ang pangalan nya?

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon