Crush mo sya. Nag-exist ka ba?

547 7 0
                                    

Dear crush, I exist.

Nagsimula ang lahat sa simpleng tingin sa mga mata. Yung moment na may nakita kang cute sa mall habang naglalabas kayo ng mga kasama mo. Yung makakasalubong mo sya at habang papalapit kayo sa isat isa, lalong bumibilis ang tibok ng puso mo. Hindi mo alam kung pano mo sya tiningnan nang hindi ka na papansin o mahahalata. Sa tatLong Segundo bago kayo magtagpo, gusto mong sulitin ang momment na yun na tingnan ang mga mata nya, ang buhok nya, ang pisngi nya, ang lagi nya, ang buong sya. Tapos kapag lagpas na sya sayo magkukunwari kang may tinitingnan sa tabi tabi para lng makita ng gilid ng mga mata mo kung saan ba sya pupunta o kung huminto rin ba sya para lumingon at silipin ka.

I hate that feeling. At siguro, kayo rin. Alam nyo ba yung pakiramdam na hanggang tingin ka na lang sa random person na nakikita mo sa daan? Halimbawa, sa katabing upuan sa coffee shop na pinagtatambayan mo, sa harap ng jeep na ang tanging paraan para makita mo sya ay gamit ang side mirror, yung nakasandal ka sa siksikang FX pauwi sa bahay nyo tapos may sumakay na super cute at bigla ka na lng natensyon kasi sa harap mo sya pumwesto. I hate that feeling kasi alam mong hindi mo na sya makikita. Na sa isang random situation, napakaimposible nang Maulit pa. Parang pagsakay sa isang taxi, napakaliit ng tiyansang Maulit pang muli na makasakay ka sa parehong driver.

Nakakainis noh? Yung sana PALAGI mo na lang syang makasabay sa jeep o FX, o kaya nama'y gabi gabi mo syang makikita sa coffee shop na malapit sa bahay nyo. Pero Hindi, eh. Hanggang tingin na lang tayo. Loving or liking someone from afar. We don't exist anymore.

May mga pagkakataon namang hindi random ang nagiging crush natin. Ito yung mga taong kadalasang nakakasama at nakikita sa eskwelahan, sa trabaho, sa kalye nyo o di kaya namn, sa simbahan na pinupuntahan mo. Sila yung nagbibigay ng motivation para pumasok ka ng maaga o hilingin na sana hindi suspended ang klase. Sila yung nagmimistulang inspirasyon mo sa araw-araw. Yung mapapangiti ka na lang kasi bigla ka nyang tatabihan at kakamustahin kung anong nangyari sayo kahapon. Tapos bigla ka na lang kikiligin, deep inside, kasi mapapatingin sya sayo at ipapakita nya ang killer smile na lalong nagpapalakas ng kabog ng dibdib.

Bata pa lang ako, alam ko na ang definition ng crush. Nakapatay sa slam book ng kaklase ko noong grade one, crush is paghanga. Paghanga sa kagandahan o kagwapohan ng isang tao. Paghanga sa mga talento nya o sa kakulitan nya. Paghanga sa kung ano sya sa buhay mo at kung anong epekto nya sayo.

Pero bakit ang sakit kapag hindi tayo crush ng crush natin? Bakit ang sakit kapag nalaman mong may iba syang crush or worse, may karelasyon na sya? Bakit ang sakit sa pakiramdam na parang hindi ka namn nage-exist sa buhay nya?

Ito yung mini-heartbreaking moment ng buhay natin. Oo masakit. Yung tatanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nasasaktan. Kung kulang pa ba? Kung ano pa ba ang dapat mong gawin para lang mapansin ka nya. Pero hello? Crush lang yan. Wag kang masasaktan kasi humahanga ka lang. Salamat kung mapansin ka o ma-appreciate ka nya. Pero as lang as tumitingin ka lang ng pasimple, nakikiramdam sa malayo o minanamnam mo lang yung kiLig kapag nakikita mo sya, ayos lang yan. Crush lang. No expectations. Swerte kung crush ka rin nya pero sa ngayon, wag mong masyadong dibdibin. Crush lang yan, malayo sa bituka.

Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon