Thirteen

10 0 0
                                    

Humikab ako pagpasok ko ng kusina. Biglang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang nilutong agahan ni tita. Hindi pala ako nakapaghapunan kagabi.

"Kape?" Alok sa akin ni tita. Tumango naman ako at umupo na.

Kailangan ko talaga ng kape ngayon para magising ako. Hindi talaga ako maayos na nakatulog dahil sa nangyari. Pagkatapos akong ihatid ni Grayson, syempre hanggang sa harap lang ng gate, umalis na rin agad sya. Hindi ko lang alam kung umuwi na sya kaagad o dun na talaga sya natulog sa kotse nya.

Hindi ko na rin sya natext dahil wala pa ako sa huwisyo hanggang sa maidlip ako.

Nilapag ni tita sa mesa ang kape at humigop ako dito kaagad.

"Lumabas ka kagabi?" Nasamid ako sa tanong ni tita pero hindi nya iyon nakita dahil nakatalikod sya. Nagpunas agad ako at umayos ng upo.

"Opo, saglit lang.. Nagpahangin.."

Pumasok na ng kusina ang magkakapatid. Nakauniporme na silang lahat at mukhang handa nang pumasok.

Tumabi sa akin si Keila na napansin kong kumunot ang noo at tumitig sa leeg ko. Hinawakan ko ang parte ng leeg ko na tinititigan nya.

"Bakit?"

"Ate, may kagat ka yata ng lamok." Aniya at tinanggal ang kamay ko para ituro ang kagat ng lamok.

Kinapa ko ulit ang leeg ko pero wala naman akong naramdamang pantal o kahit kati.

Binaba nya ang tingin nya sa leeg ko kaya kumunot ang noo ko. Ngumiti ulit sya saka tiningnan ako sa mata. Tinaasan ko sya ng kilay. Ang weird nya bigla.

"Anong tinitingnan mo?"

"Wala." Aniya. "Magsuot ka na ng jacket, malamok na."

Kahit si Grayson napansin yung kagat ng lamok sa leeg ko. Sobrang manhid ko na ba na kahit kagat ng lamok, hindi ko maramdaman?

Sumilip si tita para sana tingnan yung tinuturo ni Keila pero tinakpan ko na agad ito ng buhok ko.

Pinanliitan nya ako ng mata. "Bakit kasi lumabas ka pa kagabi? Lagyan mo na lang yan ng ointment. Kunin mo dun sa may drawer ko, pag-akyat mo."

Tango na lang ang naisagot ko at tumuloy na sa pagkain. Pagkatapos kong tumulong sa pagliligpit ay dumiretso na ako sa taas at kinuha ang sinasabi ni tita na ointment.

Sinilip ko ang cellphone ko kung may text at iyong kay Grayson ang unang lumabas. Ngumuso ako. Magandang umaga!

From Grayson:
Good morning, beautiful. Did you slept well?

To Grayson:
Good morning :-) Hindi ako nakatulog.

At nakangiting sinend ang text ko sa kanya. Sana mabilis syang magreply dahil gusto kong nirereplyan ang mga text nya.

Kinuha ko ang salamin sa bag ko. Nagbeep ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko agad ito. Aaminin kong nadismaya ako nang mabasang si Bryan ang nagtext pero okay lang yun.

From Bryan:
Hi, Shy! Kumusta ka dyan sa tita mo?

Tumingin muna ako sa paligid para isipin kung ano ang irereply ko sa kanya.

To Bryan:
Okay lang.

Sa totoo lang, okay lang naman talaga ako. So, tama lang naman ang sinagot ko, di'ba?

Naghintay ako para sa reply ni Grayson pero nainip na ako kakahintay kaya tiningnan ko na lang ang kagat ng lamok ko sa leeg. Kumunot ang noo ko. Hindi naman ito mukhang kagat ng lamok..

Kinapa ko ulit ito at inalala ang nangyari kagabi. Si Grayson.. yung halik nya..

Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko nang maalala iyon.. Talaga naman!

