chapter 26 - collage card

13.9K 340 12
                                    

Chapter 26 - collage card

"So you're telling me, dahil ako ang pinakabatang gangster na sumali sa gang, may kinalaman ako or let's say may alam ako sa pagkamatay ng The Great Emperor?"

"Buti at nagets mo rin sa wakas."

"Pero Zaira, maniwala ka, wala talaga akong matandaan."

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Wala akong matandaan na may kilala akong Great Emperor or mas kilalang si G.E.

"I know, pero hindi sila maniniwala."

"Zaira, kilala mo kung sino ang Emperor?" Seryosong tanong ko. Sya ang nagutos na patayin ako at si Mikey.

"Oo, kilala ko sya. Pero hindi ko alam ang pangalan. By face ko lang sya kilala."

Tumango tango lang ako. May araw ka rin sakin. Maghihiganti ako.

"Akira--" napatingin ako bigla sa kanya. Hindi parin kase ako sanay na tinatawag ako sa totoo kong pangalan.

"I mean Tricia. Ano na ang plano mo ngayon? Babalik ka ba sa mga magulang mo?"

Napaisip naman ako. Kung babalik ako, manganganib ang buhay nila.

Oo, kilala ko na kung sino mga magulang ko. At may kapatid akong babae. Yurika ang pangalan, pero ang tawag ko is Yuri.

Ang pamilya namin ay sikat sa business world. Yoshida. I'm Akira Akiyama Yoshida.

Satan's Daughter (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon