Eight

17 0 0
                                    

Napatulala ako sa nadatnan ko. Bakit naman ang aga nyang pumunta dito. At hindi pa talaga sya nagbukas ng electric fan para hindi sya ganyan kapawis.

Tinapunan ko lang sya ng tingin at saka binuksan ang electric fan.

Kanina pa ba sya dito?

Kumuha naman ako ng face towel para pamunas sa pawis nya. Baka matuyuan sya ng pawis at magkasakit.

Iniabot ko sa kanya iyon at tinanggap naman nya.

"Huwag mo na lang masyadong ipunas sa mukha mo.. ano kasi.. hindi yan malambot.. baka magasgasan ang mukha mo." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay.

Totoo naman kasi. Sobrang kinis ng mukha nya. Nakakatakot hawakan, baka magasgasan.

Kinagat nya ang labi nya at tumingin sa akin. Pinunas parin naman nya ang towel sa mukha at leeg. Pagkatapos ay tumayo sya.

Teka! Hindi pa nya napupunasan ang likod nya.

Nakatingin lang ako sa towel na hawak nya kaya hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin, ng sobrang lapit.

Naamoy ko tuloy ang pabango nya. At amoy bagong ligo din sya kahit na pawis.

"Hindi mo sinabing may date ka pala. At binigyan ka pa ng bulaklak." Ani Grayson.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napansin kong namumula ang pisngi nya. Ayan kasi! Alam naman nyang mainit sa loob pinilit parin.

Inismiran ko na lang sya. Hinablot ko ang towel sa kamay nya.

Hindi eepekto sakin yang mga segway nya. Ang tigas kasi ng ulo!

"Talikod." Utos ko.

Kumunot lang ang noo nya. Mukhang wala pang balak na sundin ang sinabi ko kaya pinaikot ko na lang sya.

Basang basa ng pawis ang likod nya. Napalunok ako. Bumakat ang likod nya sa puting polo na suot.

"A-Ano.. itaas mo yung polo mo."

Parang naghihina ang tuhod ko. Pwede ko namang ibigay na lang ang bimpo sa kanya at sya na lang ang magpunas sa likod nya.

Pero kasi baka hindi nya abot. Tama, hindi nya abot kaya ako na lang ang magpupunas.

Hinawakan nya ang laylayan ng polo nya. Lumingon sya sa akin ngunit nakatalikod parin. "Are you gonna rape me?"

"Hindi! Pupunasan ko lang ang likod mo. Baka matuyuan ka kasi ng pawis. Feeling mo naman."

"Chachansingan mo lang ako eh." Aniya at itinaas na ang polo.

Uminit ang mukha ko. Chansing nya mukha nya! Ano namang chachansingan ko dyan sa katawan nya?

Iyan bang anim na abs nya? O ang malaki at matigas nyang braso?

Nanlaki ang mata ko. Siguro kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

"Sabi ko itaas mo lang yung polo mo! Hindi hubarin!" Pinaghahampas ko sya ng bimpo sabay tili.

Tumawa lang sya ng malakas. Tumalikod na lang ako para hindi ko na makita pa ulit ang katawan nyang hubad.

"Punasan mo na yung likod ko." Hinawakan nya ang braso ko.

Para akong nakuryente sa hawak nya. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Pumikit ako ng mariin. Bakit nga ba ako nagpapaapekto sa katawan nya. Dapat umarte lang ako ng normal.

"Tumalikod ka." Sabi ko nang makalma ko na ang sarili ko.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon