One

33 0 0
                                    

Napailing ako habang hinihigpitan ang hawak sa bag ko. Bakit nya ba tinatanong sa akin ang pangalan nya?

Hindi ko alam kung saan ba ako mas matatakot, sa alam nya ang pangalan ko o sa tinatanong nya sa akin kung anong pangalan nya. Wala talaga akong ideya sa kanya.

"H-hindi ko alam.. Uuwi na ako. Salamat ulit." Bubuksan ko na sana ang pinto nang malamang naka-lock iyon. Ilang ulit ko pang sinubukang buksan ang pinto pero ayaw talaga.

Bumaling ako sa kanya. Nakita nya ang ginawa ko pero wala syang ginagawa para buksan ang pinto. Ang alam ko ay may pipindutin pero hindi ko alam kung saan.

"Shy, listen to me," Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko. "Wag na tayong magpasikot-sikot pa. May naaalala ka ba tungkol sa nakaraan mo? Like ten years ago?"

Napakurap kurap ako. Oo, meron pero hindi ako makapagsalita dahil trahedya ang nangyari ten years ago. At iyon ang dahilan ng sobrang takot ko sa mga bagay.

Wala sa sarili akong napatango. "I know you at ang nangyari sayo dati. I can help you." Aniya.

Kumunot ang noo ko at agad na hinablot ang kamay ko sa kanya. Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa kanya at pinoproseso ang lahat ng sinabi nya.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo sakin?" Sa wakas ay nasabi ko na rin ang mga iyon. Kanina pa ako gulong gulo sa nangyayari.

"Grayson Wagner. Just trust me, Shy. Ako ang magbibigay ng hustisya para sayo at para sa mga nawala sayo. I know you've been craving for it for a long time. Ipinapangako ko, hahanapin ko ang gumawa nun sayo. Just trust me." Aniya.

Napailing ako sa mga sinabi nya. "Hindi. Malakas sila, marami. Hindi mo sila kaya."

Alam kong may-ari ang hayop na iyon ng isang malaking sindikato. Kaya nyang paikutin ang lahat sa palad nya. Kahit si Grayson ay mapapahamak kapag kinalaban nya iyon. Tulad ng nangyari sa akin at sa mga magulang ko.

"Magtiwala ka sa akin, kaya ko." Iyon lang ang sinabi nya at pinaandar na nya ang sasakyan.

Hindi ko na alam kung saan nya dinala ako dinala. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana at pilit na binubura ang nga alaalang kusang bumangon nang mabanggit iyon ni Grayson kanina.

Nagulat ako nang huminto ang kotse sa harap ng compound na tinitirhan ko. Masyado na akong pagod para itanong pa sa kanya kung paano nya nalaman kung saan ako nakatira.

"Thank you ulit." Hindi ko na sya nilingon at binuksan na ang pinto. Buti naman at hindi na ito naka-lock.

Lalabas na sana ko nang hawakan nya ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. May kinuha syang papel at nilagay iyon sa kamay ko.

"Tawagan mo ako kapag handa ka na. Hindi ako masamang tao. I'm here to help you." Lumunok sya at kita ko sa mga mata nya ang sinseridad sa mga sinasabi nya.

"Pag-iisipan ko." Mahina kong sagot dala na rin ng sobrang pagod.

Sinara ko na ang pinto at pumasok na sa compound. Hindi ko na ulit sya nilingon.

Nang makapasok na ako ng apartment ay nanghihina ang katawan na sumalampak ako sa kama. Sobra na para sa araw na ito ang nangyari. Nakakapagod, sobra.

Inihagis ko na lang kung saan ang papel na ibinigay sa akin ni Grayson. Wala rin naman akong balak na tawagan sya.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagtiwala na agad ako kaya ayoko na syang idamay pa sa gulo ng buhay ko. Malaki syang tao pero hindi nya kakayanin sila Polieto. Kahit na mayaman sya ay mas mayaman si Polieto. Masasaktan lang sya.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon