Nasa loob ka ng FX pauwi. Hindi mo alam kung anong pumasok sa utak mong naisipang ipagtanong ang bagong cellphone number ng ex mo sa mga common friends nyo. Marami kang itinext pero ilang minuto pa ang lumipas, wala pa ring sumasagot.
Malayo ka pa sa kanto ng bahay nyo kaya umaasa ka pa ring bago ka makauwi, makuha mo na yung number nya. Hanggang biglang umilaw yung cellphone mo sabay ng napakalakas na kabog sa dibdib mo. Unti unti mong binuksan yung text message at umaasang sana yung number na ni ex yun. This time, hindi ka binigo ng tadhana. Congratulations! Nakuha mo na yung number ni ex.
Buong puso mong pinindot ang "create new message" sa cellphone mo at nagsimulang magtype. Nakailang revise ka na rin ng ite-text mo sa kanya pero nauwi ka lang din sa "Good evening. Kamusta ka na?" Itinapat mo yung daliri mo sa send button pero parang pinapangunahan ka pa rin ng kaba at takot. Nagdadalawang isip ka kung tama ba yang ginagawa mo. Pero dahil biglang may mga batang hamog na tumawid sa malasing kalsada ng Mindanao avenue, biglang napahinto ang FX na sinasaktan mo at di sinasadyang napindot mo ang send button. Again, ang tadhana na ulit ang gumawa ng paraan.
Bawat Segundo, padagdag ng padagdag ang kaba sa puso at kabog sa dibdib mo. Hanggang dumating yung moment na pinakahihintay mo. May unsaved number na lumabas sa notification ng cellphone mo. Yes, si ex nga iyon. Ito yung moment na kung hindi pa nakakabayad yang mga pasahero sa fx na sinasaktan mo, siguro nailibre mo na siLang lahat sa saya.
Hi! Goog evening. Okay nmn ako. Sino to?Mga ilang Segundo mong tinitigan yung text message na yun. Ninamnam mo ang bawat letrang nagmula sa taong minsan naging dahilan kung bakit ka naging masaya. Ang tagal rin kasi nung huling beses ka nyang itinext. Mga three years na rin ata yun at ang nakalagay pa dun ay, Ayoko na. Suko na ako.
Magkahalong kiLig , excitement at kaba ang nararamdaman mo. Hindi na bago sa pakiramdam mo yun pero that time, mukhang naglabu labo na ang lahat ng emosyon sa katawan mo. Sa mga Sandaling iyon, unti unti nang nagbababaan ang mga kasama mo sa likod ng FX - yung lalaking nakasuot ng earphones pero parang naka- loud speaker nmn sa ingat ng pinapatugtuog, yung saleslady na kanina pa payuku yuko dahil sa antok at yung estudyanteng yakap yakap yung bag nya habang nakatulala sa labas ng sasakyan.
Si________to. Wala lang. Naalala lang kita. =DPinindot mo yung send button at buong at buong galak na naghintay sa reply nya. Pero nakababa ka na't lahat, makauwi ka nasa inyo, nakapagbihin ka na at nakapghilamos, wala parin. Yung kung anong bilis ng reply nya sayo nung nagtext ka ng hindi pa nagpapakilala, ganun namn katagal yung pag aabang mo sa sagot nya.
Ang for the last time, umasa ka na namn sa wala. Yung matatawa ka na lang kasi alam mo namang ayaw na nya sayo pero ipinagpipilitan mo pa yung sarili mo, kaya ayan, nganga ka ngayon, yung alam mo namang ayaw ka na nyang kausapin , pero ayan ka, umaasang baka may HINALA pang nangyari, baka pwede pa.
Past is past.
Me: anong masasabi mo rito?
Friend: saan?
Me: Hindi ka nya pinag mukhang tanga. Pnilit mo lang yung sarili mo sa kanya kahit alam mong wala namang pag-asa.
Friend: para sayo ba yan? Haha
( naalala ko, naikwento ko pala sa kanya yung nangyari sa FX )
Me: baliw! Haha. Hindi. Ano ka ba? Medyo masakit ah.
Friend: bakit? KaiLangan mo ba ng kausap? Haha
Me: Loko! Past is past na. Nagsusulat ako ngayon. KaiLangan ko lang ng opinyon mo tungkol sa quote na yan.
Friend: well, para sa akin, ayos lang na naging tanga ako sa pag ibig. Pinilit ko man ang sarili ko na maniwaLa na pwede pa, nasaktan man ako, pero ang importante, may natutunan ako. Kahit maiikli lang yung mga naging relasyon ko, marami akong natutunan sa kanila, na para bang ang hirap nang magmahal ulit. Kasi alam mo na yung mga pagkakamali mo eh. Yung alam mo na yung dapat mong iwasan. Kaya lalong humihirap ang paghahanap ng mamahalin... Kasi nagkaroon ka na ng standards.
Me: parang every break up, may bagong fear na dumadagdag sa puso mo?
Friend: parang ganun, yung kahit halos lahat ng tao sa paligid mo, may love life at inggit na inggit ka, wala ka na namang magagawa, eh.
Me: pero pumapasok sa puso mo na, "Sana ako rin".
Friend: oo namn. Pero parang dahil dun, sa pagiging single mo, mas na-appreciate mo yung ibang bagay.
Me: tulad ng?
Friend: diba sabi nila, kapag daw mawALa yung isa sa five senses mo, lalong lalakas yung mga natira? Parang sa love life, kapag wala yun, mas napapahalagahan mo yung sarili mo, pamilya at mga kaibigan mo. Kaya nga nalulungkot ako kapag hindi ko kayo nakokontak, eh. Kaibigan na nga lang ang mayroon ako, hindi pa kayo available, haha.
Me: yung totoo, ako ba talaga yung kaiLangan ng kausap o ikaw? Haha