Nakatitig lang ako sa kisame. Kipkip ko ang kumot sa dibdib ko.
Hindi ko parin maalis sa isipan ko si Grayson. Sya ang tumulong sa akin nung mga panahong nangangailangan ako.
Pero bakit nya pa ipinaalam sa akin ang mga bagay na iyon? Ano bang gusto nyang gawin ko?
"Ayoko sa inyo! Layuan nyo ako!" Nagsisigaw ako sa loob ng kwarto.
Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kama. Ayoko dito. Gusto ko sa tabi nila mama at papa.
"Anong nangyayari dito?" Isang matandang babae ang pumasok sa loob ng kwarto.
Nanatili akong umiiyak. Gusto ko nang umuwi sa bahay namin.
"Ayaw po kasi nyang maligo at kumain. Padating na si Mr. Wagner." Sabi ng isang nagbalak na humawak sa akin.
"Sige na, ako nang bahala."
Sinenyasan ng matanda silang lahat na umalis na. Sana iwan na lang nila ako dito.
"Iha, kumain ka muna. Alam kong hindi ka pa kumakain buhat kahapon." Umupo sya sa dulo ng kama ko.
"Ayoko." Matigas kong sagot.
Napabuntong hininga sya at kinuha na lang ang basang bimpo sa palanggana.
Lumapit sya sa akin at idinampi iyon sa mukha ko.
"Kailangan mong magpalakas. Para sa mga magulang mo. Kaya kumain ka na." Malambing nyang sabi bago tinungo ang pinto.
"Nasaan ang mama at papa ko?"
Natigil sya sa pag-ikot ng door knob. At unti unting lumapit sa akin. Hinaplos nya ang buhok ko.
Parang may kung anong humawak sa puso ko nang gawin nya iyon.
"Kailangan mong maging matatag. Para sa kanila.." Aniya.

BINABASA MO ANG
Imperfect
RomanceHe's too perfect. She's too imperfect. Announcement: Ineedit ko muna po yung mga chapters dahil ngayon pa lang ako nakagawa ng plot hehe, and i want to show na nag-improve na ako sa pagsusulat THANKS! All the love💩