"For you."
Napuno ang paningin ko ng makukulay at iba't ibang bulaklak.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nag-iwas naman sya ng tingin. Kinuha ko ang mga bulaklak sa kamay nya.
"Salamat." Sabi ko.
Inamoy ko iyon at napangiti. Marami nang nagbigay sa akin ng bulaklak pero lagi ko iyong tinatanggihan dahil nahihiya akong iuwi sa bahay.
Istrikto kasi ang mama at papa ko. Minsan naiinis ako dahil sobrang higpit nila pero mahal na mahal ko sila. Alam ko namang gusto lang muna nilang unahin ko ang pag-aaral kaysa anupaman.
Napangiti ako ng mapait. Ngayon, makakapag-uwi na ako ng bulaklak pero hindi ko naman kasama ang mga magulang ko.
Humiwalay ako sa yakap nya at pinunasan ang mga luha kong kusa na lang tumulo sa mga alaala.
"Are you okay? Why are you crying?" Hinawakan nya ang magkabila kong balikat.
Umiling lang ako at niyakap ang mga bulaklak.
Nakita ko sa mga mata nya ang pag-aalala. Nakakunot ang perpekto nyang kilay.
"Okay lang ako." Medyo ngongo kong sabi dahil sa pag-iyak.
Pumamulsa sya at tinignan ako ng matiim. Nacurious tuloy ako kung bakit nya ako tinitingnan kaya tiningnan ko rin ang sarili ko. Maayos naman ang itsura ko.
Inayos ko na lang ang nagulo kong buhok dahil sa hangin.
Bumuntong hininga sya at nagmura ng paulit-ulit. Ano bang problema nya?
Lumapit ako sa kanya ngunit umatras naman sya palayo. Bakit nya ako iniiwasan? Mabaho na ba ako? Pawis na pawis ako kanina. Baka nga mabaho na ako.
Kaya nagsimula na akong lumakad papunta sa direkyson ng baranggay namin.
Nataranta naman sya kaya agad na hinablot ang braso ko. Bigla akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy papunta sa tagiliran ko.
Nanlaki ang mga mata ko. What was that? Yun ba yung tinatawag nilang sparks?
Nanuyo ang lalamunan ko. Ni hindi ko na rin nagawang bawiin ang braso ko.
Napatitig ako sa malalim nyang mga mata. Humangin ulit ng malakas kaya sumabog na naman sa mukha ko ang buhok ko. Tinangay ng hangin ang natural na amoy nya papunta sa akin.
Parang mapipigtas ang hininga ko. Delikado na ako rito! Kailangan ko nang umalis.
Sinubukan ko ulit tanggalin ang hawak nya pero masyado na talagang mahigpit iyon.
"Ihatid na kita." Aniya.
Pumayag na ako dahil alam kong di naman nya ako tatantanan hanggang sa pumayag na ako.
Nakakapagod ang araw na ito at ayaw ko nang makipagtalo pa.
Hindi lumilipas ang araw na hindi nya ako tinatawagan o tinetext man lang. Para ngang ginawa na nya akong responsibilidad dahil hindi rin sya pumalyang sunduin ako pagkatapos ng trabaho.
Linggo, kanina ay dumiretso na ng bangko para magpagawa ng account.
Kailangan ko na kasing mag-ipon para sa pag-aaral ko. Iyong sahod ko sa ilang taon kong pagtatrabaho sa karinderya ay inipon ko.
Hanggang sa nagkaroon na ako ng sapat na ipon para makapag-enroll. Naisipan ko ring mag-apply ng scholarship para makatipid ako.
Alam kong kaya ko nang buhayin ang sarili ko sa pagtitindera lang pero iba parin kapag nakapagtapos na ng kolehiyo.

BINABASA MO ANG
Imperfect
RomanceHe's too perfect. She's too imperfect. Announcement: Ineedit ko muna po yung mga chapters dahil ngayon pa lang ako nakagawa ng plot hehe, and i want to show na nag-improve na ako sa pagsusulat THANKS! All the love💩