Ten

23 0 0
                                    

*Beep* *Beep*

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Nag-inat ako at inabot ang cellphone sa mesa sa gilid ng kama.

"Hello?" Bumangon ako sa kama.

"Good morning, Shy." Masiglang bati ni Bryan sa akin sa kabilang linya.

Good morning? Anong oras na ba? Kaya napatingin ako sa relo sa tabi ko.

8:00 am

Humikab ako. Mukhang napasarap na ang tulog ko kagabi matapos akong iwan ni Grayson dito.

"Good morning. Bakit ka napatawag?"

"Ah wala lang. Nangangamusta lang. Kumusta ka na?"

Kumunot ang noo ko. "Kakakita lang natin kahapon ah." Tumawa ako. "Kagigising ko lang."

"Papasok ka ba mamaya sa karinderya? Pupunta kasi ako." Pagpapaalam nya sa akin.

"Syempre naman papasok ako. Baka medyo malate rin ako kasi kakagising ko pa nga lang."

Nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan ko nang mag-ayos at uuwi pa ko sa bahay. Late na nga ko para sa trabaho. Kaya kailangan ko nang bilisan.

Bumaba na ako sa kama. Otomatikong naangat ko ang paa ko dahil sa lamig ng sahig. Napatingin tuloy ako sa baba at nahagip ng mata ko ang pares ng slippers sa gilid ng kama.

Ang cute lang dahil parang pambata at ang lambot sa paa. Sinuot ko iyon at dumiretso na ng banyo.

"Ma'am, sabi po ni Sir Grayson pumunta daw po muna kayo sa dining area para mag-breakfast." Anang isang maid pagkababa ko.

Tumango ako at hinatid nya ako sa dining area. Naabutan kong nakaupo na si Grayson at nagbabasa ng dyaryo. Naka three piece suit ito.

Napansin ko lang ang lamesa na sobrang iba. Maliit lang kasi ito at pang apat na tao lang ang kayang iokupa.

Biglang kumalam ang tiyan ko sa mga nakahain sa mesa. Pero kasi kailangan ko nang umuwi at may trabaho pa ako.

"Sir, nandito na po si Mam Shy."

Nag-angat sya ng tingin sa akin. At biglang nanlambot ang tuhod ko. Bakit ba sa tuwing tinitingnan nya ako ay literal akong natutunaw?

Napalunok ako. "Hinintay na kita para sabay na tayong mag breakfast." Aniya.

"Hindi na. Kailangan ko na kasing umuwi. May trabaho pa ako."

Binaba nya ang dyaryo na binabasa.

"Please, Shy? Kahit ngayon lang. Sabayan mo akong kumain." Pagmamakaawa nya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Paano ba ako makakahindi sa lalaking ito?

"Sige pero bibilisan ko lang. Late na kasi ako sa trabaho." Umupo ako sa upuan sa harap nya.

"Okay." Ngumiti sya sa akin.

Mabilis lang kaming kumain. Baka kasi wala ulit si Manang Irene at walang kasama si Shiela sa karinderya.

"Uhm Shy.." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nagtama ang paningin namin. Nakita kong gumalaw ang panga nya bago yumuko.

"Ano iyon?"

Kanina pa kasi kami walang kibo sa isa't isa. Mas mabuti na rin siguro na ganitong kapag kinausap nya ako ay sumagot na lang ako.

Hindi rin naman kami nakapag-usap ng maayos kagabi tungkol sa sagutan namin.

Siguro nakalimutan nya na kaya kinausap nya ako ngayon.

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon