Fourteen

10 0 0
                                    

Tinotoo nya nga ang sinabi nya na gagawin nya akong secretary nya. Hanggang ngayon ay may pag-aalangan parin ako kasi hindi ko naman alam ang trabaho ng isang sekretarya atsaka highschool lang ang natapos ko.

Kung tutuusin hindi naman talaga ako qualified para sa ganitong trabaho.

Masyado lang talaga akong inispoil ni Grayson kaya ganito.

Napabuntong hininga ako bago inayos ang pencil cut skirt na suot ko. Tiningnan kong maiigi ang repleksyon ko sa salamin bago lumabas ng banyo.

Sinalubong ako ng walang katao-taong hallway. Bago ako magbanyo ay sinabihan ako ni Grayson na dumiretso na lang ako sa fifteenth floor at ang buong floor na daw iyon ang opisina nya.

Medyo nagulat pa ako nuong una dahil wala pa talaga akong experience sa trabaho sa opisina. Dapat talaga na masanay na ako para masanay na ako sa trabaho dito.

Saktong bumukas naman ang elevator kaya sumakay na ako. Pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko na ang tingin ng mga kasabay ko sa elevator. Dapat masanay na ako.

Sa baba na lang ako tumingin para hindi ko masalubong ang mga tingin nila. Pero nakaangat ang ulo ko. Kailangan sanayin ko na rin ang sarili ko para ma-boost ang confidence ko sa pagharap sa mga tao. Lalo na ngayong nagtatrabaho ako sa kompanya at mga bigating tao ang nandito kumpara sa akin.

"Bago siguro." Rinig kong bulong ng isang babae.

Pinigilan kong 'wag lumingon at hindi na lang sila pinansin.

Tumungtong ang elevator ng thirteen at lumabas na ang dalawang babae. Akala ko ako na lang ang natira sa loob ng elevator nang magsalita ang lalaki sa likod ko at tinabihan ako.

"Fifteenth ka 'rin?" Nakangiti nyang tanong sa akin.

Nilingon ko sya at tinanguan. Nakapolo sya na nakatupi hanggang siko. May hawak syang mga folder.

"Ah.. Mat nga pala." Inilahad nya ang kamay nya sa akin na kaagad ko namang tinanggap.

"Shy, Shy Sandoval." Kasabay ng pagsabi ng pangalan ko ang pagbukas ng pinto ng elevator.

Pinauna na nya akong lumabas pero sabay kaming naglakad papunta sa opisina ni Grayson.

"Ibibigay ko lang 'tong mga files kay sir, eh ikaw?"

"Mag-aapply," tumawa ako "secretary nya."

Nagtaka ako nang mabakas ang pagkabigla sa mukha nya. At hindi ko alam kung bakit.

Huminto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Tinitingnan nya ako na para bang isa akong alien.

"I'm from the HR department. If ever na may mag-aapply, sa amin muna dumadaan."

Ngumiwi ako. Pero wala namang sinabi si Grayson na dadaan pa ako sa HR. "Sabi nya kasi dumiretso na ako ng fifteenth floor."

Mabilis nya akong tiningnan mula ulo hanggang paa pero napansin ko parin iyon. Nawala rin agad ang gulat sa mukha nya at napalitan iyon ng ngiti. Nakahinga ako nang maluwag. Nagpatuloy na sya sa paglalakad kaya sinabayan ko na sya.

Ito ang hirap kapag bago ka pa lang sa pinagtatrabahuhan mo, hindi mo alam ang iniisip ng ibang tao.

Hindi na sya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa pinto. Hindi muna ako pumasok at pinauna ko na sya.

Tiningnan ko ang kabuuan ng palapag. Malinis ang bawat sulok. Mukhang mamahalin ang mga painting. Makintab ang sahig. Hindi bato ang pader kundi salamin. Kitang kita ko mula dito ang naglalakihang mga building at parang mga langgam sa liit ang mga kotse sa ibaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon