Four

19 0 0
                                    

Akala ko sa bahay nya kami kakain. Yun pala sa isang open area kami kakain.

Mayroon doong lamesa sa gitna at nakalatag na ang mga kubyertos. At nagliliwanag ang buong paligid dahil sa mga makukulay ilaw.

Parang christmas lights pero hindi naman Christmas ngayon.

Hinatak nya ang upuan para sa akin. Kitang kita mula dito ang siyudad.

Napakalamig ng simoy ng hangin.

"Ang ganda dito." Ngumiti ako kay Grayson.

"I knew you would like this place." Ngumiti rin sya sa akin.

Tinawag na nya ang waiter at nagsabing ihanda na ang wine bilang appetizer.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa buong lugar. Ang ganda talaga. Napakapayapa dito.

Sinerve na ang wine at nagcheers kami. Hindi ako sanay na uminom ng mga ganito kaya nag-alinlangan pa ako.

Pero nung tinikman ko na ay matamis pala ito. Hindi naman pala lahat ng alak ay mapakla.

"Hindi ba mahal dito?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang sya.

Mukhang sobrang yaman nga talaga nya. Wala syang pakialam kahit na magkano ang gastusin sa isang hapunan lamang.

"Mukhang kakain pa nga kayo nung boyfriend mo eh." Nagtiim bagang sya.

"Hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang si Bryan.." Sabi ko.

"How about me, Shy? What am I too you?" Umangat ang sulok ng labi nya.

"Syempre k-kaibigan din kita. Ano ka ba naman!"

Tumawa ako para naman hindi na maging masyadong seryoso ang usapan namin.

Dumating na ang pagkain kaya natahimik na kaming dalawa. Panay parin ang sulyap ko sa kanya na mukhang nawala na sa mood magmula nung huli kong sagot sa kanya.

"How are you?" Aniya.

Napakunot ang noo ko. Tumawa ako ng mahina. "Syempre naman ok lang ako. Kakakita lang natin kahapon ah!"

"It's just.. It's been years since that tragedy.. May nanggugulo parin sayo?" Mahina ang boses nya.

Nabitawan ko ang mga kubyertos. Paano nya nalaman iyon? Bakit nya alam ang mga nangyari ilang taon na ang nakalipas?

Binigyan ko sya ng makahulugang tingin. Palagay ko, may alam sya na hindi ko alam.

Hindi ako makapagsalita. Pagdating talaga sa nangyari noon ay para akong nawawalan ng lakas.

"Tapusin mo muna ang pagkain mo. I'll tell you everything later." Mukhang napansin nya ang pagkabalisa ko.

Pinilit kong inubos ang pagkain ko kahit na nawalan na ako ng gana.

Gusto ko nang matapos ito para masabi na nya sakin ang lahat. Gusto kong malaman kung bakit alam nya ang bagay na iyon.

Sinerve na sa amin ang dessert. Naghihintay parin ako. Hindi ko ginalaw ang plato ko.

Gusto ko nang malaman ang lahat ng alam nya.

"Bakit mo alam?" Sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko.

Saglit syang hindi nagsalita. Naghihintay parin ako.

"I was the one who saved you, Shy."

Natigilan ako. Sya? Sya ang sumagip sakin?

Nagmamadali akong naglalakad sa sidewalk. Kanina kasi habang palabas ako ng school e bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon