Everyday, nakakatanggap ako ng almost two hundred private messages na karamihan ay mula sa mga taong may pinadadaanan sa pag ibig. Mga girlfriend na hindi pinapahalagahan ng mga boyfriend nila. Mga lalaking torpeng torpe at hindi alam ang gagawin, kung samin na ba o hindi pa. Mga taong nais sumubok na magkaroon ng karelasyon pero natatakot sa mga maaaring nangyari.
Lahat sila, naguguluhan sa pag ibig. At ang major factor na pimipigil sa kanila ng Naramdaman ang love ay yung fear. Takot na malamang wala na pala talagang sparks sa isat isa. Natatakot siLang malaman kung ano ba ang mga mangyayari o ang mas matindi, baka namn wala talagang nangyari.
Natatakot siLang masaktan.
Pero ganun namn talaga ang love di ba? Hindi namn maiiwasang hindi masaktan pero..... Kapag ba love ang USAPAN, sakit agad ang pumapasok sa utak ng mga tao? Hindi ba pwedeng yung happiness ng unang I love you nya sayo? Yung smile nya habang magkaharap kayo sa lamesa sa isang restaurant, experiencing your first date. Yung init ng kamay nya habang magkaholding hands kayo na naglalabas sa loob ng mall. Yung magkatabi kayo sa simbahan, imagining your future wedding.
Di ba ang saya ma-in love?
Some of us will think na paano kung hindi talaga kami? Paano kung hindi nya ako mahal o kaya nama'y may mahal na syang iba? Paano kung ganito, paano kung ganyan?
Teka lang. Alam nyo ba na noong July 27, 2014 ay officially nang na-hit ng Philippines ang 100 million population?
Yes! May isandaang milyong tao sa buong pilipinas at siguradong akong isa doon ay sasagot sa mga tanong mo Kay kupido.
So, bakit tayo magpapatalo sa takot? Paano natin malalaman king si the one na yung para sa atin kung hindi tayo kikilos? Paano tayo mananalo sa lotto, kung hindi nmn tayo tumataya?
You only live onceAno ba namn yung masaktan ka sa isang pekeng pag ibig di ba? At least, alam mong hindi sya ang para sayo. Part talaga ng"search for the one"ang masaktan at magbakasakali.
Ano ba ang rason ni tadhana kung bakit nya tayo hinahayaang masaktan sa pag mamahal? Para maging malakas tayo. Para mas maging matalino. Para mas maging handa kapag nandyan na si the one.