Nagulat ako nang nagbeep ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nagreply na si Grayson. Umirap ako nang mabasa ito. Ano kayang itsura nya habang sinisipat ako sa kalokohan nya? Iniisip ko pa lang, kumukulo na ang dugo ko.

To Grayson:
Humanda ka sakin pag nagkita tayo.

Parang lulubog na ang mga pinipindot ko sa sobrang inis habang nagtatype.

Nagpasya akong wag na lang lagyan ng ointment yung nasa leeg ko tutal hindi naman ito kagat ng lamok. Dahil ito ay kagagawan ni Grayson!

Naligo na lang ako para mawala nang kaunti ang pamumula. Hindi ko alam kung pano ko ito itatago kila tita. Hayaan ko na lang kaya sila na isipin na kagat ito ng lamok. Paano kung magduda sila? Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Hindi ko alam ang gagawin.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may magtext ulit sa akin.

Si Bryan naman ito at tinatanong kung may balak na daw ba ulit akong mag-apply ng trabaho dahil may alam daw sya.

Ngumuso ako. Nilapag ko muna ang cellphone at hinanap ang suklay ko sa bag. Nagbeep ulit iyon.

May job hiring na sinabi sa akin si Shiela. Baka dun na lang ako mag-apply, Bryan.

Sinend ko na ito at binasa ulit ang text nya pero ibang text ang nabasa ko. Ibig sabihin.. ibang tao rin ang nareplyan ko?!

"Shit.." Bulong ko nang mabasa ang text ni Grayson. Siya pala yung bagong nagtext. Akala ko si Bryan.

From Grayson:
Thank you for the wrong sent message. I got a job for you.

Nagtipa na ulit ako para magreply sa kanya pero inunahan nya na ako ng tawag. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi.

Pinindot ko na ang call button at narinig ko na ang paghinga nya.

"Katext mo yung Bryan?" Bungad nya sa akin. Wala man lang bang hello?

"Nangangamusta lang."

"Dapat hindi mo na nireplyan." Aniya.

Naamoy ko na ito. Ngumuso ako. Umupo ako sa kama at pinaglaruan ang mga paa ko. "Ang sama ko naman kung hindi ko sya rereplyan. Nag-alok pa sya ng trabaho. Mabuti iyon."

"You don't need that job, Shy. I got a job for you." Tumigas ang boses nya.

"Ano namang trabaho yan, ha, Mr. Wagner?" Mapanukso kong tanong sa kanya. Nag-eenjoy akong asarin sya ngayong may atraso sya sa akin.

"My secretary."

Natigil ako sa mahinang pagtawa nang sabihin nya iyon. Seryoso ba sya? O sinabi nya lang iyon para asarin din ako?

"Okay, tama na joke time. May gagawin pa ko, bye."

"No, I'm serious. I need a secretary. Pwede kitang maging secretary since wala ka nang trabaho. I'm offering a job, wag ka nang mag-apply sa iba."

"Meron ka nang secretary di'ba? Imposibleng wala, ikaw ang boss. Nasaan ang secretary mo ha?"

Natigilan sya nang ilang segundo. Well, siguro nag-iisip sya ng palusot.

"She resigned."

Kusang tumaas ang isa kong kilay sa sagot nya. Hindi sya magaling magsinungaling.

"Talaga? Bakit naman sya nagresign, Grayson?"

"I.. I.." Bumuntong hininga sya. Napangisi ako. May nanalo na. "Okay, okay. I transferred her to other department."

"Bakit mo naman ginawa iyon? May secretary ka na.. hindi na dapat.."

"I did that because I saw a potential in her, Shy. Nothing more.. So, the slot is vacant and you need a job. And here I am, offering you a job." Pangungumbinsi nya sa akin.

Bumuntong hininga ako. Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko na yung trabaho. Kailangan ko naman.

Mas mapapalapit kami sa isa't isa pag nagkataon. Pero bakit parang kapag nangyaring maging secretary nya ko, mas malalayo ang lebel ko sa kanya. Ang hirap.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon