"Grayson!" Mahina kong saway sa katabi ko.
Paano ba naman kasi eh kanina ko pa tinatabig ang kamay nya sa hita ko at paulit ulit rin nyang binabalik. Baka kasi makita ng parents nya ang ginagawa nya sa ilalim ng lamesa! Oh my god!
"What?" Tiningnan nya ako na parang napakainosente nya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin. Talaga itong lalaking 'to. "Yung kamay mo." Sabi ko sabay tanggal sa kamay nya sa hita ko.
"Wala akong ginagawa." He shrugged at ibinalik ang kamay nya sa hita ko.
Nagsimula nang magserve ng dessert. Natakot akong baka makita ng nagseserve ang kamay ni Grayson kaya tinakpan ko ng kamay ko ang kamay nya. Sana lang hindi mahalata dahil malaki ang kamay ni Grayson at maliit lang ang akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang maayos na nailagay sa harap ko ang dessert. Sana lang talaga walang nakakita.
Naramdaman kong lumapit si Grayson sa tenga ko at bumulong. "See? You like it. You even hold my hand."
Namula ang mukha ko. Tiningnan ko ang mga nakaupo sa harapan ko at mukhang wala silang nahahalata sa aming dalawa.
Padabog kong inalis ang kamay nya at tiningnan sya ng masama.
"Assuming ka ano? Tss.."
Tumawa naman sya ng mahina pero napansin parin ni Tita Cynthia.
"What's funny Grayson? C'mon share it to us." Ani Tita.
"Nothing mom. It's just for me and Shy."
Aba dapat lang na hindi nya sabihin sa mommy nya ang pinagsasabi nya! Kainis 'to!
"Aww." Kumapit sya sa braso ni Tito. "Francis nagsisikreto na sa akin ang anak mo."
Napangiti ako sa inasal nya. Napakasweet talaga ng mommy ni Grayson. Blessed sya dahil meron syang ina na katulad ni Tita Cynthia.
"So Shy, nakatapos ka ba ng pag-aaral?" Napalunok ako sa tanong nya. Pero hindi ko kinakahiya kung ano man ang natapos ko.
"High school graduate lang po ako. Muntik pa nga po akong hindi makatapos dahil sa nangyari." Kung ano man ang magiging reaksyon nya ay buong puso kong tatanggapin.
"May nangyari? What happenned?" Curious na tanong sa akin ni Nathan.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong nya. Nahihirapan akong magdesisyon. Tanggap ko na ang malupit kong nakaraan pero pakiramdam ko hindi pa ako handa na i-share iyon sa ibang tao.
"Na--"
Naputol ang sasabihin ko nang pangunahan na ako ni Grayson. "It's confidential. Please huwag nyo na lang syang pilitin."
"Grayson's right. Huwag nyo syang pilitin." Tumango si Tito Francis.
Tumahimik na lang kaming lahat pagkatapos ng sinabi ni Tito. Pero hindi ko parin naiwasan ang makahulugan at nagtatanong na sulyap sa akin ni Tita at Nathan.
Akala ko ay tapos na ang dinner nang ligpitin na ang pinagkainan ng dessert pero nagpalabas pa si Tita ng wine. Gusto ko mang umuwi na dahil sa huling topic pero ayoko naman silang bastusin dahil sa kagustuhan ko.
Ang sabi nya ay ang paboritong wine daw nilang mag-asawa ang pinahanda nya ngayong gabi.
Tiningnan ko si Tito Francis. Kahit na mukha syang masungit ay nahahalata parin na mahal na mahal nya ang asawa. Nahuli ko pa ngang ngumiti sya kanina matapos magnakaw ng halik ni Tita sa pisngi nya. Ang sweet! Kinikilig naman ako.
Kahit saang anggulo tingnan ay bagay na bagay silang dalawa. At bigla naman akong napatingin kay Grayson. Kami kaya? Ano kayang itsura namin kapag magkasama kami? Bagay rin ba kami sa isa't isa?

BINABASA MO ANG
Imperfect
रोमांसHe's too perfect. She's too imperfect. Announcement: Ineedit ko muna po yung mga chapters dahil ngayon pa lang ako nakagawa ng plot hehe, and i want to show na nag-improve na ako sa pagsusulat THANKS! All the love💩