Chapter 54 - Can I meet my life.. Again?
"Tigilan mo na ang pagtawag sa anak mo Emperor, haha. Dinalaw ka ba nun kahit minsan?" At nagtawanan ang mga kasamahan ni Emperor sa loob ng kulungan.
Nakayuko siyang umalis sa telepono at bumalik sa kanyang selda. Ilang beses na niyang tinawagan ang anak, pero wala parin.
Marahil ay hanggang ngayon, hindi parin nito matanggap ang mga nangyayari.
"Genesis Alvarez! May bisita ka."
Napuno ng galak ang kanyang puso at dali daling tumayo para harapin ang kanyang bisita.
"Good afternoon , emperor." Civil na bati nito.
"A-akira? I didn't expect you to visit me." At muling yumuko ito. Ang buong akala niya ay ang anak ang dadalaw sa kanya.
"Aren't you glad you have a visitor?"
"Ah, of course. I do. I do."
Naupo na sila. Nakatingin lang sila sa isat isa.
"Ano ang sadya mo Lady?"
BINABASA MO ANG
Satan's Daughter (Editing)
RomanceNo one really knows me, no one understands me, people judge me, and im tired of being a saint who will always be okay after all the shits they make.