Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay nya. Hindi pa nga sumisikat ang araw nang umalis ako.
Hindi na rin ako nagpaalam sa kanya dahil ayoko naman syang istorbohin sa pagtulog nya.
Mukhang pagod na pagod pa naman sya kagabi dahil sa trabaho.
Alas otso ay dapat nasa karinderya na ako. Nagbubukas kasi iyon ng tanghali bago magtanghalian. Syempre kailangan pang ihanda ang mga kubyertos, plato, lamesa, at yung mga ulam na ibebenta.
Pagdating ko doon ay bumungad sa akin si Shiela na inaayos na ang mga upuan at lamesa.
Nginitian ko sya. "Good morning."
Ngumiti rin sya pabalik sa akin. "Morning!"
Pumasok na ako sa loob at ibinaba ang bag ko. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas.
Kailangan laging handa sa laban. Panigurado marami ulit costumer mamaya. Pumapatok na kasi ang karinderya ni Aling Irene.
Pumunta ako sa kusina na katapat lang ng kainan. Nilinis ko na ang mga plato.
"Kumusta naman ang anniversary nyo ni Ambo, ha?" Tanong ko kay Shiela na abala parin sa pagpupunas ng mga lamesa.
"Okay naman. Ang dami nyang sorpresa sa akin. Ang sarap talaga kapag may katuwang ka na sa buhay." Nangigiti sya habang kinukwento iyon.
Nakakahawa ang ngiti nya. Pati ako ay kinikilig sa mga pinagkukwento nya.
Ano kayang pakiramdam ng may asawa na? Magkatulong na kayo sa paghahanap buhay. Magkasamang pag-iipunan ang mga bagay at sabay na makakamit iyon.
Napangiti ako ng mapait. Sa hirap ng buhay ko ngayon, malabo nang may magkagusto sa akin. Maliit lang ang sweldo ko.
Kahit ang mga lalaki ay naghahanap na rin ng mayamang mga babae. Syempre kailangang maging praktikal sa panahon ngayon.
Ngayon pa nga lang na mag-isa lang ako e ang hirap nang kumayod, iyon pa kayang may pamilya na na kailangang tustusan.
Buong buhay ko, nangangarap ako na magkaroon ng ipon, makapagtapos ng pag-aaral, at magkaroon ng permanenteng trabaho na may matinong kita.
Siguro hanggang pangarap na lang talaga iyon..
Nang mag-alas dose ay dumagsa na nga ang mga tao gaya ng inaasahan.
Tagtag na naman ang mga katawan namin.
Unti unting naubos ang mga tao. Tapos na kasi ang lunch break. Doon lang din kami nakakain ng pananghalian.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.
Unknown number iyon at tumatawag. Kumalabog bigla ang puso ko. Iisa lang naman ang tumatawag sa akin na unregistered ang pangalan.
Iyong nagpupumilit na bayaran ko na raw ang utang ng mga magulang ko sa kanya.
Hindi nya ba alam ang nangyari sa mga magulang ko? Wala syang awa!
Ngayon, hindi na ako natatakot. Mag-isa na lang ako sa buhay at dapat maging matapang ako. Hindi dapat ako nagpapaapi sa kahit na kanino.
Sinagot ko iyon. Nangingitngit ang kalooban ko.
Lumayo ako sa lamesang kinakakinan namin ni Shiela.
"Wala kang kasing sama. Magkano ba ang utang sa'yo ng mga magulang ko? Babayaran ko na. Basta ba babalik ka na sa impyerno--"
"Shy?"
Natigil ako sa pagsasalita. Isang pamilyar na boses ang nagsalita sa kabilang linya.
Tiningnan ko ulit ang screen at uknown number talaga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/61305133-288-k809880.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect
عاطفيةHe's too perfect. She's too imperfect. Announcement: Ineedit ko muna po yung mga chapters dahil ngayon pa lang ako nakagawa ng plot hehe, and i want to show na nag-improve na ako sa pagsusulat THANKS! All the love💩