Napilit rin ako ni Grayson na ihatid nya ako sa factory na pagtatrabahuhan ko ngayong araw.
Hindi pa dapat sya aalis dahil hihintayin nya daw akong matapos sa trabaho ko.
Syempre, tumutol ako dahil halata naman sa kanya na busy syang tao at may trabaho rin syang dapat tapusin.
Napaisip rin ako, ano kaya ang trabaho nya? Sigurado sa opisina iyon. Napakapormal lagi ng suot nya.
Lagi siguro syang pagod. May kapitbahay ako na sa opisina rin nagtatrabaho at sabi pa nya lagi raw tambak ang mesa nya ng mga papel.
Ganun rin kaya ang ginagawa ni Grayson? Lagi rin ba syang pagod? Ano kayang nakakapagpaalis ng pagod nya? Tulog? Masahe?
At sino namang nagmamasahe sa kanya? Yung girlfriend nya? Pero.. may girlfriend ba sya?
Agad kong tinampal ang sarili ko. Masyado na yatang napapalalim ang iniisip ko.
Nasa trabaho ako ngayon at kailangan kong mag-focus para kumita.
Natapos ang shift ko ng ala-sais ng gabi. Grabe! Pagod na pagod ako kakatupi ng mga t-shirt.
Pero sulit rin ang pagod dahil nasahuran rin ako ng malaki sa dami rin ng nagawa ko.
"Shy!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumatakbo ito palapit sa akin at hindi maalis ang ngiti kahit may nakakabunggo na sa pagmamadaling makalapit.
"Oh! Ikaw pala Bryan. Nagtatrabaho ka na rin dito? Kumusta si Nana Meling? Balita ko nagkasakit sya ah."
Naglalakad na kami palabas ng buliding at sinabayan nya ako. Mukhang magkaparehas kami ng shift at uuwi na rin sya.
"Ok naman si Nana. Kailangan nya lang uminom ng gamot. Teka, kailan ba nung huli tayong nagkita?" Aniya.
Napaisip rin ako. "Nung birthday ni Gigi. Tatlong buwan na ang nakakaraan. Ang tagal na pala."
"Oo nga, ang tagal na pero ang ganda mo parin."
Mahina ko syang pinalo sa braso.
"Bolero!" Nagtawanan kaming dalawa.
"Hmm.. Mukhang palagi na tayong magkikita rito ah! Regular ka na ba?"
Umiling ako.
"Naku hindi! Off ko kasi ngayon sa karinderia kaya naghanap na lang ako ng trabaho kahit ngayong araw lang." Sabi ko.
"Ay sayang! Malakas pa naman ako dun sa supervisor namin. Balak pa naman sana kitang irekomenda para maregular ka na."
Maliit lang ang gate palabas kaya pinauna nya na ako. Nag-aagaw ang liwanag at dilim paglabas ko.
"Tara sabay na tayong maghapunan sa labas. Libre ko." Pag-anyaya nya sa akin.
Napangiti ako. "Sige ba--"
"Who's going with who?" Isang baritonong boses ang pumutol sa sasabihin ko.
Napawi ang ngiti ko. Nilingon ko si Grayson na matalim ang tingin kay Bryan.
Nakasuot na sya ng suit ngayon. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Ang gwapo nya ngayon.
Pinamulahan ako agad ng mukha. Ano bang pinag-iisip mo, Shy!
"Kilala mo ba 'to, Shy?" Tanong ni Bryan sa akin.
Nag-angat ako ng tingin kay Grayson. Kasing dilim ng mga mata nya ang gabi.
"Oo, Bryan. Sorry, sa susunod na lang tayo kumain sa labas. Pasensya na talaga. Wag kang mag-alala ako na ang manlilibre sa susunod. Sorry talaga. Sorry.."

BINABASA MO ANG
Imperfect
RomanceHe's too perfect. She's too imperfect. Announcement: Ineedit ko muna po yung mga chapters dahil ngayon pa lang ako nakagawa ng plot hehe, and i want to show na nag-improve na ako sa pagsusulat THANKS! All the love💩