Best Seller sa Katangahan!

157 3 0
                                    

Route #1 : cavite

Nasa isang bus ka na byaheng siLang, cavite habang may hawak na isang box ng donut na nakapatong sa hita mo

Nakatingin ka sa salamin ng bintana - naaaninag mo ang reflection mong nagsasabing " hoy! Bakit mo yan ginagawa?"

Hindi mo mapigiLan ang maluha dahil kababae mong tao, ikaw pa ang pumunta sa boyfriend mong nakatira sa napakalayong lugar na konting tumbling na lang, tagaytay na.

Hindi mo makontra ang sarili mo dahil mahal mo pasya. Okay lang na may tumutulong luha sa mga mata mo habang nakikinig sa love songs na pinapatugtuog ng driver ng bus. Tapos hanggang bone marrow ang bawat lyrics na naririnig mo. Nadaanan mo na ang bacoor, Imus , dasma at isang bayan na lang, nasa siLang ka na.

Tinetext mo sya kung saan bababa kasi Hindi mo alam dahil first time mong pumunta sa bahay nila. Tinext mo rin sya kung pwedeng sunduin ka na lang nya sa mas malapit na mall pero ang tanging nireply nya ay, "pasensya na. Sa kanto na lang namin. Masyadong malayo pa kapag sa mall eh."

Tumingin kaulit sa reflection ng bintana ng bus. "Wow mahiya namn ang kulit kong buhok at ang mga donut sa hita ko sa Layo ng bahay nila sa pinakamalapit na mall."

Then you realize na nakatayo ka na pala sa kanto ng bahay ng boyfriend mo. Nag hihintay sa kawalan at nilalanghap ang semi-tagaytay air na nasa paligid mo.

Yes! Buhay kapa. Nakakahinga ka pa kahit alam mong naghihingalo na yung puso mo dahil sa awa at katangahang nararamdaman mo.

Pero nung nakita mo sya, ayos lang. Kahit maluha luha, hinawakan mo parin yung kamay nya papuntang bahay nila.

Nasa maynila ka palang, alam mong may Mali na sa relasyon nyo. Alam mong parang nilalamig na sya, hindi dahil sa pagiging malapit nya sa tagaytay, kundi dahil pakiramdam mo, na- fell out of love na sya sayo.

Pero dahil umaasa ka pang maaayos pa, hayan ka ngayon sa bahay ng boyfriend mo, kasama ang mga kapatid nya habang pinepeke na lang ang ngiti sa labi mo kapag napapatingin sila sayo habang nilalantakan nila ang donut na dala mo.

Pagkalipas ng isang oras at dahil kailagan mo nang umuwi pabalik sa maynila, sinabihan mo yung boyfriend mo na ihatid ka man lang pero you ended up walking back sa sakayan ng bus, mag isa.

Nice!

After that day, nakipag break sya sayo. Yes! Sya pa MISMO ang nakipagbreak.

The end.

Route #2 : Quezon

Nilonok mo na ang lahat ng pride mo sa katawan. Mula sa napakalayong mong bahay sa probinsya ng Quezon, binagtas mo ang slex para lang makapunta sa bahay ng soon to be ex boyfriend mo sa Buendia.

You need an official closure. Para ka kasing nakahang sa ere. Hindi alam kung saan kaba mapupunta at kung mahuhulog ka man, may sasalo pa ba sayo?

Hulas na ang make up mo sa mukha. Yung lusaw na lusaw na ang kunting foundation na nailagay mo dahil sa pagmamadaling mkita sya. Kalahati ng puso mo, umaasa pa. Yung kalahati, patay na.

Nakarating ka na sa bahay nya. Nakita mo syang nanunuod ng TV. For the last time, dinalhan mo sya ng adobo, dahil paborito nya yun pero ang tanging lang nyang nasabi sayo: " Di ko talaga nakikita na ikaw yung makakasama ko habang buhay!

Kung pwede lang sanang gawing adobo ang patay na puso, siguradong naipagluto mo na ang sarili mo at ang buong sangkatangahan. Para kang sinabuyan ng malamig na tubig sa narinig mo. Wala nang hope. Wala nang second chance. Ito na ang closure na hinihintay mo pero never mong hiniling.
The end.

Route #3: Cabanatuan

Three weeks na kayong hindi nag uusap ni girlfriend. You live here in manila. She lives in Cabanatuan.

Hindi mo alam kung ano ba ang dahilan kung bakit hindi nya pinapansin ang mga tawag at text mo sa kanya. Para kang batang musmus na naiwan sa loob ng supermarket. Hindi mo alam kung nasaan yung kasama mo. Ang tanging magagawa mo lang ay ang kabahan at umiyak ng umiyak.

Then one day, biglang may bumulong sa utak mo at nagsabing, boy! Puntahan mo na lang sya.

Umasa ka sa boses na yun. Danil estyudyante ka pa lang, hindi sapat ang pera mong dalawang daan para makapunta sa cabanatuan. Nag cut ka ng klase. Hindi ka pumasok sa major subject mo kahit alam mong may exam ngayon. Ang alam mo lang, excited ka nang makita sya.

Sumakay ka ng bus sa may balintawak papuntang cabanatuan. Nagtetext ka sa kanya pero Hindi parin sya nagrereply. Kinakabahan ka kasi alam mong kukulangin ang pamasahe mo at hindi ka pa siguradong kung ano ang aabutan mo dun.

Ilang oras ang byahe. Bawat minutong limilipas ay parang karayom na tumutusok sa puso mo. Please sumagot ka. Please. Tinarayan mo sya pero wala parin.

Sa wakas, nakarating ka na ng terminal sa Cabanatuan. Wala ka nang pera. Ang tanging dala mo lang ay ang lakas ng loob at pag asang magiging okay na ang lahat.

Naglakad ka ng isang kilometro papunta sa eskwelahan kung saan sya nag aaral. Mainit ang panahon, gutom ka pa pero balewala lang yun kasi nga ang importante , makikita mo na sya.

Sakto, uwian na. Tiningnan mo yung mga taong palabas ng gate. Di nagtagal, nakita mo yung mahaba nyang buhok, ang mukha nyang napakaganda. Nakangiti sya kaya napangiti ka na rin.

Nakatitig ka lang sakanya pero iba sa iba sya nakatingin. Sa lalaking kasabay nyang maglakad. Nagtatawanan sila. Nagkukulitan. Magkahawak ang kamay.

Gumuho yung mundo mo. Parang lahat ng pagod sa byahe at pagmalakas, nagdoble double na. Parang naging pasan mo ang daigdig.

Nakita ka nya. NaguLat sya. Pero wala ka nang marinig. Wala ka nang maramdaman. Slow motion na ang lahat pati ang pagtulo ng luha sa mga mata mo. Sa kanila ng lahat, may isang salita lang na nagsink in sa utak mo na nagmula sa labi nya:

"Sorry"

The end.

Moral lessons:

Mahirap ayosin ang mga bagay na sadyang sira na. Ang pag ibig kasi, para yang baso. Kapag nabasag na. Hindi na kayang ibalik sa dati. Minsan, kung pipilitin mo pang pulutin ang mga nabasag na bahagi para lang maayos, masusugatan ka lang at masasaktan. Balewala lang.!

Mahal Mo Sya. Mahal Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon