Ang sarap pakinggan ng mga ganyang pangako di ba? Parang lalo kang gaganahang mahalin yung taong nagsabi sayo ng mga ganyang katatamis na salita. Pero Hindi namn lahat ng pangako, napapako. Hindi namn porket nakaramdam ka lang ng too-good-to-be-true promises, hindi na yun matutupad. Hindi namn siguro dahil naranasan mo ang !a- disappoint sa isang broken promise, ibig sabihin na nun, ganun din sya sayo.
Takot. Yan ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken promises. Natatakot tayong baka hindi nya matupad yung pangako nyang mahalin ka hanggang dulo. Natatakot ka na baka Maulit lang ang lahat ng sakit pero this time, mas malala na yung sakit. Natatakot ka na baka hanggang salita lang sya at aasa ka lang sa wala. Yes! Natatakot tayo.
Pero Hindi ba natin naiisip ang chain reaction na mangyayari kapag nagpatalo tayo sa takot? Kapag na takot ka, hindi ka na maniniwala sa mga sinasabi nya. Kukwestyunin mo pa rin yung mga ginagawa nya, kung sino ang kasama nya, kung bakit hindi sya sumasagot sa mga text mo.
Sa takot na yun, nagbibigay ka ng judgment na hindi katiwa-tiwala sa boyfriend, girlfriend mo. Ang believe mo, nararamdaman nya yun at mapapaisip sya kung deserving ka ba sa pangakong mahalin habang buhay.
See? Kadalasan, sinisisi natin yung mga taong nagbibigay sa atin ng mga pangakong hindi namn natutupad pero Hindi natin nare- realize na isa tayo sa mga dahilan kung bakit hindi kinakaya ng taong yun na tuparin yung naipangako nya. Imbes na suportahan natin sya ng pagmamahal, binabato pa natin sila ng mga katanungan.