Part 29

57 1 0
                                    

"Kmzta na pakiramdam  mo sandy"

"Medyo ok na.yung ibang parte ng katawan ko masakit parin"

Hindi makatingen ng maayus si sandy Kay Timothy ...naiilang eto dahil Hindi inaalis ni Timothy ang tingen dito

"Wag ka nga tumingen ng ganyan.,naiilang ako eh"

"Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko sandy Kung may mangyari sayo masama.. Ayuko mawala kapa sa akin ulit.."

"Hindi na ako mawawala ulit mahal ko...ang iniisip ko na Lang ngayun si Ryan..kmzta na Kaya sya..."

"Do you want to see him"

"Pwedi bha?"

"Oo naman, andito naman ako Hindi kita pababayaan"

Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling ni sandy sa ospital..bumalik narin ang sigla ng katawan ng dalaga..

-------------/--/--/--------

Habang sa hallway sina sandy at Timothy..nagpasya sila na dalawen ang dating nobyo.. Sa isang silid Kung Saan si ryan..sinilip Nila ang binata .. Mabuti narin ang lagay nito.. Naka tulala lamang ang binata..

Nadatnan Nila ang isang babae na may edad na..sinusubukan nito pakainin ang binata..naramdaman marahil ng ginang ang presensya Nila Kaya agad eto lumingon sa gawe Nila..

"Sino sila?"
Agad na tanong ng ginang sknila

"Magandang umaga po mrs.. Censya na Kung naka distorbo kami...ako po si Timothy at sya naman si sandy"

Napagawe ang tingen ng ginang Kay sandy.. Binabasa nito ang dalaga.at bigla nalang napalitan ng lamlam ang mga mata nito

"Kung Hindi ako nagkakamali,Ikaw ang dati kasintahan ni Ryan..."

"Opo ma'am "

Sandali namagitan ang katahimikan hangat ang ginang ang bumasag ng katahimikan sa pagitan Nila

"I'm sorry iha...ako na ang humihinge ng pasinsya sa mga nagawa ng anak ko saiyo..

Maiyak iyak na patuloy ng ina ni Ryan

"Hindi ko alam na dadamdamin ng anak ko ang paghihiwalay namin ng papa Nya...bata palang si Ryan noon..lagi ako sinasaktan ng papa Nya...sipa suntok ang lagi ko nararnasan sa kamay ng ama ni ryan... Lalo na Kung lasing eto.. Tiniis ko lahat yun dahil ayuko mawasak ang pamilya namin...at dahil narin Kay Ryan..ang nag iisang anak ko..."

Umiiyak na ang ginang Habang nakatingen sa anak

"Hanggang isang araw ay nadatnan ko ang Ama ni Ryan na may kalampungan sa Amin kwarto..Hindi ko yun natiis Kaya nasaktan ko sila dalawa.. Pero malakas si franko ..sinaktan nya ako tulad ng madalas Nya gawen sa akin.. Hindi Lang bugbog at sipa ang nakuha ko sknya..muntik narin ako mamatay sa kamay Nya...kumuha sya ng vase at ipinokpok Nya sa ulo ko.. Nawalan ako ng Malay..nang magising ako Dali Dali ako nagpunta sa kwarto ni Ryan para itakas ang anak ko..huhuhu!!!!
Pero nakita ko si Ryan sa loob ng tokador nagtatago sya doon.. Herap naku maglakad non..tinatawag ko sya pra lumapit sa akin pero ayaw Nya lumapit sa akin..ang sabi Lang Nya sa akin ..sabi daw ng papa Nya wag sya aalis doon..alm ko Malaki ang takot ng anak ko Kay franko..tulad ko ay madalas den saktan ni franko ang anak namin.. Kaya lumaki si Ryan na ilap sa mga batang tulad Nya.."

"Tulog na tulog si franko at ang babae Nya..nang makarinig ako ng sasakyan na papalapit sa amin.. Agad ako lumabas..nagbakasakali ako na may tumulong sa Amin...huminto naman ang sasakyan na piñara ko..naki usap ako na tulungan kami ng anak ko..bumalik kami ng bahay kasama ko ang lalaki diko kilala pero handa kami tulungan...pinilit ko si Ryan na sumama sa Amin pero ayaw Nya...hanggang sa magising si franko...hinabol Nya kami..agad ako pinasakay ng lalaki tumulong sa akin at inalis ako sa lugar na yun"

"Tita,mawalang galang nalang po., Nong wala na sa katinuan si Ryan sinabi Nya sa akin na sumama ka daw sa ibang lalaki"

"Yun marahil ang isinaksak sa isip ni franko sa anak namin, bumalik ako sa bahay namin ng mga ilang linggo pero wala na sila doon..sabi ng mga kapit bahay namin matagal na daw umalis ang mag ama ko doon..hinanap ko sila.. Pero diko sila matagpuan....Hanggang nagkaroon narin ako ng sariling pamilya...nang mahanap ko si Ryan../suklam na suklam naman sya sa akin..ayaw Nya tanggapin ang mga paliwanag ko..hanggang sa nawalan narin ako ng pag Asa na paniwalaan Nya ako..lagi ko nalang sya sinusundan sa malayo..hanggang sa mabalitaan ko ang nangyari sakanya ngayun"

Umiiyak parin na kwento ng ginang

"Taha na po tita., Siguro ay biktima Lang po tayong lahat ng mga pangyayari..naging mabuting kasintahan naman sa akin si ryan..wala ho akong sama ng loob sa kanya...sana po ay gumaling na sya.."

"Salamat sandy sa pag iintindi mo sa anak ko..salamat den at Hindi nyo sya sinampahan ng kaso.."

"May pinagsamahan naman po kami ni Ryan..at napaka buti niyang tao..Siguro ay bumalik Lang sknya ang mga nangyari noon sknya Kaya sya nagka ganito.."

"Paglabas Nya dito.. Ay ipapasok ko sya sa pagamutan..umaasa ako na gagaling pa sya "

"Isasama ko rin sya sa panalangen ko tita"

"Salamat anak."

At nagyakap ang dalawa..
Si Timothy naman ay naka masid Lang sa dalawa nakikinig sa usapan Nila..

Dahan dahan lumapit si sandy sa naka upong si Ryan sa bed nito..tulala eto at naka tingen sa malayo..

Hinawakan ng dalaga ang mga kamay Nila..Hindi Nya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha

"Magpa galing ka ha..maghihintay kami sayo"

Ay sabay yakap Nya sa binata..bigla nalang May tumulong luha sa mga mata ng binata..kahit naka tulala eto..nakatingen sa malayo..

"Tita aalis na po kami,ngayun kasi ang charge namin Dito sa ospital "

"Ah o Cg anak.. Salamat at Napa gawe Kayo Dito ah"

"Dadalaw dalaw rin kami tita"

"Asahan ko yan at salamat ulit"

Nang maka alis na sila sandy sa kwarto Nila Ryan.nakita Nya eto na may luha sa mata...agad sya niyakap ng ina..

"Mama"

Nagtaka man ay lalo nito hinigpitan ang pagkakayakap sa anak..may sayang dulot sa puso Nya nang tawagen sya muli ng anak ng mama

Will you be mine ( Tagalog love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon